Chapter Two

1095 Words
Tirik na tirik na ang sikat ng araw pero hindi parin bumabangon si Vivien. Pagod na pagod ang katawan niya at in the same time ay tinatamad. Ganoon yata talaga ang naging epekto ng pagbubuntis niya. Isang oras muna siyang nahiga bago niya naisipang tumayo para maligo. Adobong manok ang naisipan niyang lutuin sa umagang iyon. Her favorite. Matapos magluto ay kumuha na siya ng pinggan at nagsimulang kumain. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng pagkasuka kaya dali-dali siyang nagtungo sa banyo upang isuka ito doon. Nang mailabas niya na lahat ng suka niya ay bumalik siya sa kusina at umupo. "I lost my appetite. Nakakawalang -gana naman!" Manginis-nginis niyang turan. She look at her apartment. Maliit lang ito at mainit. Buti nalang may electric fan siya. Agad siyang napasinghap ng maalalang dalawang buwan na siyang hindi nakakabayad sa renta niya dahil hindi na nagkakasya ang sweldo niya. Panigurado'y bukas o mamaya ay papalayasin na siya ng landlady niya. Salbahe pa naman iyon! Mabilis niyang tinungo ang kanyang kwarto at doon naghanap ng susuotin. Maghahanap siya ngayon ng trabahong pang umaga upang madagdagan naman ang sweldo niya. Ito nalang ang tanging paraan para makasurvive sa sitwasyon niya. She never wanted this kind of life before, ang tanging gusto niya lang ay ang makapagtrabaho at mapakain ang sarili ng tatlong beses sa isang araw. Hunugot siya ng malalim na hininga at ngumuso. Gusto niyang sisihin ang sarili niya dahil sa kapusukan niya. Heto't nabuntis siya ni Lucas at hindi man lang siya pinanindigan. Umiling siya at hinaplos ang tiyan niya. Kung hindi sana siya nabuntis, ay malamang makakaya niya pa ang mga tustusin niya. Hindi niya naman masisisi ang magiging baby niya. Hindi nito kasalanan na nabuhay sa loob ng sinapupunan niya. Wala itong kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid nito. Ang kailangan niya nalang talagang gawin ay ang magsikap para sa kanyang sarili at para sa magiging baby niya. Paano niya ito bubuhayin mag-isa lalo pa't wala siyang pang tustos sa pang araw-araw na gastusin niya. Isang yellow dress ang napili niyang soutin saka nagtungo sa salamin at nag-ayos. Hinaplos niya ang tiyan niya at pinakiramdaman iyon. " I made a mistake and that's you. Pero ang pagkakamaling yun ang hinding-hindi ko pinagsisihan." Ani na tila kinakausap ang fetus sa loob ng matres niya. Nag-ayos na siya sa kaniyang sarili at lumabas ng bahay. Agad naman siyang pumara ng taxi para magsimula na sa paghahanap ng trabaho. Ilang oras ang nagdaan at alas sais na ng hapon. Madilim na sa paligid pero ni isang trabaho ay wala siyang mapasukan. Kahit may hiring pa naman pero wala ni isa ang tumanggap sa kanya. Kahit nga applicable naman siya ay bigo sya. Nawewerduhan tuloy siya. Hindi naman yata coincidence, na lahat ng kompanya na pinuntahan niya ay hindi siya tinanggap. Mukhang malas na yata iyon. Dahil sa tinding pagod at gutom ay naisipan niyang pumunta sa isang restaurant para kumain. Gutom na gutom na siya at hindi niya naman kayang hindi kumain sa kalagayan niya ngayon. Lalo pa't buntis siya. Kailangan rin ng baby niya ng sapat na nutrisyon para healthy ito pagkatapos manganak. She wants to sees her baby healthy after she'll give birth to her sweet little angel. Masigla niyang tinungo ang bakanteng upuan malapit lang sa pintuan ng restaurant. Umupo sya roon at tinawag ang waitress. Ibinigay nito ang menu sa kanya at agad na pumili ng pagkain. Pagkatapos umorder ay kinalikot niya muna ang cellphone niya. Tinetext niya ang kaibigan niyang si Charlotte. Ilang linggo narin silang hindi nagkikita at hindi narin ito nagpaparamdam sa kanya. Kumusta na kaya ito? Hindi na nagrereply si Charlotte sa mga text niya kahit sa tawag niya ay out of coverage ito. Is she okay? Dati naman ay nagpaparamdam ito sa kanya kahit hindi niya dinidisturbo. Pero ngayon, ay nanibago siya sa kaibigan niyang ito. Hindi na siya nag-abalang e text pa ito ulit dahil dumating narin naman ang order niya. Masigla niyang nilantakan ang inorder na pagkain at napapantastikuhang ngumunguya sa masarap na putaheng nasa harapan. Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna siya ng 20 minutes bago tuluyang lumabas sa restu. Pababa na siya ng hagdan ng matisod sya at matumba. "Aray ko naman!" Pag minamalas nga naman! Dahil sa nangyari, hindi niya namalayan ang pagdating ng isang kotse sa harapan niya. May kung sinong bumaba roon na hindi na niya ikinabahalang tingnan dahil nahihirapan siya sa pagtayo. Napa-angat siya ng tingin ng mapagtanto kung sino ang lalaki. Anong ginagawa niya rito? Seryoso lang ang binata na nakatingin sa kanya. Wala paring ka-emo-emosyon sa mukha. Oh crap! Anong kahihiyan to? Namula ang pisngi niya ng mapagtantong si Lucas ito. Nakapamulsa ito at tiim bagang naka tingin sa kanya. "I-ikaw?" Nanghihinang turan ng dalaga. "Bakit may iba ka bang ini-expect?"bakas sa boses nito ang pagiging masungit. Hindi siya nagsalita at umiling nalang. Hinay-hinay siyang tumayo at hindi man lang siya nito nagawang tulungan. Bastos! Walang respeto! Inirapan niya ito saka tinalikuran. Wala na siyang panahon para makipag-asaran sa taong yun. Kinamumuhian niya na ito ngayon. "Where are you going?"malamig nitong tanong na ikinalingon niya. The look of his eyes making her stopped. Maawtoridad ang boses nito and she kept on thinking na natatakot siya rito. "Home!"tipid niyang sagot. Nagkibit-balikat ito at ngumisi ng napaka demonyo. "You really called that cheap and small apartment a home?!" Sa pananalita nito ay minamaliit nito ang tanging bahay na nasisilungan niya ngayon. "So what? Buhay ko to at wag kang mangialam!" Hindi na siya nakapagpigil at nasabi niya ang mga salitang iyon sa binata. Kung maka-asta talaga ito ay parang may naitulong ito sa kanya. Napangiwi siya sa naisip. May naitulong naman pala siya. Tinulungan niya akong maging single mom! "Itigil niyo na nga yan! Para kayong mga bata!" Napalingon ako sa lalaking bumaba galing sa kotse. It's an older version of Lucas. Magka-parehong magka-pareho sila ng mukha ang ipinagkaiba lang ay nasa 50's na ito. Ama ba sya ni Lucas? "Hija, pwede ba kitang maka-usap?" Agad napawi ang kaba sa dibdib ng dalaga. Mabait kasi ito sa pakikitungo sa kanya. Ang akala niya ay magagalit ito sa kanya. Napasinghap siya nang maalala ang tagpo sa office ni Lucas. Naroon rin ito at nakikinig sa pagmamakaawa niya sa dating nobyo. Galit iyon kay Lucas dahil sa ginawa nito sa kanya ngunit hindi naman ito nagkaroon ng interes sa kanya. "A-ano po yun." "May mga bagay lang akong gustong e offer sayo." Para siyan g napako sa kinatatayuan niya. Offer? May mga bagay daw siyang gustong e offer? Ano yun? Tungkol saan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD