Chapter Three

1175 Words
Magkahalong kaba,takot, at inis ang namutawi sa kalooban ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito habang kaharap ang ama at ina nina Lucas at Jake. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa tensyon na bumabalot sa amin ngayon. I tried to compose myself para mabawasan ang pangamba ko kung sakaling negative thoughts ang sasabihin ng mga ito sa akin. I never met Lucas parents kahit ilang taon na kaming nagsasama. Lucas always tell me to wait. Natatawa nga ako sa kanya dati dahil kapag dumadating ang parents niya sa condo unit niya ay tinatago niya ako sa walk in closet niya. Nagmumukha tuloy kaming teenager na takot mahuli ng mga magulang namin. "Ehem!" Isang tikhim mula sa matandang lalaki ang pumukaw sa atensyon naming lahat. "I need to clear some things. I mean, e cla-clarify ko ang nangyayari ngayon between you hija." Turo nito sakin saka lumingon sa kinarorounan ni Lucas. "And you Lucas!" Napalunok nalang ako ng laway dahil sa takot at pagkakalito kung ano ba ang nangyayari sa paligid ko. "Kahapon ko lang nalaman, mula kay Jake ang ginawa mo sa inosenteng babaeng yan Lucas!" Bumigat ng husto ang pakiramdam ko dahil sa narinig kay Don Crisanto na ama ni Lucas. Ang akala ko ba ay naliwanagan na siya noong nasa office ako ni Lucas at lulan siya. Nang marinig ang pangalan ni Jake ay nagpalinga-linga ako sa paligid baka sakaling makita ko siya pero bigo ako. He's not here. Busy na naman yata iyon sa trabaho. I really wanted to see him. Si Jake lang kasi ang nakakapag-pagaan ng loob ko sa tuwing involve ako sa mga sitwasyong ganito. "At hindi ko yun nagustuhan!" Napalingon ako sa katabi ko. Sinamaan ako nito ng tingin na tila ba'y ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Magkatabi kasi kami ngayon sa mahabang sofa kaharap ang mga magulang niya. The tension between us are really weird. Wala nga akong kaide-ideya kung ano ang ginagawa namin dito at anong offer ba ang sinasabi ni Don Crisanto. Lucas just smirk. " I thought she was your girlfriend! May balak ka pa ngang ipakilala siya samin Lucas, hindi ba?" Aniya ni Donya Bella. Doon ay nagulat ako kaya napatingin ako kay Lucas. Seryoso lang ang mukha nito at mapaklang ngumiti. Binalak niyang ipakilala ako sa parents niya? May parte sa puso ko ang natuwa pero may bahid parin iyon ng kuryusidad. Kung ganon, ba't di niya tinuloy? Ano ba ang rason niya? Did I do something para kamuhian niya ako ng ganito? Pero wala akong natatandaan. Kahit ni minsan ay hindi ko siya sinaktan dahil mahal na mahal ko siya. I need to know. Gusto kong malaman ang mga dahilan niya. "Nah! Im just fooling around!" Sarkastikong sagot ni Lucas. I look at his eyes. He act bitterly. Hindi na siya yung lucas na nakilala ko. Yung napaka-sweet at caring. Yung mahal na mahal ako. Pero matapos nung gabing pinagsaluhan namin, bigla nalang siyang nagbago. Tinatakwil niya na ako. Hanggang ngayon litong-lito parin ako eh! Napabuntong-hininga ako sa naiisip. "Ayusin mo nga ang sarili mo Lucas! Look at her! Binuntis mo tapos hindi mo pananagutan. Anong klaseng lalaki ka? You should accept the fact na magiging ama ka na!" Giit ni Don Crisanto. Tumataas na ang boses nito. I sighed bago nagsalita. "O-okay lang naman po. K-kung hindi niya ako pananagutan. Kaya ko naman pong buhayin ang anak ko ng mag-isa." I uttered innocently. Kung ayaw niya edi wag hindi ba? Forcing myself to him would literally gives me headache