THIRD PERSON'S POV
"Boss lumabas na po siya." Lumingon ito sa lalaki na nasa backseat ng pulang van. Ibinaba ng lalaki ang sunglass nito saka tinanguan ang driver.
Mula sa loob ng van ay kitang-kita ang paglabas ng isang buntis na babae mula sa isang condominium unit. Umiiyak ito habang hawak-hawak ang umbok na tiyan. Pahid-pahid pa nito ang luha at patakbong nilisan ang lugar na iyon.
"Sundan mo siya!" Mahinahon nitong utos sa driver na sinunod naman nito. Mahina lang ang pagpapatakbo ng van nila dahil sinusundan nila ang babae.
Kalahating oras nila itong sinundan nang mapadpad sila sa isang tulay. Kung saan huminto ang babae. Iyak ito ng iyak habang nakatingin sa malawak na ilog.
"Boss mukhang tatalon yata!" Natatarantang giit ng driver sa lalaking kanina pa nakamasid sa bawat kilos ng babae.
"Panoorin muna natin siya." Patuloy lang sila sa pagmamasid sa ginagawa ng babae. Hindi parin ito tumitigil sa pag-iyak.
"Boss umakyat po siya sa railings. Tatalon siguro siya!" Inirapan lang ng lalaki ang driver niya.
Alam niya sa isipan niya na hindi ito basta-basta nalang magpapakamatay dahil may bata ito sa sinapupunan nito. Alam rin niya ang ugali nito at ang buong pagkatao nito.
"Sinayangan lang ni Lucas ang napakagandang babaeng ito." He chuckled.
"Anong plano mo boss?" Aniya ng driver niya. Ngumiti siya ng napaka demonyo.
"Hindi ko pa alam." Tanging nasabi niya.
"Hindi ka talaga nag-iisip Lucas De Villa! Masyado kang matigas!" Aniya habang panay ang sulyap niya sa babae.
VIVIEN'S POV
"Ano ng gagawin ko. They both betrayed me! Hindi ko alam kung ba't ginagawa to ni Charlotte sakin ngayon. And Lucas, hindi man lang niya ako pinakinggan!" Pinunasan ko ang mga luha ko at umakyat sa railings ng tulay.
Should I take my life and get out in this d*mn l? Tapusin ko nalang kaya ang buhay ko. Hindi ko rin naman nanaising umuwi sa mansyon ng ganito ang sitwasyon ko. Natatandaan ko parin ang mga sinabi niya.
"You're a lyer Vivien! Hindi mo na ako maloloko! Pagkatapos mong manganak, kukunin ko ang baby ko sayo. Ikaw na ang bahala sa sarili mo. Now, leave!"
Kinabahan ako sa sinabi niyang iyon. Kapag nanganak ako kukunin niya ang baby ko. Ayaw kong mangyari yun. Hindi ko kakayanin. This baby is a part of my life.
What if, tumakas ako? Tama, lalayas ako! Kung kukunin niya rin lang ang baby ko ngayong maaga palang lalayo na ako sa kanya.
Pinahid ko ang mga luha ko bago tuluyang bumaba sa railings. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakababa naipit ang damit ko sa bakal na nakapagwala ng balanse ko. Unti-unti akong natumba at kasabay nun ang pagtama ng isang bagay sa ulo ko.
And it all went black.
THIRD PERSON'S POV
Mabilis na lumabas ang lalaki kasunod ang driver nito nang matumba ang babae at tumama ang ulo nito sa isang bato.
Kinuha nila ito at isinakay sa kotse. Niyugyog ng lalaki ang babae dahil nagbabakasakaling baka magising ito. Nagdurugo ang ulo nito na ikinakaba ng lalaki.
"Naku boss, anong gagawin natin!"
"Dalhin natin siya sa pinakamalapit na hospital. Dalian mo Denver!." Agad na nagmaneho si Denver. Kailangan nilang madala ang babae sa hospital baka mapano pa ito. Buntis pa naman ito.
THIRD PERSON'S POV
Kina-usap ni Lucas si Charlotte kung totoo ba ang sinasabi ni Vivien pero tumanggi lang ito. Sinabi pa niyang baliw si Vivien.
"Mahal kita Lucas at hindi ko kayang magsinungaling sayo." Hinawakan pa nito ang kamay ng binata saka inilapit ang mukha niya sa mukha ni Lucas.
"I think I should go!" Kinuha niya ang polo niya sa kama niya at isinout iyon.
"Dito kana matulog please!"aniya. Tinitigan lang siya ni Lucas saka tinalikuran lang siya nito.
"Kailangan kong umuwi! May pag-uusapan pa kami ni daddy!" Sumimangot si Charlotte at muli nilapitan ang binata.
"Kailan moko ipapakilala sa mommy at daddy mo?" Nakangiti siya sa pagbigkas nun habang kumunot naman ang noo ni Lucas.
"Ano ba Charlotte, pagod na pagod pa ako. We should talk about this later!" Pabagsak na isinara niya ang pintuan ng unit niya at iniwan si Charlotte roon na nadismaya.
Pagkapasok na pagkapasok niya sa may pintuan ng bahay ay agad niyang nakita si Jake sa sala na nanonoud ng basketball game.
A question formed in his mind? Bakit hindi nito kasama si Vivien? Mahilig rin kasing manoud ng basketball game si Vivien na nakakavibes lagi ni Jake.
Napasinghap siya ng maisip na mangiyak-ngiyak pala itong umalis sa condo niya dahil sa nasaksihan nito kanina.
"Eyy Lucas!" Tinawag siya ni Jake nang mapansin siyang dumaan sa harapan niya. May tila hinahanap pa ito sa likuran niya.
"Where's Vivien?" Tanong nito na nakapagpatigil sa kanya kaya hinarap niya ang kuya.
Hindi pa ba nakaka-uwi si Vivien? Kanina pa yun umalis pauwi ah!
He chuckle.
"Nasa kwarto!" Aniya kay Jake na nakapagpa-kunot ng noo nito. Baka naman kasi nasa kwarto lang ito at natutulog na.
"Kanina pa ako dito sa bahay at ni isang anino ni Vivien wala akong nakita. Ang sabi ng maid lumabas ito para magkape, pero hanggang ngayon hindi pa bumabalik. Hindi ba kayo magkasama?" Napasapo siya sa noo niya.
"Kaka-uwi ko lang galing Paris. Hindi ko alam kung nasaan siya!" Pinatili niyang magsinungaling dahil kapag sinabi niya ang totoo ay magalit ito sa kanya. Agad niyang tinungo ang kwarto nila ni Vivien.
Pagkabukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang malinis na desenyo ng kwarto. Tahimik at malamig. Inilibot niya ang mata sa paligid at hinanap si Vivien pero wala ito roon.
Nasaan na ba yung babaeng yun?! Bakit hindi pa umuuwi?
Nagsimula na siyang kabahan. Nasaktan niya ito ng sobra kaya di malabong maglayas ito.
No way! Aniya ng maisip na baka naglayas ito. Paano nalang ang pinagbubuntis nito. Itatakas nalang ba nito ang anak niya?
Simula palang alam na niya na siya ang ama ng pinagbubuntis nito. Pinili niyang itanggi iyon dahil galit lang siya kay Vivien. But then, he was concerned for the sake of their baby.
Mabilis niyang kinuha sa bulsa niya ang kanyang cellphone at tinipa ang numero ni Vivien.
Ring lang ito ng ring. Walang sumasagot. Ilang ulit niya pa itong tinitipa pero cannot be reach na ito.
Sa inis ay itinapon niya ang cellphone niya sa sahig kasabay ng pagkuha niya sa vase at itinapon ito sa dingding.
"Hindi pwede! Hindi niya pwedeng ilayo ang anak ko sakin!" Kinuyom niya ang kanyang kamao at pinigilan ang emosyon.
Narinig ni Jake ang pagkabasag ng kung ano sa ikalawang palapag. Naririnig niya pang nagbubulungan ang mga maids nila sa harapan ng kwarto ni Lucas.
Patakbo niyang pinuntahan ang kapatid at nakita niya pa ang mga basag na piraso ng vase sa sahig.
Galit na galit ito.
"Lucas! Anong nangyayari?!" Lumingon sa kanya si Lucas. Puno ng galit ang reaksyon nito.
"Lumayas si Vivien! He took away my responsibility to my baby!" Nanggagalaiting sigaw nito sa kanya.
Napa-awang ang bibig niya.
Naglayas si Vivien? Paano nangyari yun? Anong dahilan?
"A-ano bang pinagsasabi mo. Hindi yun magagawa ni Vivien lalo pa't buntis siya." Nilapitan siya ni Lucas.
"Well nagawa niya na! Arg!" Inis nitong sinipa ang shopping bags na nasa gilid ng kama.
"Kumalma ka lang okay. Tatawagan ko siya." Agad niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya at sinimulang e dial ang numero ni Vivien pero cannot be reach ito.
"Paulit-ulit ko na siyang tinatawagan kanina pa pero hindi niya sinasagot!" Ani nito nang edadial sana muli ni Jake ang numero ni Vivien.
"Ano ba kasing ginawa mo sa kanya?!" Inis na inis si Jake at alalang-alala kay Vivien.
Paano kung may nangyari ng masama rito?
Lumingon ito sa ibang deriksyon. "Wala!" Tipid nitong sagot na nakapagpasinghap kay Jake. Alam ni Jake na may ginawa ito kay Vivien dahil narin sa inakto nito.
"Ano ba Lucas?! Anong ginawa mo kay Vivien?!" Tumaas na ang boses ni Jake. Umupo si Lucas sa kama at ilang segundo ring natahimik bago nagsalita.
"She saw us!" Aniya.
"She saw what? Sinong us?." Nalilito ang binata sa sinabi ng kapatid.
"She saw me and her bestfriend Charlotte f*cking in my unit!"
"What the f*ck Lucas hindi ka ba nag-iisip?" Galit na galit si Jake sa narinig mula kay Lucas.
Wala itong karapatang saktan si Vivien at ipagpalit mismo sa kaibigan nito.
Hindi naimik si Lucas. Alam niyang mali niya.
"Mag bestfriend tinuhog mo? Anong klaseng lalaki ka? Paano kung may nangyari na kay Vivien? I should call the police!" Natataranta nitong dinial ang numero ng police station saka iniwan si Lucas sa kwarto nito na naguguluhan.