Chapter Eleven

949 Words
VIVIEN'S POV Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa Cr para bumalik sa table namin. Hindi pa man ako nakakarating nakita ko pa si Hailey at si Charlotte na parang nag-aalitan. Nag-aaway ba sila? Mabilis kung tinungo ang pwesto nila. "Ba't kayo nag-aaway?" Agaran kong tanong na nakapag-pabalikwas sa kanilang dalawa. Nagkatitigan sila at umiling sabay nagngitian. Umupo ako saka hinarap silang dalawa. "Nakita ko kasi kayo sa malayo parang may pinag-aawayan kayo. May problema ba?" I asked again. "H-hindi! We're just....Ahm we're just teasing each other." Aniya ni Hailey na parang hindi mapakali at parang na-te-tense. "Yeah-yeah we're just fooling around haha diba?" Ngayon si Charlotte naman ang tumawa saka nakipag-apiran kay Hailey. This two act wierd. Ipinagkibit-balikat ko nalang ang mga werdong pangyayari sa dalawa. Ipinagpatuloy ko ang pagkain at hindi ininda sina Charlotte at Hailey. Hanggang sa matapos ang aming friendly bonding. Matapos ang usapan namin sa private restu na iyon ay nagkanya-kanya na kami sa paglakad. Gusto pa nga ni Hailey na pumunta kami sa arcade dahil nami-miss niya na raw ang sumakay sa iba't ibang rides na kasama kami but I insist na huwag nalang. Mahirap na't may makakilala sa kanya at pagkaguluhan na naman siya. Si Charlotte naman ay may pupuntahan daw siyang date. I wonder kung sino ang ka date niya? It's been a while since nagkaroon siya ng boyfriend, we're just college pa nun, kaya naman napaka-saya namin ni Hailey nang marinig na she's dating a guy. Tinanong pa namin siya kung sino ang lalaking iyon pero ang sabi niya, sikreto muna daw. Hindi na namin siya kinulit dahil alam naman naming hindi namin siya mapipilit. It's around 6 o'clock at nandito pa ako sa park. Nasa swing lang ako habang tinatanaw ang mag-couples na kumakain ng ice cream habang masayang nag-uusap. Ganyan rin kami nun ni Lucas. Masaya lang na kasama namin ang isa't-isa. Yung pinag-uusapan pa namin yung mga bagay na nakakapagpakilig samin. But everything's fade away. Sa isang iglap, nagbago siya. Without any explanations. I sighed. Siguro kailangan ko nalang tanggapin na wala na kami. Makakaya ko naman siguro. Makakaya ko naman sigurong palakihin ang anak ko ng mag-isa. Without the help of him. Napatawa ako sa naisip. Hindi niya naman talaga ako tinulungan. Besides, ang parents niya naman talaga at si Jake ang tumulong sakin at hindi siya. Tumayo na ako saka naglakad na para umuwi. Lutang na lutang ako sa mga sandaling iyon. Marami akong naiisip kung ano na ang mangyayari sakin. Ni hindi ko nga namalayan na nasa gitna na ako ng highway at deretso lang ang lakad. Nagising lang ako sa katotohanan nang may bumusina sa likuran ko. Pagkalingon ko, bumusina uli ito ng dalawang beses na tila'y galit na galit sa manubela. Ano bang problema nito? Pwede naman siyang dumaan sa kabilang lane. Nilingon-lingon ko ang paligid. Wala namang dumadaan na kotse kaya ba't dito pa sa gitna kung saan ako naglalakad ito busina ng busina. May-ari ba siya ng daan? "F*ck! Sasakay ka ba o hindi?!." Nagulat ako sa nagmamay-ari ng boses na iyon. Galit na galit ito. Binalingan ko uli ang itim na kotse sa likuran ko at doon lumabas ang isang Lucas na inis na inis ang ekspresyon sa mukha. "Lucas?" Hindi na ako nito sinagot saka hinila ako nito papasok sa kotse niya. "Nakikinig ka ba?!" Halos mairita ako sa pagsigaw ni Lucas. Nasa kotse niya kami ngayon at nagdra-drive siya. Kanina pa kami nag-papalitan ng mga salitang nakakabingi at walang ni isa samin ang umakto ng kalmado. "Of course! Hindi naman ako bingi!" Mariin kong sagot na nakapagpa-igting ng panga niya. Hindi ko alam pero pagkakita ko sa kanya kanina uminit agad ang ulo ko. Dala ba ito ng pagbubuntis? "Now your acting like a brave woman!" Aniya habang nakatuon ang atensyon sa daan. Tinitigan ko siya saka inirapan. Bakit pa kasi ako nagpahila sa yelong to? Kung alam ko lang na sasabunin ako nito, di sana naglakad nalang ako pauwi o di kaya'y sumakay nalang ng taxi. Ilang minuto ring pumaligid ang katahimikan sa loob ng sasakyan nang maisipan kong magsalita nalang. "Saan ka galing?" I curiously ask. Bihis na bihis kasi ito. Mukhang may date na pinuntahan. Kunsabagay, noon pa man babaero na ito. Ba't pa ba ako nagtataka? "Hindi kita binibigyan ng permiso para alamin ang mga kilos ko at ang mga ginagawa ko!" I shrug my shoulder. "Okay,sabi mo eh!" Pero sa isipan ko pinapatay ko na siya dahil sa inis. Ano ba kasing nakain nito't bigla-bigla nalang dumarating habang nagmo-moment ako kanina sa gitna ng kalsada. Napalingon ako sa kanya ng tumikhim siya. Nakita ko pang parang nagdadalawang isip siyang sabihin kung ano ang nais niyang iparating sakin. "May sasabihin ka?" "About the wedding." Hindi ko alam pero kinabahan ako ng sabihin niya iyon sa malamig na boses. Kinalma ko ang sarili ko saka nagpakawala ng malalim na paghinga. "What about the wedding?" I confidently ask. "Don't think na dahil papakasalan kita eh mahal na kita. Papakasalan kita dahil diyan sa pinagbubuntis mo." Kalmado lang ang pagkakasabi niya nun pero milyong-milyong kutsilyo ang tumarak sa dibdib ko ng marinig iyon sa labi niya. Yumuko ako dahil bumagsak ang isang butil ng luha mula sa kaliwang mata ko. Mabilis ko iyong pinahid dahil ayaw kong makita niya ang pagtangis ko. Pinipigilan ko ang mahikbi dahil ayaw kong umiyak na naman sa harapan niya. "Akala ko ba hindi mo ito anak?" Lumingon siya sakin sandali saka ipinukol muli ang atensyon sa pagmamaneho. "Bakit hindi nga ba? Sa ngayon, kunwari anak ko nga yan. Pero in the right time, ipapa-DNA ko yan. At sa oras na malaman kong hindi ko nga anak yan. Let's divorce!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD