Chapter Ten

857 Words
THIRD PERSON'S POV " Marami pa namang ibang writer diyan na gusto ka sa drama nila ba't yan pa ang gustong-gusto mo!" Aniya ni Vivien. Napag-usapan kasi nila ang naging issue ni Hailey as celebrity. "Hindi niyo kasi naiintindihan eh. Yung drama na yun, sa korea e-sho-shoot. Tapos ang leading man nun ay si Craig Lunox.." paliwanag nito habang nagniningning ang mga mata. Kunsabagay, sino ba ang ayaw makapartner ang isang Craig Lunox. Bukod sa napaka-gwapo nito. Malakas rin ang karisma nito sa mga babae. At hindi lang yun. Napakagaling nito sa pag-arte. "Kaya hinding-hindi ako papayag na mapunta lang sa cheap na Savannah ang role na leading lady sa dramang iyon!" Ang tinutukoy nito ay ang kakompetensya nito sa larangan ng pag acting na si Savannah Monleon. "Kung hindi mo sana siya siniraan sa kumpulan ng set, hindi ka magsa-suffer ng ganyan. Kaya wag kana lang magreklamo." Giit ni Charlotte habang sumisimsim ng wine. "Hindi naman yun pagpapanira. Hindi naman nakakasakit yung sinabi ko." Reklamo nito habang nag pa pout. "Eh ano bang sinabi mo?" Tanong ni Vivien. "I just said na nagkaroon siya ng relasyon sa manager niya na totoo naman." Napasapo lang sa noo si Vivien at Charlotte. How freak this girl is. "Tell me. Hindi naman offensive yun diba? Diba?" Pabalik-balik lang ang tingin nito sa dalawang kaibigan. "Hailey! Masyado kasing malaman yang bibig mo. Bawas-bawasan mo ng kahit kunti para naman maka-iwas ka sa mga gulo." Ani ni Charlotte na natatawa pa. "Oo nga artista ka pa naman. Masisira yang image mo!" Nanlaki ang mga mata nito sa narinig mula sa kanilang dalawa ni Charlotte. "Pinagtutulungan niyo ba ako?" Kahit nainis ito ay napaka-cute parin nito. Patawa-tawang umiling si Charlotte at si Vivien. "We're not! Ang sinasabi lang namin. Control your temper. Masyado kang maldita eh!" Nagkatinginan pa si Charlotte si Vivien at sabay na natawa. Pero sandali lang iyon dahil agad na nag-iwas ng tingin si Charlotte kay Vivien. "Ah basta! Ano pa ang silbi ng pagiging maganda ko kung hindi ko gagamitin." Humalik pa ito sa kawalan saka confident na finlip ang buhok nito. "Ano na naman ang binabalak mo! Naku Hailey, sinasabihan kitang wag mo ng ituloy baka ikaw pa ang masira!" Ani Vivien. "Huwag kayong mag-alala. Hindi ako mapapasama nito. Imbes, makakatulong pa sakin!" Pa ngiti-ngiti lang ito saka naglagay ng kaunting hibla ng buhok sa tenga niya. Umiling-iling lang si Vivien saka si Charlotte naman ang binalingan. Napa-isip siya. Ba't hindi niya tanungin si Charlotte sa ginagawa ni Lucas. Sekretarya ito ni Lucas at alam nito ang mga ginagawa ng binata. "Charlotte." Aniya. Nag-angat ito ng tingin habang kumakain ng steak. "Bakit?" "I was just thinking na itanong to sayo. Syempre he is your boss kaya alam mo ang ginagawa niya sa office!" Napatango ito dahil na nito ang pakay niya. "Si Lucas ba?" Tumango siya. "What about Lucas?" Curios na tanong ni Charlotte. "Ano ba ang pinagkaka-abalahan niya sa office lately?" Charlotte smile sweetly. "Well, paperworks ano pa nga ba." Charlotte fake a smile. Maliban sa paperworks, isa rin ako sa pinagkaka-abalahan ng boyfriend mo`aniya sa isipan niya. Napako ang tingin niya sa leeg ni Charlotte. Kinabahan siya. That necklace was from Vivien before. Bigay ito sa kanya ni Lucas nung first anniversary nila na agad naman nitong binawi nung hiwalayan siya nito. Paanong na kay Charlotte ito? Kinakabahan man ay pinawi niya iyon at tinanong ang kaibigan. "Where did you get that?" Aniya sa kaibigan. "Ang alin?" Tanong rin nito dahil hindi nito magets ang tanong niya. "Yang kwentas!" Turo nito sa suot na kwentas ng kaibigan.Tumingin si Charlotte sa suot niyang kwentas at hinawakan iyon. Si Hailey naman ay tahimik lang at busy'ng busy sa pagkain. "Ito ba? Bigay to sakin ni Lucas. I mean, sir Lucas. Sabi niya kasi hindi mo na raw sinusuot kaya binigay niya nalang sakin." Paliwanag nito na nakapagbigay sa kanya ng matinding sakit. Akala niya ay mayroong relasyon si Lucas at Charlotte. Binigay lang pala nito. Matindi talaga ang galit nito sa kanya. Kaya pati yung kwentas ay ipinamimigay nalang sa iba. "Okay lang ba sayo na binigay niya sakin to?" Tanong nito nang hindi siya makapagsalita. "O-okay lang. Kagaya nga ng sabi niya, hindi ko na ginagamit. Kaya ayos lang." She smile to her. "Okay then." Lihim na nagbunyi ang kalooban ni Charlotte. Ngiting tagumpay dahil alam niyang nadismaya ito. `Mamatay ka sa inggit Vivien!' Tumayo si Vivien saka sinubukang abutin yung wine pero pinigilan siya ni Charlotte. "Ako na bes!" Presenta nito habang nilalagyan ng wine ang kopita niya. Sinadya pa nitong pinanginig ang kamay kaya dumiretso ito sa damit ni Vivien. "Naku Vivien sorry! Hindi ko sinasadya!" Kunwari nitong sabi saka kumuha ng panyo at ipinahid sa basang damit ni Vivien. "Ok lang Charlotte!" Aniya. "Hindi ka talaga nag-iingat Charlotte. Hanggang ngayon napaka-clumsy mo parin!" Hailey inserted. "Sorry na kasi!" Pakunwari nitong giit. "Hayaan mo Vivien, suotin mo nalang yang nasa shopping bag na binili ko. May damit diyan." Tumango siya sa sinabi ni Hailey saka kinuha ang shopping bag nasa ilalim ng mesa at dumiretso na sa Cr. Muli, napatawa si Charlotte sa ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD