THIRD PERSON'S POV
Nakamasid lang ang binata sa natutulog na buntis sa kama ng hospital. May benda ito sa ulo at ang dati nitong pulang labi ay tila nawawalan na ng kulay. Mahimbing lang itong nakapikit.
Pinagmasdan niya itong maigi. Tatlong araw na itong natutulog ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising.
Naaawa siya sa sitwasyon ng babae kaya hindi niya ito magawang iwan lang sa hospital kasama ang ipinadala niyang tagabantay rito na pinsan niya lang naman.
Ang lalaking tumulong kay Vivien ay walang iba kundi si Zacheo Lloyd Monterde. Isa rin siya sa sikat na business man all over the country. He holds Monterde Publications and he was the President there. At the age of 23 nagsimula siyang magtrabaho sa kompanya ng lolo niya dahil siya lang ang nag-iisang lalaking apo nito na maaaring humawak sa pagpapalakad ng kanilang kompanya.
And now, in the age of 27. Natuto na niyang patakbuhin ang kompanya nila ng mag-isa.
"Boss, nakuha ko na po ang pinag-uutos niyo." Bumukas ang pintuan at pumasok roon si Denver na may dalang envelop.
Iniabot nito ang envelop kay Zacheo na agad namang tinanggap ng binata.
"Salamat." Aniya kay Denver pagkaalis nito.
Agad niyang binuksan ang envelope na naglalaman ng mga impormasyon tungkol kay Vivien.
"Vivien Perez, 26 years old. Status..." Napahinto siya sa pagbabasa nang makita niya ang status ni Vivien.
"Single? Seryoso ba to? Akala ko ba kinasal na sila ni Lucas." He shrugged his shoulder saka pinagpatuloy lang ang pagbasa ng mga impormasyon patungkol kay Vivien.
Wala na pala itong pamilya at mag-isa nitong itinaguyod ang sarili. Nakakuha lang ito ng scholarship on college pero tinanggalan din naman dahil sa pag-away niya sa anak ng Dean. Ang mas nakakagulat rito ay pina-aral siya ni Lucas at itinira sa condo nito.
But in the half of two years pina-alis ito ni Lucas dahil nagkaroon ito ng relasyon kay Jake De Villa na mismong kapatid ni Lucas De Villa.
Napatawa si Zacheo sa nabasa.
Ang isiping nagkaroon ito ng kapatid kay Jake ay nagbigay ng maling hinala sa kanya.
Para sa kanya, ay walang relasyon si Jake at Vivien bagkus magkaibigan lang ang mga ito.
Lucas was just mistaken.
"Nagpa-uto talaga siya sa babaeng yun?!" Ang tinutukoy niya ay si Charlotte ang kaibigan ni Vivien. Minsan niya na itong nakita dahil sekretarya ito ni Lucas.
She isn't that beautiful much kumpara kay Vivien. Attractive lang siya dahil sa kilos niya.
Agad niyang inilapag sa mesa ang envelope na kanina ay binabasa lang niya dahil sa babaeng ngayon ay naka-upo na sa puting kama. Gising na pala ito.
Masakit ang ulo ng dalaga nang umupo siya sa kama at sinapo pa ang batok niya. Inilibot niya ng tingin ang apat na sulok ng silid na kulay puti. Nasa hospital siya.
"Gising kana pala!" Isang boses ng lalaki ang narinig niya kaya napapitlag siya at natakot rito.
"S-sino ka?" Hindi niya ito kilala. At ni minsan ay hindi niya ito nakita.
"I'm Zacheo!" Ngumiti itong umupo sa kama at hinarap siya.
"And you are?" Balik nitong tanong sa kanya.
"Ako, ako si...Ako si..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya dahil nakalimutan niya kung sino siya.
"Ikaw si..?" Naguguluhan si Zacheo dahil sa inakto ni Vivien.
"Hindi ko alam. Nakalimutan ko. Nakalimutan ko ang pangalan ko. Hindi ko ma-aalala. Ano bang nangyari sakin?" Zacheo was surprised.
Hindi nito ma-alala ang sarili. Hindi kaya may amnesia ito? A playful smile formed in her lips.
"Hindi mo rin ako maalala hindi ba?" Doon ay napatitig si Vivien sa kanya. Inaalala nito kung sino siya. Sinusuri siya nito.
Umiling si Vivien.
"Wait for a second." Aniya saka pinindot ang button ng intercom at may kinausap ito.
Ilang sandali pa ay may dumating na doctor na tantya niya ay nasa 30's.
"Hey doc."bati niya sa doctor. Ngumiti lang ito.
"Yes Mr. Monterde?"
"Hindi niya maalala ang sarili niya even the character in her surrounding. May amnesia ba siya?."
Agad na suminghap ang lalaking doctor at nagsimulang ipaliwanag sa kanya ang lahat.
"Hindi na maipagtataka Mr. Monterde. Ang sabi mo nga nabagok ang ulo niya sa bato and it causes her a serious damage in her brain. But in the case of her. She had an amnesia. A retrogade amnesia! Maaaring permanenteng wala na siyang maaalala. Maaari rin namang temporary lang ang pagkawala ng alaala niya!" Tumango siya sa paliwanag ng doctor at agad na binalingan si Vivien na nakikinig lang sa paliwanag ng doctor.
