Chapter Seventeen

1323 Words
"Kumusta ang work hubby?" Mabilis niyang tinungo ang asawa saka tinulungan itong mahubad ang suot nitong business coat. Nakapulo nalang ito ngayon. "Okay naman medyo na busy lang ng kunti." Tumango si Sabrina saka niyapos ang asawa. "Hindi na kita mayakap ng maayos dahil lumalaki na ang tyan mo!" Natatawang giit ni Zacheo kay Sabrina. Sumimangot si Sabrina. Tatlong buwan narin ang nakalipas simula noong na hospital siya. It's in her seven months of pregnancy. Malaki na rin ang tiyan niya. Hindi naman siya nahihirapan sa pagbubuntis dahil andiyan naman si Zacheo para alalayan siya lagi. Hinampas niya sa braso ang asawa. "Hayaan mo pag lumabas tong baby natin, yayakapin kita ng mahigpit yung tipong masasakal ka na!" Aniya. Tumawa lang si Zacheo na ikina-irap niya. Sa ilang buwan na pagsasama nila, inaamin ni Sabrina na nasasabayan na niya ang existence ng asawa. Hindi tulad noong una na nahihiya pa siya sa tuwing kausap at kaharap niya ito. "By the way kumain ka na ba?" He ask. Umiling si Sabrina. Actually, kahit gutom na gutom na siya ay hindi niya magawang kumain nang hindi kasabay ang asawa. Nasanay na kasi siyang palaging sinasabayan nitong kumain. "Ang tigas talaga ng ulo mo! Sabi ko kumain ka sa tamang oras. You should care for yourself. You're pregnant at makakasama yan sa baby natin!" Agad siyang hinila nito pababa sa hagdanan. Dinala siya nito sa kusina saka iginiya sa mesa. Kumuha ito ng pinggan saka inilagay sa mesa. Sumandok ito ng makakain nila saka nilagyan ang plato niya ng kanin at ulam. "Ayan, damihan natin para di ka magutom agad." Nginitian niya lang si Zacheo saka nagsimula ng kumain. "Nga pala, ipapakilala kita sa pamilya ng daddy ko next week!" Nagulat siya sa sinabi nito. Zacheo had a bad time with his dad. Ikinuwento ni Zacheo ang totoong samahan nito ng papa niya. Anak lang sa labas si Zacheo. Her mom and his dad were friends at the moment. May pamilya na ang daddy niya nang magkarelasyon ito sa mommy niya. Malaki ang problema ng daddy niya sa pamilya nito kaya nagawa nitong makipagrelasyon sa kanyang ina. Buntis na ang mommy niya sa kanya noong nagkabalikan ang daddy niya at ang tunay na asawa nito. Nalaman narin ng asawa ng daddy niya ang tungkol sa kabit nito at ang tungkol sa kanya. Tanggap naman siya ng asawa ng daddy niya dahil mabait ito at maunawain but her mom was left alone. Noong una ay hindi niya natanggap dahil naaawa siya aa mommy niya pero sinabihan siya ng ina na matutong tanggapin ang kinahihinatnan nito. "Talaga? Sigurado ka?" Panigurado niya na ikinatango ni Zacheo. Kinabahan siya sa sinabi ng asawa. Paano kung di siya tanggap ng mga ito? Agad na iwinaksi niya ang mga what if's niya. "Ayaw mo ba, kasi kung hindi ka pa ready, pw-" Pinutol niya ang sasabihin nito. "Hindi okay lang!" Aniya. "That's good then! Let's enjoy the food!" Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso na sila sa kwarto nila. Yes, they shared the same bed. Ano pa bang dapat e expect eh mag-asawa naman sila. "Wifey!" Nakatalikod siya ngayon sa asawa habang nakahiga sila. Akala niya ay tulog na ito ngunit heto't tinatawag siya nito. "Hmn!" Tanging sagot niya dahil inaantok na siya. "Wifey!" Tawag uli nito na ikinalingon niya. "Bakit?! Ano ba yan, inaantok na ako eh!" Napakalmot siya sa ulo niya dahil naiinis na siya. "Harap ka sakin." Malambing nitong giit sa kanya saka pinilit siyang ipaharap rito. Humarap naman siya sa asawa saka niya napansing nakatitig ito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila. Zacheo has these brown eyes and a pointed nose. "Would you ever mind if I kiss you?" Agad na namula ang pisngi niya sa sinabi nito. Unti-unti nitong inilapit ang mukha nito sa kanya. Napapikit si Sabrina. Hinihintay niya ang pagdampi ng mga labi nila. And a second pass by, their lips touch with each other. They kissed. It was a 5 second kiss pero para kay Zacheo ay masaya na siya. Sa mga buwan na nagsama sila ay inaamin niyang unti-unting nahuhulog ang kalooban niya sa babae. Natulog silang magkayakap nang gabing iyon. They were happy with each other. "Masarap ba tita?" Kahit alam ni Donya Bella na sobrang asim ang niluto ni Charlotte ay pilit siyang tumango. "Y-yeah!" Tipid niyang sagot. Sumandok uli ito ng sabaw saka iminuwestra sa bibig ng donya. "Here pa tita!" Pangiti-ngiting saad nito kay Donya Bella. Ngumiti lang ng peke ang Donya saka siya inilingan. "Im full!" Aniya sa dalaga na nakapagpatango lang nito. Nasa kusina sila ngayon ng mansyon. Nagpresenta kasi ang dalaga na lutuan ng sinigang ang ina ni Lucas dahil paborito ito ng Donya. Kahit hindi siya magaling sa pagluluto ay pinag-aralan niya parin ito. What's the purpose of youtube kung hindi siya hihingi ng tulong rito. "You know what tita. I have a lots of things to say to you." Pumanhik na ang Donya patungong sala pero sinundan parin siya ni Charlotte. "Lucas and I, really love each other. Pagkatapos ng work namin hinahatid niya lagi ako sa condo ko!" Patuloy lang siya sa pagsasalita habang ang Donya ay hindi na siya pinagka-abalahang pansinin. Kumuha ng isang magazine ang Donya at binuklat iyon. Umupo siya sa pahabang sofa at sumunod naman na tumabi si Charlotte. "Napakasweet talaga ni Lucas sakin. Were planning to get marriage na nga eh!" Napatigil sa pagbuklat ng pahina ang donya dahil sa narinig kay Charlotte. They're planning to get marriage? Was Lucas being hypnotized by this woman? Tinitigan niya ang dalaga. "Sa tingin ko. Lucas is not yet ready to get married lalo pa't kamamatay lang ni Vivien." Aniya na nakapagpangiti ni Charlotte. "Yun nga yung gusto kong sabihin kay Lucas eh pero atat na talaga siyang magpakasal sakin. His being jealous in me everytime boys accompanied me!" Lihim na nainis ang Donya. Tinitigan niya pa ito mula ulo hanggang paa. I don't like the vibes of this woman. Ambisyosa! Vivien is precious than this girl dahil inosente lang ito but Charlotte? Hindi niya maatim na maging asawa ito ng anak niya. "I don't think sinabi niya yun?" Sambit ni Donya Bella sa dalaga. Charlotte again, faking a words. "Tita! I know that this is so hard for us to let Vivien go but paano naman ang kasiyahan ni Lucas? Ipagkakait niyo pa ba ito sa kanya?" Nanamlay ang balikat ng Donya. Naiinis siyang kaharap ito. Siguro ay aalis na muna siya at matulog muna sa kanyang silid para matanggal ang pagkarindi niya rito. "I'm tired hija. Please excuse me! I gotta go and get some rest!" Tumayo si Charlotte at lumapit rito. "Samahan ko na p-" anito ng putulin ng Donya ang sasabihin niya. "Kaya ko na ang sarili ko. Puntahan mo nalang si Lucas doon sa guestroom." Itinuro nito ang guestroom at mula roon ay ipinasok ng maid ang mga gamit ni Charlotte roon. "Tita! Ba't nila pinapasok ang gamit ko sa guestroom?" Nagtataka siyang binalingan ang donya. Ngumiti ng kimi si Donya Bella. "Hindi ba sinabi sayo ni Lucas na dyan ka pansamantalang matutulog habang hinihintay ang pagbabalik ng Kuya niya?" Kumunot ang noo ng dalaga na ikinatawa ng donya. "Atsaka Charlotte, kung sa akala mo ay magtatabi kayo ni Lucas sa iisang kama ay nagkakamali ka. Hindi kayo mag-asawa to share the same bed with each other!" Charlotte insisted dahil sa sinabi ng Donya. "Pero bakit si Vivien dati, they share the same bed with Lucas. Ba't ako hindi?" Nagtaas ang kilay ng Donya. "Because Vivien is pregnant and she is Lucas fiancee, kaya dapat lang na magtabi sila. When you, is just his girlfriend!" Paliwanag niya kay Charlotte na ikinasimangot ng mukha nito. Lihim na nagalit si Charlotte sa sinabi ng Donya. Gusto niyang makasama at makatabi si Lucas sa iisang silid lang and yet ayaw nito na ipagsama sila.Napa-isip siya. Kung hindi kami magtatabi? Well, i will find a way to be with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD