THIRD PERSON POV
Mabilis ang paglipas ng buwan at oras para kay Vivien. It's already in her 4 months of pregnancy at aminado siyang nahihirapan siya ngayon lalo pa't hindi talaga sila magkasundo ni Lucas.
Hindi naman siya pinababayaan ni Donya Bella bagkus binibigay nito ang kailangan sa pagbubuntis niya. Binigyan pa siya nito ng sariling doctor para linggo-linggo siya nitong macheck-up at para hindi na siya mapagod sa kakapunta ng hospital.
Nasa gitna siya ng pagkain nang dumating si Jake at may hawak-hawak na pizza sa magkabilang-kamay nito. Masaya itong lumapit sa kanya saka inilapag sa mesa ang dala nito kanina.
"Naks naman. Araw-araw mo nalang akong dinadalhan niyan ah." Masayang giit niya sa binata. Tumango si Jake at pinat ang ulo niya.
"Eh sa ayokong nagugutom ka." Mas lalo siyang napangiti sa sinabi nito. Hindi parin talaga ito nagbabago at napaka-caring nito sa kanya.
"Jake Russen De Villa. I owe you a lot for that." Kinindatan niya si Vivien saka pinagcross ang kamay nito.
"My pleasure Miss Vivien Perez!" Tumikhim ang binata." I mean Misis Vivien De Villa." Pagak lang siyang tumawa dahil sa kabaliwan ni Jake.
Hindi kasi natuloy ang kasalan dahil sa madaliang pag-alis ni Lucas papuntang Paris. May kailangan kasi siyang tapusin na trabaho roon at ngayon ay hindi pa ito makaka-uwi.
Mas mabuti narin siguro ito para makapag-isip siya ng maayos kung magpapakasal pa nga rin ba siya kay Lucas despite sa takbo ng buhay niya ngayon. She only love him but he doesn't like her anymore.
Wala na siyang magagawa kung ayaw na talaga ni Lucas sa kanya. Hindi niya itong pwedeng pilitin na gustuhin siya ulit dahil may kanya-kanya silang pag-iisip.
Accepting. Tama she need to accept the truth about their status.
LUCAS POV
"Charlotte kailangan kong kumapit sa patalim. Natanggalan ako ng scholarship dahil sa malanding Akira na yun!" Galit na galit ang boses ng babaeng iyon habang kausap si Charlotte. Suminghap naman si Charlotte bago nagsalita.
"Vivien, Lucas is a good man. Oo may pagka-bad boy siya pero nakita mo naman na nang dahil sayo nagbago siya. From being that assh*le to a nice man." Muli, nagtagis ang bagang ko dahil sa narinig kong iyon.
Paulit-ulit kong pinaparinig ang isang clip ng voice recorder na kamakailan lang ay ipinasa sa akin ni Charlotte.
Nasa Paris pa ako ngayon dahil may inaasikaso ako ngayong trabaho rito. Sa susunod na araw pa ang uwi ko sa Pilipinas dahil patapos na rin naman ako rito.
Free time ko ngayon kaya naisipan kong humiga nalang sa kama at matutulog na sana nang maalala ko ang dahilan kung bakit ang dati kong minahal ng sobra ay kinamumuhian ko ngayon.
Kinuha ko ang cellphone ko saka pinakinggan uli ang usapan nina Vivien at Charlotte.
"Charlotte, alam mo namang wala akong gusto sa kanya. Siya lang naman yung lapit ng lapit sakin tsaka bigay ng bigay ng mga bagay na hindi ko hinihingi sa kanya."
Naalala ko nung college time namin, habol ako ng habol sa kanya. Siya yung unang babaeng nagpatibok ng puso ko na dati hindi ko nagagawa sa ibang babae. Yeah, I'm so inlove with her. To the point na lahat kaya kong ibigay sa kanya kahit di niya hinihingi.
"Vivien, kaya mo rin siyang mahalin. Why are you keep on tailing Jake. May girlfriend na yun. Saka parang ang pangit naman pakinggan kung boyfriend mo na si Lucas tapos kay Jake ka pala may gusto. Magkapatid sila alam mo ba?!"
Doon bumigat ang pakiramdam ko. Yet I'm his boyfriend that time pero si Jake ang hanap-hanap niya. Ano bang meron sa kapatid kong iyon at mahal na mahal niya ito?
"Hindi ko alam Charlotte. Pero pwede bang sikreto muna natin to. Huwag mong ipagsabi ang totoo kong nararamdaman para kay Lucas. Please keep it up for me. Kailangan ko talaga kasi ng pera ng ngayon!"
