THIRD PERSON'S POV
Nagising si Vivien dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha niya. Umupo siya saka humikab at pupungas-pungas na tiningnan ang alarm clock na nasa side table ng kama na hinihigaan niya. It's already 7:35 in the morning.
"T-teka!" Nagtaka siya. Kagabi lang ay sa sahig siya natulog tapos ngayon ay nasa kama na.
Hindi kaya inilipat siya ni Lucas dun?
Napangiti pa siya sa naiisip.
Hindi niya siguro ako natiis. Bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang isang maid roon.
"Good morning ma'am. Dinala ko na po rito ang breakfast niyo para hindi na kayo mahirapang bumaba pa." Nginitian niya lang ang maid matapos ilagay nito ang umagahan niya sa side table ng kama.
"Si Lucas ba kumain na?" Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para itanong iyon.
"Opo ma'am, kanina pa po. Maaga kasi ang trabaho ni Sir Lucas." Tumango siya at sinimulan ng kumain.
"Kung nagtataka kayo ma'am kung sino ang naglipat sa inyo sa kama. Si Sir Jake po. Naawa kasi siya nang makita kayong sa sahig lang natulog. Ang bait niya ano?" Lihim siyang nadismaya nang marinig iyon sa maid.
Hindi pala si Lucas ang naglipat sa kanya sa kama. May parte rin sa damdamin niya ang humaplos sa puso niya.
Oo nga't ang bait ni Jake. Napaka concern nito sa kanya. Na kahit busy ito ay nagagawa parin siyang alalayan sa mga paghihirap niya.
"Sige po ma'am. Tawagin niyo nalang ako kung may kailangan kayo." Tinanguan niya ang maid saka umalis na ito.
Pagkatapos niyang kumain ay siya na mismo ang bumaba at naghatid ng kinainan niya sa kusina. Matapos nun ay umakyat na siya sa itaas at sumalpak uli sa kama.
"Ano bang magandang gawin ngayon?" Nabobored na siya sa katahimikan ng mansyon. Na miss niya tuloy nung mga panahong lagi siyang gumagala kasama ng mga bestfriend niya.
Napangiti siya sa naiisip niya. Agad niyang kinuha ang cellphone niya saka tinext si Hailey.
[Hailey kumusta na?]
Ilang linggo narin itong hindi nagpaparamdam. Nagtatampo na nga siya sa mga ito dahil hindi man lang siya nito kinakamusta.
Napangiti siya dahil nagreply agad ito.
[Okay lang ako Vivien. How 'bout you?]
[Okay lang din ako. Medyo nagtatampo narin ako dahil hindi na kayo nagpaparamdam ni Charlotte sakin eh]
Kasabay kasi ng pag-alam niyang buntis siya ay hindi na nagpaparamdam ang mga ito sa kanya. Maiintindihan niya naman ang rason kung busy ang mga ito pero dapat kahit text man lang ay kakamustahin siya ng mga ito.
[Pasensya ka na Vivien. Naging busy ako this past few weeks. Pero promise babawi ako. Gusto mo ngayon na eh. How about eating lunch in our favorite restaurant. My treat]
Gumaan ang pakiramdam niya dahil sa tinext ng kaibigan. Galante na talaga ang mga ito. Mukhang siya nalang ang maiiwan sa kahirapan at kaginhawaan.
[ Sure. I'd love to. Text mo nalang kung anong oras para makapagprepare ako ]
Matapos e text ni Hailey ang oras ng pagkikitaan nila ay naghanda na siya ng susuotin niya. Isang fitted jeans at loose shirt lang naman ang susuotin niya. Hindi kasi siya fashionable kagaya nina Hailey at Charlotte yet she's so simple at dressing.
Pumasok na siya sa isang private restu kung saan ang kanilang usapan.
"Any reservation ma'am?"
" Hailey Buenaventura." Iginiya siya nito patungo sa table ng kaibigan niya. Napangiti pa siya ng makalapit siya sa table nila dahil nakita niya roon si Charlotte. How she misses the two of them.
"Oh Vivien andiyan ka na pala!" Masayang giit ni Hailey sa kanya. "Take your sit!" Umupo na siya kaharap ni Charlotte na katabi naman ni Hailey.
Napansin niya pa na napaka blooming ngayon ni Charlotte. May inspirasyon na naman siguro ito.
Hailey is wearing a black fitted shirt na sinapawan ng brown leather jacket with a black jeans and a high heels. Napaka-ganda nito ngayon kahit naka sunglasses.
Well, ano pa nga ba ang ma-e-expect niya eh isa itong sikat na aktres na kinahuhumalingan at iniidolo ng mga tao.
"Kumusta kana Charlotte. You look so pretty today." Agarang puna niya sa dalaga. Naka casual lang ito ng pink na bumagay naman sa mapuputi nitong balat.
Tinitigan siya nito saka nginitian.
"Im fine. Eh ikaw?" Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng uncomfortable tension sa pagitan nilang dalawa. Umiling lang siya sa naisip at nginitian ang kaibigan.
"Okay lang din." She uttered.
"Anyways, may ibibigay ako sa inyo." Nabaling ang tingin niya kay Hailey. Masayang-masaya ito habang may kinukuha sa ilalim ng table nila.
"Tada!" Ipinakita nito ang mga shopping bags na kulay pink saka inabot sa kanya at kay Charlotte.
"Ang hilig mo talagang mag-shopping no?" Tanong ni Charlotte. Hailey laugh in a cute tone.
"Ano ka ba, kilala niyo naman ako. Kapag kayo ang pinag-usapan. Hindi ako magdadalawang isip na hindi kayo bilhan. You two are so special to me."
Mas lalo siyang napangiti sa sinabi ng kaibigan. Kahit kasi napaka-sikat na nito ay hindi parin sila nito nakakalimutan.
Napokus ang atensyon niya ng tumikhim si Charlotte.
"Kumusta ang pagbubuntis? Hindi ka ba nahihirapan?" May ibig itong sabihin pero para kay Vivien ay wala lang iyon.
"Oo nga pala magiging ninang na kami. I'm so excited! Kasalan na ba?" Pakli ni Hailey.
Bumigat ang kalooban niya dahil sa narinig mula kay Hailey at kay Charlotte. Ayaw niyang sabihin sa mga ito ang nangyayari sa kanya ngayon dahil nahihiya siya.
Hailey is an actress and Charlotte is Lucas secretary. Habang siya ay walang trabaho at nabuntis pa ni ayaw panagutan.
"My pregnancy was fine. Sa susunod na buwan narin ang kasalan. Syempre imbitado kayo!" Kahit hindi siya sigurado kung matutuloy ba ang kasal ay confidence niya parin iyong sinabi sa mga kaibigan.
"That's good to here!" Pangiti-ngiting giit ni Charlotte na halong may inis sa boses.
Lihim siyang nainis kay Vivien dahil sa sinabi nito.
Kung tutuosin, wala na siyang dapat na problemahin pa kay Vivien dahil siya na ang mahal ngayon ni L
ucas at hindi na ito.
I feel pity for you Vivien. Marupok ka nga talaga!'aniya sa isipan niya.