Chapter Sixteen

1734 Words
"Nagawa na namin ang pinag-uutos mo boss!" Mula sa labas ng hospital ay nag-uusap sina Zacheo at Denver kasama ang isa pa niyang tauhan na si Matthew. "Sigurado ba kayong hindi magsasalita ng totoo ang mga yun?" Panigurado niyang tanong sa mga ito. "Sa laki ba naman ng perang ibinigay namin sa kanila. Sigurado po kami boss!" Si Matthew na ang sumagot sa amo. "Sige. Makaka-alis na kayo!" Umalis na ang mga tauhan niya saka pumanhik sa loob ng hospital. Habang naglalakad sa pasilyo ng hospital ay hindi nakaligta sa paningin niya ang pagchi-chismisan ng mga nurse habang palihim na nakatitig sa kanya. "Ngayon ko lang nalaman na may asawa na pala siya." Mahinang bulong ng matabang nurse sa katabi nitong nurse. "At ang sabi pa, nagka-amnesia raw ito!" Tumigil siya sa paglalakad at nakinig sa mga bungangerang nurse na iyon. "Para ngang wala siyang paki-alam sa nangyari sa mag-ina niya eh kasi pagkarating niya dito hindi man lang siya umiyak!" "Necessary ba talagang magchismisan habang nagtratrabaho?" Striktong giit niya sa mga ito. Napa-ayos naman ito ng tayo dahil natakot sa tono ng pananalita niya. "Kung chismosa kayo sa bahay niyo. Huwag niyong dalhin dito. Hospital ito at hindi bahay ng kapitbahay niyo, kaya walang rason para magpalipad kayo ng mga maling balita." Yumuko ang nga ito. "Naturingan pa namang mga nurse!" Huling salita niya bago tuluyang tinalikuran ang mga ito at dumiretso na sa silid ni Vivien. Pagkapasok niya sa silid nito ay nakita niya itong nakasandal lang sa bedrest ng kama. Agad siyang lumapit rito saka umupo sa harapan nito. "May problema ba?" Mahinahon niyang tanong kay Vivien. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at marahas na hinawakan ang kamay niya. "A-ano nga pala ang pangalan ko!" He smile sweetly toward her. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya kay Vivien saka hinawakan ang magkabilang-pisngi nito. "Ikaw si Sabrina Monteverde. My wife!" Tinitigan siya nito sa mga mata at waring inuungkat ang nakaraan niya sa memorya nito. "Pasensya ka na,wala talaga akong maalala!" Umiling lang siya. "You don't have to. Wala namang dapat ipagpasensya dahil aksidente lang naman ang nangyari sayo. By the way may goodnews ako sayo." Aniya na nakapagbigay ng matinding excitement kay Vivien. Or we should say Sabrina dahil ito na ang pangalan nito ngayon. "Ano yun? Z-zacheo." Nagdadalawang-isip siya sa pagbigkas ng pangalan nito dahil hindi niya alam kung ano ba ang tawag niya sa pangalan ng asawa nung hindi pa siya nagkaroon ng amnesia. Zacheo chuckled and kiss her forehead. "Pati ba naman tawagan natin nakalimutan mo?" Doon ay naramdaman ni Sabrina ang pag-init ng pisngi niya. May tawagan sila? Shocks! Ano kaya yun? Umiling si Sabrina saka naghintay ng sasabihin ni Zacheo. "I am your hubby and your my wifey. That's what our endearments way back before that accident happened to you." Mahinahon niyang giit kay Sabrina na tila nagtatampo. "Hubby? Sigurado ka?" "Oo naman. Ikaw ah, nakakatampo ka na!" Lihim na natawa si Sabrina. This man make her smile. Hindi siya makapaniwalang nagpakasal siya rito. Well, wala namang masama kay Zacheo dahil bukod sa gwapo ito eh mabait rin naman. Napa-isip lang talaga siya. Kung asawa niya ito bakit kahit kunting pagmamahal ay hindi niya magawang ibigay rito. Napasinghap siya sa naisip. Bakit ko ba pinagdududahan ang asawa ko? Hindi naman siguro ito magsisinungaling sa kanya. Dala lang siguro ng amnesia niya kaya pati pagmamahal niya rito ay