Namuo ang luha sa aking mga mata matapos marinig ang huling sinabi niya. She just used me dahil lang sa pera ko. Sinagot niya ako dahil alam niyang kaya kong ibigay ang gusto niya yet he love my brother so much.
Kinuyom ko ang kamao ko. Kulang pang kabayaran ang pagbuntis ko sayo at ang pagtrato ko sayo ng ganito kumpara sa sakit na idinulot mo sakin Vivien Perez.
Magtiis ka!
VIVIEN'S POV
Mula sa pagkakahiga ay napapitlag ako ng kumatok ang maid sa labas ng kwarto ko. Nang mabuksan ko ito agad bumungad sakin ang maid at katabi nito si Charlotte.
"Oh Charlotte!" Kiming ngiti lang ang ibinigay nito sakin saka inabot sakin ang isang paper bag.
"Halika pasok ka." Awtomatiko naman siyang pumasok pagkatapos umalis ng maid. Pagkasara ko sa pinto ay dumiretso siya sa kama at umupo roon.
"How's the princess doing?" Aniya na parang may ibig sabihin. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"What do you mean?" Napatawa naman siya kaya mas lalo akong nalito.
"Hindi ba ito naman ang ginusto mo? Ang makapasok sa buhay nina Lucas. Congratulations! You've made it Vivien!"
Nginitian ko siya sa sinabi niya. May kaunting pagtataka parin sa isipan ko. Why did she open up this kind of topic?
"What are you talking about?" Isang tikhim muna ang iginawad nito sakin bago nagsalita.
"Hindi ba pinlano mo lahat ng ito Vivien? You said na kinailangan mo ng pera kaya mo sinagot noon si Lucas. Ba't ka nagpabuntis sa kanya? Akala ko ba ayaw mong magpatali sa kanya sa oras na iwan mo siya? Then, what are you doing now?"
Napasinghap ako sa sinabing iyon ni Charlotte. May ibig sabihin ito.
"Yeah, I admit pera nga ang habol ko sa kanya pero noon yun! Ngayon mahal ko na siya. Hindi ko alam pero bigla nalang. I realized all his effort towards me. Pero huli na yata ang lahat. He's mad at me!"
"So alam na ni Lucas ang ginawa mo?" Gulat nitong tanong sakin. Umiling ako.
"Hindi ko alam. Wala namang nakaka-alam sa plano ko sa kanya noon. Except sa ating dalawa. Unless.." napatigil ako saka siya tinitigan. "Unless what?." She curiously ask.
"Unless you said it to him!" Napatakip siya sa bibig niya saka inis akong tiningnan. Wari'y hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Are you insane Vivien?! Sa tingin mo magagawa ko yun sayo? We're best friends at nagdadamayan tayo sa isa't-isa kaya hindi ko magagawang isiwalat ang mga sikreto mo! Nakaka-offense ka naman!" Nagsimula siyang humagulhol ng iyak kaya nataranta ako. Hinagod ko ang likuran niya saka siya pinatahan.
"I-im sorry Charlotte. I didn't mean to offend you. It's just like nagtataka lang ako. Alam mo na since tayong dalawa lang ang nakaka-alam ng-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tumayo siya bigla.
"Wala kang tiwala sakin! Hindi ba?"
"No Charlotte. That's not what I mean!" I hissed.
"Ang sabihin mo, wala ka talagang tiwala sakin. You should have say so, para naman sinimulan ko ng lumayo !" Napako ako sa kinatatayuan ko nang pabagsak niyang isara ang pintuan ng kwarto ko bago lumabas.
Napasapo ako sa noo ko. What did I do?
Dahil sa sinabi ko na offend ko siya. I must say sorry to her. Napakabait niya sakin bilang kaibigan yet I offended her.
Matapos iyon ay sinimulan ko siyang e text at tawagan but she didn't answer and reply to my call and text. Galit na galit siguro ito sakin.
I started to call Hailey at pinakiusapang itanong kung galit ba ito sakin. Pumayag naman siya saka ko pinatay ang tawag.
Bumuntong hininga ako dahil sa nagawa ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa maling nasabi ko sa kanya.
After a long silence naisipan kong pumunta sa isang cafeteria. Marami akong naiisip ngayon. How my life could this be?
I think kailangan ko munang e-distansya ang sarili ko kay Charlotte.
Yeah, that's what I'll do.