even more. Bahala na siya kung ayaw niya samin ng baby niya. Hindi ko siya pipilitin! Napalingon siya sakin. "Kaya niya naman pala eh. So, I guess this meeting will end!" Tumayo siya at akmang aalis na pero bigla siyang sinigawan ni Don Crisanto. Napalunok pa ako nang makita ang galit na titig ni Don Crisanto sa anak. Hindi lang basta titig iyon ng isang galit na ama. Titig iyon na puno ng awtoridad. "Lucas! Huwag mong hintayin na tanggalan kita ng mana at itakwil sa pamamahay na ito! Malaking kahihiyan ito sa kompanya natin kapag nabalitaan ng mga ito na tinakbuhan mo ang responsibilidad mo sa babaeng yan!" Napapikit ako. Anong gulo ba itong pinasok ko? Ganoon ba talaga ka komplikado ang lahat para sa ginawa ni Lucas sakin? Kung sana'y nalaman ko nang maaga, hindi na sana ako pumasok sa buhay niya. "Seriously dad?!" "Don't argue with me, Son. I am fixing your mess! Papakasalan mo si Vivien, sa susunod na buwan!" Bumilis ang t***k ng puso ko. Is this really happening? Medyo natuwa ako sa aking narinig. Napakabait nito, na kahit pagkakamali ng anak niya'y gusto niyang itama. "P-pero dad-" "No buts. You'll marry her. Wether you like it or not!" Pagkatapos nun ay umalis ito, paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. Naiwan naman si Lucas, si Donya Bella at ako dito sa sala. Napaka-awkward. Siguro uuwi muna ako. Mas lalo lang akong mastre-stress kapag nakikita siyang dene-deny ako. Tunayo nako at hinarap ang Donya. "Pasensya na po kayo sa abala Donya Bella. Aalis na po ako." Tanging nasabi ko at akmang lalakad na ng pigilan ako nito. "Hindi ka aalis hija. Simula ngayong araw na ito, dito ka na titira. Lahat ng gamit mo, pinakuha na namin sa apartment mo. Paid narin ang bayarin mo sa renta dahil binayaran na namin iyon." Malambing na turan sakin ng Donya. Napa-awang ang labi ko. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig mula rito. Ito ba ang sinasabing offer ni Don Crisanto? "P-pero-" i hissed. "Hija, apo namin yang dinadala mo. Kaya dapat naming e-secure ang kalagayan mo!" "Napakaswerte niya naman yata!" Supladong giit ni Lucas na ngayon ay tinalikuran kami at lumabas na sa mansyon. Hindi man lang nagpaalam sa ina niya. " Hayaan mo nalang siya Hija, siguro nagulat lang siya sa mga pangyayari." I just nodded. Sana nga ay yun ang rason nito. Pero may kakaiba akong nararamdaman eh. May kakaiba sa mga ikinikilos niya. Hindi niya basta-basta ako tatalikuran kung wala siyang sapat na dahilan. Nagkibit-balikat balikat nalang ako at nginitian ang Donya. "Salamat po sa pagtanggap sakin at ng magiging baby ko. Maraming-maraming salamat po!" Umiling lang ito at niyakap ako. "No, salamat dahil binigyan mo kami ng apo. Matagal na naming hinihintay ito ni Crisanto, na isa sa magkakapatid ang bibigyan agad kami nito pero sobrang tigas ng dalawa. And now look. Ang bunso pa talaga namin ang unang nagbigay nun samin." Natatawang giit ng donya. Bakas sa mukha nito ang pagkatuwa. I sighed in relief. Buti at tanggap nila ako at ang baby ko. Kahit ganon ang trato sakin ni Lucas, masaya nako dahil sa kabutihang loob na ipinukol ng ama at ina nito sakin. Siguro ay sapat na muna ito sakin ngayon. Talagang binayaran pa nito ang kulang ko sa renta at pinatira pa ako dito sa mansyon nila. They care for my baby. Hindi nila ako pinabayaan. Hindi tulad ng ginawa ni Lucas. That cold man. Lucas Reign De Villa. That heartless C.E.O.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD