Maagang nagising si Sabrina at nagluto ng agahan nila ni Zacheo. Hindi niya ugali ang paggising ng umaga para magluto pero gusto niyang pagsilbihan ang asawa. Naghiwa siya ng karne ng manok na kinuha niya kanina sa freezer at nagsimula na sa pagluluto.
Plano niya rin kasing pumunta sa mall at bumili ng mga gamit ng bata para prepare kung sakaling manganak siya. May tauhan naman sila para gumawa nun pero iba talaga pag mom's choice. Ikaw mismo ang pipili sa quality na gusto mo.
Nasa punto na siya ng pagpa-pack up ng babaunin ni Zacheo ng batiin siya nito.
"Good morning wifey!" Pupungas-pungas ito papalapit sa kanya saka pinag-aaralan ang ginawa niya. Gising na pala ito.
"Good morning too hubby!" Aniya na nakapagpasimangot rito.
May kasalanan ba siya? What did she do para umiba ang aura ng mukha nito?
"Bakit ikaw ang nagluluto diyan. Where's our maid? Sila dapat gumagawa ny-" Bago pa man nito tapusin ang sasabihin nito ay pinigilan niya ng matapos kung ano man ang kasunod ng pagbigkas ni Zacheo.
"Ayaw mo ba sa luto ko?" Naisip tuloy ni Zacheo kung na misunderstanding ng asawa ang sinabi niya.
He hasn't meant it! Ang sinasabi niya lang ay ayaw niyang mahirapan pa si Sabrina sa pagluluto dahil may mga maids naman silang gagawa nun.
Hindi nakasagot si Zacheo nang hilahin siya nito sa 12 seater na mesa at pina-upo roon.
"Gusto lang naman kitang pagsilbihan. I am your wife, so I should care for you pero parang ayaw mo pa!" Nagpout pa ito habang nakayuko. He grinned dahil sa inasta nito.
Dahan-dahan niyang inangat ang mukha nito gamit ang dalawang kamay niya and caressed her face.
"No, it wasn't supposed to be that way. I was just saying na baka mahirapan ka. Alam mo naman na ayokong maulit ang nangyari sayo dati diba?" Aniya na nakapagpatango ni Sabrina.
Naisip ni Sabrina ang sinabi ng asawa. Ang tanging sinabi kasi ni Zacheo sa kanya ay nadulas siya sa banyo nila habang tutungo sana sa tub para maligo. The tiles were wet kaya nagkataong nawalan siya ng balanse at nadulas. Tumama ang ulo niya sa sahig kaya nangyaring nagka-amnesia siya.
Naiintindihan naman niya ang gustong iparating ng asawa. He really care for her. To the point na kahit sa pagluluto ay ayaw nitong siya ang gumagawa.
"Im sorry hubby. Gusto lang kitang pagsilbihan kahit sa pagluluto ko lang ng babaunin mo sa work." Mahinahon nitong giit sa kanya na nakapagpangiti lang kay Zacheo.
"It's okay wifey I understand! Shall we eat? Mukhang masarap tong niluto mo ah!" Agad na sumubo si Zacheo ng isang kutsara at nilasap iyon.
Mas lalo pa siyang ginanahan sa pagkain lalo pa't nasasarapan siya sa luto ng asawa. Hindi niya aakalaing masarap ito magluto. Tama lang ang pagkatimpla nito.
"It taste good?" Maaliwalas ang mukha nitong binalingan siya. Tumango siya na nakapagpangiti kay Sabrina.
Matapos nilang kumain ay dumiretso na sila sa silid nila at maliligo pa si Zacheo. Pagkatapos nitong maligo ay nagbihis na rin ito. Busy ito sa pag-aayos ng pulo nang lapitan niya ito at tinulungan sa pag ayos ng neck tie nito. Inayos niya pa ang gusot sa may kwelyo nito saka marahang tumingkayad upang mahalikan ang asawa.
She planted small kisses on his lips making Zacheo groaned. Alam nitong may kailangan si Sabrina kaya ganito ito sa kanya.
"What is it?" Tumaas lang ang kilay ni Sabrina sa tanong ni Zacheo.
"Ang alin?" Pagmamaang-maangan niya rito na nakapagpatawa kay Zacheo.
"Come on wifey, alam kong may kailangan ka kaya ka ganyan sakin. Sige na sabihin mo na!"
Ngumuso pa si Sabrina saka siya niyakap sa likod. Animo'y bata itong nanlalambing sa kanya na payagan siyang maglaro sa labas.
"Gusto kong pumunta ng mall hubby!" Nahihiya niyong sambit. Inalis ni Zacheo ang kamay niya at humarap ito sa kanya.
Kumunot pa ang noo nito na nagtataka.
"Mall? Anong gagawin mo sa mall?" Curious nitong tanong sa kanya. Pinisil-pisil niya ang kanyang kamay para iwasang kabahan. Baka kasi hindi siya payagan nito.
"Bibili sana ako ng gamit ng baby natin!" Masigla niyang giit sa asawa na nakapagpa-iling nito.
"No! You're not allowed to go anywhere without me!" Bakas rito ang maawtoridad na boses na nakapagpa-alsa ng dibdib niya.
Ayaw siya nitong payagan. She doesn't care, pipilitin niya ito.
"Sige na Zeo. Gusto kong ako na ang bibili ng gamit ng baby natin para naman may silbi ako. Please!" Nagulat siya ng tawagin siya nito sa palayaw niya. Ito kasi ang tinatawag sa kanya ni Sabrina kapag may kailangan itong hindi niya binibigay para pumayag lang siya.
Pero sa case na ito. Hindi. Hindi siya papayag na lumabas ito ng hindi siya kasama. Paano nalang kung may makakilala kay Sabrina? Sabrina's truly identity was Vivien at hindi pwedeng masira ang plano niya.
Sigurado na siya. Hindi niya papayagan ang asawa.
"No!" Pinal niyang wika saka tinalikuran ang asawa at kinuha ang case sa ibabaw ng kama niya. Mabilis siyang bumaba sa hagdan at hindi inalintana ang pagtawag ni Sabrina sa kanya.
Inis na humiga si Sabrina sa queen-sized bed nila ng asawa. Hindi siya makapaniwalang hindi siya nito pinayagan. Ngayon lang.
Sa totoo lang ay nabobored narin siya sa loob ng bahay nila. Paulit-ulit nalang ang nakikita niya. She want something new at ang pagpunta sa mall ang sana'y plano niya.
What if pumunta siya kahit hindi alam ng asawa niya? Pero paano kapag nagalit ito sa kanya pag nalaman nito ang ginawa niya?
Pinisil-pisil niya uli ang kamay niya. Hindi naman ako mapapagalitan kung hindi niya malalaman.
Nagliwanag ang aura ng mukha niya. Tama, aalis siyang hindi magpapa-alam rito. Nanlumo naman siya nang maisip na may mga tauhan itong nakapaligid sa labas at binabantayan lahat ng kilos niya.
Agad siyang nagbihis ng isang maternity dress na kulay yellow with a sunflower design on it.
Agad niyang tinungo ang gate ng bahay. Hindi pa man siya nakakalabas ay pinigilan na siya ng tauhan ni Zacheo.
"Ibinilin po sakin ni sir Zacheo na hindi kayo palalabasin ng bahay ma'am!"
Tumango siya at kunwaring hindi alam ang sinasabi ng lalaki.
"Kailan ka sinabihan ni Zacheo?"
"Kanina po ma'am!" Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya rito saka tinapik ang braso.
"Tinawagan ko siya ngayon at pumayag siya na lumabas ako. Atsaka diyan lang naman ang punta ko sa tapat ng bahay natin!" Tinuro niya pa ang katapat ng bahay nila. "Kina Marie lang ako. Ibibigay ko tong niluto kong adobo sa kanya!" Aniya.
Kilala niya ang anak ng may-ari sa katapat ng bahay. Ka-edad niya ito. Close na close niya ito dahil madaldal ito at palakaibigan. Tinitigan pa siya nito at sinisigurado kung totoo ang sinasabi niya. Mukhang naniwala naman ito dahil narin sa pruweba niya sa kamay niya. Ang niluto niyang adobo.
Sinenyasan nito ang guard nila na buksan ang gate na sinunod naman nito. Mabilis siyang lumabas ng gate at diretsong pumunta sa tapat ng bahay nila, kina Marie.
She presses the doorbell three times bago lumabas roon ang nakangiting si Marie.
"Ouh sab! Napadalaw ka?" Amaze nitong tanong sa kanya. Nginitian niya ang dalaga aaka inabot rito ang ulam na inilagay niya sa paper bag.
"Nagluto ako ng adobo kanina. Napadami eh kaya ibibigay ko nalang sayo!" Tumango si Marie saka inabot ang paper bag at sinilip iyon.
"Waaa salamat Sab. Tamang-tama at hindi pa ako nag-aagahan! Halika pasok ka muna!" She refuses dahil sa inoffer nito. Palusot lang naman kasi ang pagbibigay niya ng ulam rito para payagan siya ng tauhan nila na palabasin siya.
"Naku hindi na! May pupuntahan kasi ako eh. Napadaan lang ako para ibigay yan!"
Tumango ito saka ngumiti sa kanya.
"Sige mauna na ako!" Aniya sa dalaga. Matapos nitong isara ang gate ay nilingon niya muna ang guard at ang tauhan nila. Busy ito sa pag-uusap kaya hindi siya napapansin.
Dahan-dahan siyang naglakad palayo sa bahay ni Marie. Nang marating niya ang bukana ng gate ng subdivision ay dali-dali siyang lumabas saka pumara ng taxi.
Bumuga pa siya ng malalim na hinga nang makapasok sa taxi. Bumilis ang t***k ng kanyang dibdib. Buti at hindi siya namalayan ng mga tauhan nila.