VIVIEN'S POV
" One coffee americano please." Request ko na ikina-tango naman ng waitress. Pasulyap-sulyap lang ako sa transparent glass ng cafeteria nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki.
Lucas? Sinundan ko ito ng tingin. Pasakay na ito sa kotse patungong driver seat. Nanlaki ang mata ko dahil nakita ko pang may kasama siyang babae sa loob. Hindi ko lang mapagsino kung sino yung babae dahil nakatalikod ito. Pamilyar ito sakin, hindi ko lang matandaan kung sino.
Naka-uwi na pala siya? Bakit hindi mo na siya dumaan sa mansyon?
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. I don't want to jump in any conclusions without knowing the real reason kung sino ang kasama niya, malay ko, empleyado niya lang iyon and he want to give it a ride pauwi nito.
Pagkatapos ibigay ng waitress ang kape ko ay dumiretso na ako palabas ng shop. Alam kong mali ang maki-alam sa privacy ng isang tao dahil hindi pa man kami kasal but my curiosity kills me.
Paano kung babae niya ito? Hindi naman masamang mag-isip ako ng ganong bagay lalo pa't likas sa mga lalaki ang tawag ng kanilang laman.
Pumara ako ng taxi saka agarang sumakay.
"Paki-sundan po yung itim na kotse!" Sabi ko na agad namang tinalima ng driver.
Mas lalo akong kinabahan nang huminto ang kotse ni Lucas sa basement ng condominium. Pagkatapos kung magbayad ay bumaba na ako saka nagtago sa isang pulang van para hindi nila ako makita.
Nakita ko ang paglabas ni Lucas kasabay ng isang babae. But again, hindi ko ito makilala dahil nakatalikod ito sa direksyon ko.
Nagsimula na silang maglakad. Nauna si Lucas habang patakbong sumusunod ang babae.
My heart hurt when I see the girl holding his hand saka sabay na pumasok sa elevator.
Hindi ko muna sila sinundan dahil alam ko na rin naman kung saan ang parorounan nila. They're heading to Lucas condo unit.
Limang minuto ang hinintay ko bago tuluyang pumasok sa elevator at pinindot ang 8th floor. Nang makarating ako sa floor na iyon agad akong dumiretso sa pintuan ng unit niya.
Kinabahan ako. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o papasok nalang bigla. Total may duplicate naman ako ng susi niya dito.
Matapos kong ipasok yung susi ay nanginginig kong pinihit ang door knob ng pintuan.
Nagtagumpay naman ako sa pagbukas nun at bumungad sa akin ang magulo niyang sala.
Bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko ang isang dress ng babae na nakalatag sa sofa.
Nanginginig ako ngayon. Sinusubukan kong isipin na wala siyang ginagawang milagro kasama ang babae kanina pero what should I think?
Halata naman siguro dahil may senyales na. Hinawakan ko ang tiyan ko at saka pinat iyon. May naririnig pa akong ungol mula sa mismong kwarto nito na nakapagpapikit sa akin.
Kinakabahan man ay desidido na akong pasukin iyon. Ilang hakbang rin matapos makarating sa pintuan ng kwarto ni Lucas.
I took a deep breath saka pinigit ang pintuan.
And there I saw him lying in bed with his woman on top.
Patuloy lang sila sa ginagawa nila at hindi ako napansin na kanina pa nakapasok at nakatingin sa kanila. I want to see the face of that girl.
Hindi ako pwedeng magkamali. Pamilyar na pamilyar siya sakin. Magkasama lang kami kanina.
"L-lucas!" Napapikit ako nang napabalikwas silang dalawa patingin sa direksyon ko. She was shocked but then he was just staring at me coldly.
"Vivien?" Boses iyon ng pinagkakatiwalaan ko. Ang babaeng nakasama ko ng lumaki at saksi sa mga pangyayari ko sa buhay. Mabilis niyang kinuha ang kumot at tinakip ito sa hubad niyang katawan.
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Gusto kong sabihin nila ang dahilan kung bakit nila ito ginagawa sakin.
Charlotte is my bestfriend pero siya rin pala mismo ang magtratraydor sakin.
"Nakadisturbo ba ako?" Mabilis ang paghinga ko. Nanginginig ang buong pagkatao ko. Hindi sila nagsasalita while Charlotte looked at me with a sorry in her eyes.
"A-anong ibig sabihin nito?" I ask." May relasyon kayo? Kelan pa? B-bakit?" Sunod sunod ang mga katanungan kong iyon na gusto kong masagot nila. May namomoung luha sa mga mata ko.
"Sorry Vivien." Panimula ni Charlotte.
I look at her, hindi ko alam pero dala na siguro ng matindi kong galit kaya mabilis ko siyang nilapitan at agad na sinampal.