nakalimutan niya na rin. "Anong iniisip mo?" Pinitik siya ni Zacheo sa noo na nakapagbalik sa diwa niya. She stare at him with an insane look. "Para san yun?" Sabay haplos sa noo niyang pinitik nito. "Are you thinking another man? May kabit ka siguro noong hindi ka pa nagka-amnesia kaya inaalala mo siya ngayon!" Napa-awang ang bibig niya dahil sa sinabi nito. Akala niya ay strikto ito dahil narin sa pag-asta nito sa mga tauhan nito pero heto't mabait naman pala ito. "Wala! Gutom lang ako!" Pag-iba niya ng usapan dahil ayaw niyang umabot na naman sa puntong lumalim pa ang usapan nila. "Anong gusto mong kainin? Request kalang wifey at bibilhan kita. I mean, ipagbibili kita ng makakain kay Denver." Para namang nagsitayuan ang balahibo niya ng tawagin siya nitong wifey. Hindi naman sa ayaw niya sadyang naninibago lang talaga siya. Wala pa siyang alam sa past nila kaya kailangan niya na muna sigurong kilalanin pa ng maigi si Zacheo. Her husband. "Kahit ano." Aniya." Nga pala, ano yung goodnews mo?" Nabalik sa isipan niya ang sinabi nito. "Yeah. Like what I've said may goodnews ako. Ang sabi ng doktor, makaka-uwi ka na raw sa susunod na araw kaya prepare yourself. You're going home soon!." Agad siyang napangiti sa sinabi ni Zacheo. Tamang-tama at nababagot na siya sa kakahiga sa kama ng hospital. Gusto na niyang lumabas at makita kuno ang bahay nila. She wondered. Mayaman kaya sila? Of course, halata naman kasi may mga tauhan naman ito. "Salamat naman kung ganon. Gusto kong makita yung bahay mo." Agad na nagsitaasan ang kilay ni Zacheo. "Anong bahay ko. Bahay natin." Pagdidiin nito sa salitang natin. Mag-asawa sila kaya lahat ng meron kay Zacheo ay sa kanya narin. "Natin!" Kiming ngiti ni Sabrina saka marahang hinaplos ang tiyan. Agad siyang napa-isip. "Ilang buwan na pala tong pinagbubuntis ko?" Ipinukol ni Zacheo ang kanyang tingin sa tyan ni Vivien. Sa pagkaka-alam niya ay apat na buwan na ito. "It's your four months of pregnancy. I was thinking na bigyan ka ng personal obgyne para matingnan ang kalusugan ng baby natin! Para naman hindi na ako mag-alala pa sayo!" Tumango-tango si Sabrina sa Suhestiyon ni Zacheo. Mas mabuti na rin siguro iyon para malaman nila ang kalusugan ng anak nila. Security kumbaga. Ilang oras pa silang nag-usap nang tinawagan si Zacheo ng mommy nito. Iniwan muna siya nito dahil sa labas raw nito kakausapin ang ina. Tumango lang siya bago siya ewan nito. Kung nakalimutan ko rin ang pagmamahal ko sa kanya dahil sa amnesia ko. Maaari ko rin naman siyang mahalin ulit at alalahanin ang mga pinagsamahan naming dalawa. I will try my best to remember him. Sigurado naman akong mahal niya ako dahil buntis ako` aniya sa isipan niya. Isang malakas na sampal ang natanggap ni Charlotte mula sa kaibigang aktres na si Hailey. Gigil na gigil ang reaksyon nito ng makita siya. "You deserve my slap b*tch!" Matalas ang titig ni Hailey sa kanya. Lakas loob iyong ginawa ni Hailey sa kaibigan lalo pa't wala naman sila sa publikong lugar at hindi makikita ang ginawa niya. "Ano bang mali dun?" Mangiyak-ngiyak na hinaplos ni Charlotte ang pisngi niya kung saan siya sinampal ng kaibigan. "Nagmamaang-maangan ka pa talagang traydor ka! Akala mo kung sinong malinis!" Napasinghap si Hailey." Kung alam ko lang na ganito ang kahahantungan ng pagtataksil mo kay Vivien, hindi na sana kita kinonsente!" Malakas ang pagkasigaw niya sa harap ng kaibigan. Gusto niya itong sabunutan at ilublob sa tub para mamatay na ito pero nasa tamang pag-iisip pa rin naman siya