Pagkatapos ibigay ng doctor ang resita ng gamot na iinumin ni Vivien ay umalis na ito.
"Do you want some apple?" Hindi ito umimik kaya kumuha siya ng apple at hiniwa iyon. Binigay niya ito kay Vivien na agad naman nitong tinanggap.
"Sino ba talaga ako?" Yumuko ito at tila malungkot.
"Asawa ba kita?" Napa-awang ang bibig niya dahil sa tanong nito sa kanya.
"Buntis ako kaya di malabong ikaw nga ang asawa ko." Ngumisi si Zacheo ng malapad saka inangat ang mukha ni Vivien.
"Yes, I am your husband!"
Tulala at wala sa mundo ang lipad ng isipan ni Lucas. Apat na araw ng nawawala si Vivien at hindi rin malaman ng mga pulis kung saan ito nagpunta. Wala itong makuhang trace maliban sa kuha ng isang Cctv footage malapit sa condominium kung saan nakita ang babaeng buntis na naglalakad habang umiiyak.
Hindi na nila nalaman kung saan ito sunod na nagpunta dahil dumaan ito sa madilim na lugar at hindi iyon nakuhanan pa ng Cctv.
Hawak-hawak ni Lucas ang isang maliit na baso kung saan may lamang alak. Tinungga niya iyon bago uli nilagyan na naman ng alak ang baso.
Nasaan ka ba Vivien? Kung noong mga nakaraang araw ay galit na galit siya rito, ngayon ay nahaluan na ito ng pag-aalala. Buntis ito at walang ka pera-perang naglayas.
Kinabahan siya sa naisip. Hindi kaya nakidnap ito?
Umiling siya. Hindi uso ang kidnapan ngayon sa kanila.
Isang tawag ang pumukaw sa tulala niyang pag-iisip. Tiningnan niya ito. Si Charlotte lang pala.
Hindi niya pinag-abalahang sagutin ito dahil makikipagkita na naman ito sa kanya. Imbes na ito ang atupagin niya mas makabubuting hanapin na muna niya ang mag-ina.
Paulit-ulit ang pagtunog ng cellphone niya at ayaw siyang tigilan. Dinampot niya ito saka tiningnan.
PO2 Mark Mercado...
Kinabahan man ay mabilis niya itong sinagot.
"Hello tsip!" Agaran niyang giit rito. Hindi na siya nagdalawang isip pa na batiin ito dahil pursigido na siyang malaman kung ano ang ibabalita nito.
"May nakuha kaming cellphone dito sa San Diego bridge. Hindi ako nagkakamali at sa nobya mo ito!" Gumaan ng kaunti ang kalooban niya sa mga oras na iyon. Naghintay pa siya sa susunod nitong sasabihin. Gusto niyang malaman kung nakita na ba si Vivien.
"May hinala po kami boss na tumalon po siya sa tulay ayon narin sa mga nakakita sa nangyari!" Doon ay parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Nanginginig siya. Hindi niya matanggap.
"Sinasabi niyo bang nagpakamatay siya?!" Sa tinding galit ay nasigawan niya ito. Hindi niya ininda na pulis ang kausap niya.
"Opo bossing!"
"F*ck! Pulis ba talaga kayo?! Ni hindi niyo ginagawa ng maayos ang serbisyo niyo. Gumagawa agad kayo ng resulta ni wala kayong basehan!" Then, he burst out. Mura siya ng mura sa isipan niya.
Hindi maaari! Buhay pa si Vivien.
"Bossing, marami po ang nakakita sa pangyayari. Tumalon raw ito sa tulay kahit pinipigilan na nila ito!" Pumatak ang luha niya sa sinabing iyon ni PO2 Mercado.
"Nagpakalat na po kami ng rescuer sa mga ilog para mahanap ang katawan ng nobya niyo. Ibababa ko na ang tawag dahil marami pa akong gagawin!"
Inis niyang itinapon ang cellphone niya sa kama at mabilis na sinuntok ang dingding.
Hindi niya matanggap ang nangyari kay Vivien at sa anak niya.
Kasalan niya ito. Kung hindi niya ito sinaktan ng sobra, hindi ito gagawa ng desisyon na makakapagkitil ng buhay nito.
Galit na galit siya sa sarili niya ngayon. Kung naging maayos lang sana ang pakikitungo niya rito ay hindi magkakaganito ang sitwasyon niya ngayon.
Oo, inaamin niya. Kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal niya kay Vivien. Gusto niya lang naman itong gantihan dahil sa ginawa nito sa kanya pero heto't siya na mismo ang nagpahamak sa mag-ina.
Hindi niya mapapatawad ang sarili niya dahil sa kalupitan niya kay Vivien. He ruined her life at nadamay pa ang isang inosenteng anghel para lang sa l*ntik na paghihigante niya.
Ano na ngayon ang gagawin niya? Makakaya pa ba niya na nawala ito?
I'm sorry Vivien, it's too late to say this. I am madly inlove with you at hindi iyon magbabago kahit wala kana.