"Traydor ka!" At doon nagsibagsakan ang mga luha ko. Matatanggap ko pa naman kung may nagugustuhang iba si Lucas pero bakit si Charlotte pa, ang bestfriend ko.
"Matagal na ba?" Muli, tinanong ko siya. Mangiyak-ngiyak siyang tumango at tinakpan ang bibig niya.
"Paano mo nagawa sakin to? Charlotte, magkaibigan tayo." Patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko patungo sa pisngi ko.
"Mahal ko si Lucas at mahal niya rin ako!" Kay Lucas uli ako napatingin. Nagkatagpo ang mga mata namin. May hinahanap akong sagot mula sa kanya. I want to hear it from him. Mahal ba talaga nila ang isa't-isa?
"Mahal mo rin siya Lucas?" Isang malamig na tingin ang iginawad niya sakin.
"Ano ba Lucas sumagot ka!" I shouted at him. He just chuckle saka muli tinitigan ako.
"Masakit ba Vivien? Masakit bang makita ang kaibigan mo at ang lalaking mahal mo na ewan ko kung mahal mo ba talaga, na magkasiping?" My jaw drop when I heard it from him.
Napahawak ako sa dibdib ko. Parang may kung anong kumirot roon. Masakit! Sobrang sakit.
"Akala mo ba hindi ko malalaman na pineperahan mo lang ako? Na ang talagang gusto mo ay si Jake at hindi ako?!" Sumbat ni Lucas sakin. His eyes was full of anger yet nakikita ko ring nasasaktan siya.
Agad kong binalingan si Charlotte, para itong natataranta ngayon.
"Ano ang sinabi mo sa kanya Charlotte?!"
"Yung to-totoo Vivien!" Natataranta nitong sagot sakin.
"Hindi mo naman talaga siya mahal. Si Jake ang gusto mo diba? Kapos ka sa pera kaya si Lucas ang kinakapitan mo dahil alam mong may girlfriend na si Jake at wala kang mapapala sa kanya kaya si Lucas nalang ang pineperahan mo!" Napasinghap ako. How this girl could be so selfish.
"Alam mo naman diba na natutunan ko ng mahalin si Lucas. Alam mo yun Charlotte. Sa umpisa ko lang yun ginawa pero kalaunan minahal ko na siya." My voice crack. Lucas look at me then he ask Charlotte.
"Totoo ba Charlotte?" Umiling si Charlotte nang tanungin siya ni Lucas.
"N-no Lucas he was just making a scene. Sinisiraan niya ako sayo!." Dinuro niya ako." Pwede ba Vivien! Kung down ka na wag mo akong idamay. Kasalanan mo ang lahat. Pinaglaruan mo si Lucas. I was just helping him para makalimutan niya ang ginawa mo sa kanya."
Matalim ko siyang tiningnan. Napaka-sinungaling niya. Kaya niyang sirain ang pagkakaibigan namin para lang sa pagkagusto niya sa lalaking minahal ko.
"Lucas maniniwala ka ba sa kanya? Maniniwala ka ba sa babaeng pera lang ang habol sayo?" Basang-basa na ang mukha ko dahil sa luha ko. Hindi parin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko.
Hindi umimik si Lucas. Please kahit ngayon lang Lucas, maniwala ka sakin.
Lumapit ako kay Charlotte saka hinawakan ang magkabilang kamay niya.
"Charlotte please, sabihin mo ang totoo sa kanya!" Pagsusumamo ko sa kanya. Yinugyog ko pa ang balikat niya dahilan para itulak niya ako at masubsob ako sa sahig.
Napahawak ako sa tiyan ko. Oh no my baby!
Pahirapan akong tumayo habang hawak-hawak ang umuumbok kong tiyan.
I sighed then I held Lucas hands.
"Lucas gumagawa lang siya ng kwento para sirain ako sayo! I love you! Please maniwala ka naman sakin." Halos hindi ko na maaninag ang mukha niya dahil sa mga luhang namomou sa mata ko.
"You're a lyer Vivien! Hindi mo na ako maloloko! Pagkatapos mong manganak, kukunin ko ang baby ko sayo. Ikaw na ang bahala sa sarili mo. Now, leave!" Utos nito sakin na nakapaghinto ng mundo ko.
He's going to take my baby away from me. Hindi na siya naawa. Anak ko rin to!
"Please Lucas I'm telling the truth!" Muli kong pagsusumamo sa kanya. Hinawakan nito ang braso ko at hinila ako palabas ng unit niya.
"Ano ba! Nasasaktan ako!"
"Mag-usap tayo mamaya sa bahay! Umalis ka na!" At tuluyan na niyong isinara ang pinto.
I was left thier crying. Bakit ako pa ang lumalabas na masama? At si Charlotte, bakit niya to ginagawa sakin. Matagal na pala niya akong niloloko. Masyado akong nagtiwala sa kanya. She's so good in the outside pero may kalandian rin palang tinatago sa loob.