at nakokontrol pa ang sarili. Nalaman na ni Hailey ang tungkol kay Vivien dahil sinabi ito ni Jake sa kanya. Yes, Hailey, Vivien and Jake were friends in college. Freshman sina Hailey at Vivien habang senior nila si Jake. Napaka-close nilang tatlo way back before. They we're stick to each other. "Nagawa ko lang namang traydurin siya dahil sa pagmamahal ko kay Lucas. Alam mo yan diba?" Lumuluha na ito habang pinupunasan ang tumutulong luha. "Hindi mo ba nakikita? Mahal nila ang isa't-isa and you should be aware of that!" Inangat ni Charlotte ang tingin sa galit na galit na kaibigan. "No! Si Vivien lang ang mahal ni Lucas but Lucas? No! I was the one whom he really love." Sambit nito sa kanya. Nainis siya sa sinabi ni Charlotte. Naprapraning na yata tong bruhang to! Agad na naisip niya si Vivien. Naaawa siya sa sinapit ng kaibigan. Vivien doesn't deserve this. Naalala niya pa ang usapan nila noon ni Vivien patungkol kay Lucas. She really love Lucas. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Nagulat si Vivien dahil sa biglaang pagsulpot ni Hailey sa likuran niya. Itinago pa nito ang cellphone para hindi makita kung sino ang tinitingnan niya. Pero huli na siya dahil nakita na ni Hailey ang pinag-aabalahan niya. "W-wala may sinend lang na quotes si Charlotte. About friendship!" Hindi ito mapakali sa pagkasabi nun na agad lang ikinatawa ni Hailey. Nagsisinungaling ito dahil nakita niyang picture ito ni Lucas na mahimbing na natutulog sa sofa. Alam ni Vivien na hindi naniwala si Hailey kaya nginusuan niya ito. "Totoo nga kasi!" Halos mainis ito ng ngisihan niya lang. Nagkibit-balikat siyang tinabihan ito sa pag-upo sa sofa. Nasa condo sila ngayon ni Lucas. Well, dito na kasi nakatira si Vivien dahil wala na siyang perang pambayad sa apartment na inuupahan niya kaya nagmimistulang live in sila ng nobyo. "Aminin mo nga sakin, may gusto ka na ba sa kanya?" Humagalpak naman siya ng tawa dahil nanlaki ang mata nito. "A-ano bang pinagsasabi mo?!" Aniya saka inirapan ang kaibigan. "Naku nagdedeny pa. Halata kana mare!" Umaakto pa si Hailey na parang chismosa at kiniliti si Vivien. "Ano ba Hailey, wag ka nga maingay baka may makarinig sayo!" Saway niya sa kaibigan. Kinilig-kilig pa ito at kinurot siya sa tagiliran. "Ano namang masama eh boyfriend mo naman siya." Napahilamos nalang si Vivien dahil sa katarantaduhan ng kaibigan. Wala si Lucas sa condo nito dahil umalis ito papuntang trabaho. Binisita ni Hailey si Vivien dahil tinawagan siya nito. Nalungkot siya sa naalala. Hindi na niya makikita ang mga ngiti ng kaibigan pati narin ang pag-iyak nito kapag may problema itong dinadala. And it's all because of her. Charlotte. Madalas ang pag-aaway ng mga ito dahil palaging pinagsasabihan ni Haey si Charlotte tungkol sa kapraningan nito kay Lucas but Charlotte is a hard-headed. Pinapakinggan lang nito ang sariling opinyon. And now, may naaapakan na ito. The worst, ay si Vivien pa. "Tandaan mo to Charlotte. Hindi ko ipapa-alam kay Lucas ang totoo. Siya mismo ang makaka-alam sa lahat ng ginawa mo. Karma will be your fate! Nandidiri ako sayo, hindi kita maatim na pakisamahan. Simula ngayon pinuputol ko na ang ugnayan ko sayo! Mauna na ako!" Mariin niyang sambit rito na nakapagpa-awang lang ng bibig ni Charlotte. Tinitigan niya muna ito ng limang segundo bago tuluyang tinalikuran ang dating kaibigan. Wala siyang kaibigan na higad. Yun ang nasa isip niya bago tuluyang nawala sa paningin ni Charlotte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD