Chapter Five

1091 Words
Panay ang sulyap sa bintana ng dalaga. Hinihintay niya kasi ang pagdating ni Lucas. Matapos kasi ang hapunan nila kanina ay umalis ito nang hindi man lang nagpapaalam kung saan ito pupunta. Alas nuebe na ng gabi at hindi parin ito umuuwi. Nagkibit-balikat nalang siya saka tinungo na ang kama at nahiga. Baka busy ito sa work niya. Ani ng tinig sa isipan niya. Lagi naman itong nagtratrabaho. Ito yata ang kinabusyhan nito ngayon. "Buti naman at naisipan mokong dalawin!" Kunwari ay nagtatampo niyang giit sa binata. Nasa kusina sila ngayon ng mansyon. Naka-upo lang siya habang si Jake naman ay nagbabalat ng mangga. Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis saka ibinaling ang tingin sa kanya. Natakam naman siya ng makita ang manggang hawak nito. Gusto na niyang kumain pero hindi pa ito tapos balatan ng binata. "Mas mabuti narin to, para mabawasan ang init ng ulo ni Lucas sakin. Alam mo na, iniisip niya parin na ako ang ama niyang dinadala mo. He's being paranoid!" Wala sa sarili nitong sagot. Sumang-ayon naman siya sa sinabi nito. May alitan pa si Jake at Lucas nang dahil sa kanya. Mas mabuti narin sigurong paminsan-minsan na munang mag-cross ang landas ng dalawa para maiwasan na magkagulo. Mapakla siyang ngumiti at hindi na muna siya umimik. "Akala niya talaga matatakasan niya ang responsibilidad niya sayo but his totally wrong. Mas matalino akong mag-isip sa kanya!" natatawa ito habang iniabot ang isang platong may mangga na agad niya namang iniabot. Napatitig siya kay Jake. He is a good man. Napakabait nito sa kanya at tinutulungan siya nito sa mga problema niya. He is 29 and Lucas were 26. Isa sa nagustuhan niya sa binata ay ang pagiging sweet at caring nito sa kanya. Ito yata ang naging rason niya para magustuhan ito noon. His warmth personality. "So, how's the first day of living-in with him?" mapanuya nitong tanong sa kanya ng mapansing hindi siya umiimik. Kumuha muna siya ng mangga na isinawsaw niya sa tuyo na may asukal saka iyon kinain. "Okay lang!" Tipid niyang sagot. "What do you mean by okay lang?" Tila usyoso nitong tanong sa kanya. May pagkachismoso rin pala ito. Okay lang, the fact na hindi ito umuwi kagabi at magpahanggang-ngayon ay walang anino ni Lucas ang nagparamdam sa kanya. " I think his angry!" "Bakit naman?" He took a deep breath at umiling. "I don't know. Maybe ayaw niya talaga sakin?" Utas ni Vivien habang kagat-kagat ang manggang hilaw na ilang araw niya ring pinag-crave. "And so?" Si jake. "Kagabi pa siya hindi umuuwi. Siguro sa condo unit niya siya natulog!" Biglang natahimik si Jake. Napaka-pasaway talaga ng kapatid niyang iyon. Naaawa siya ngayon sa dalaga dahil malungkot ito. He faced her saka hinawakan ang magkabila nitong pisngi. "I'm sorry for what he did to you. Maski ako rin, hindi alam ang nangyayari sa kanya. Let's give him a space muna. Baka nga nagulat lang siya. You know him, takot iyon sa ganyang bagay. So for now, manuod nalang tayo ng comedy movies!" masigla itong tumayo at hinila siya papuntang kwarto nito. Doon kasi sila manonoud ng movies. May mga cd tapes kasi ang binata sa kwarto nito dahil ayaw nitong manuod sa sala. Ang rason niya ay mag-aagawan lang sila ng ama niyang mahilig manoud ng balita sa telebisyon. Habang naka-upo sa kama si Vivien ay naka-isip siya ng magandang movie na panonourin. Busy'ng-busy sa paghahanap ng CD si Jake ng tawagin niya ito. "How about we watch horror movies?" Suhestiyon niya na nakapagpakunot ng noo nito. Takot ba ito sa multo? May kung anong tumunog sa utak niya. Ngumiti siya ng pagkapilya dahil sa naiisip. "Nope! We will watch comedy." Direktang tugon ni Jake. "Eh sige na, gusto ko manoud ng horror movie eh!" pagpipilit niya pa. Kung papipiliin kasi siya sa comedy at horror movie. Doon talaga siya nakakapagpa-intense sa kanya. "Baka makasama pa yan sayo!" He said in a concern tone. Umiling siya at ngumisi. "I love horror movies. Gusto ko ngang napapanuod lagi si Vullock eh!" Ang tinutukoy niya ay yung demonyong madre sa movie na 'The nun'. Tumawa pa si Jake sa sinabi niya. Hindi niya alam na ang inosenteng babaeng kagaya niya ay fan ang mga multo. "Sigurado ka ba talaga?" Tumango lang siya bilang sagot. "Sige, if you insist!" Napipilitan niyang sagot. Ilang sandali itong naghalungkat ng mga horror CD's at nang maka kita ng isa ay sinalang agad ito ni Jake. "May nakalimutan ako!" Nagulantang siya nang magsalita si Jake sa tabi niya. Kakasimula na ng movie at excited na siyang manoud. First time niya yatang manoud na kasama ang kaibigan niya. Dati kasi ay kapag yiniyaya niya sina Charlotte at Hailey ay nagrarason itong may phobia sa mga ganyan. Kaya ang ending, siya lang lagi ang nanunuod mag-isa. Takot naman siya sa mga multong nagpapakita sa screen ng telebisyon. Ngunit kapag iniisip niyang nagco-cosplay lang ito ay napapawi ang takot niya sa dibdib. Maaaring feminine nga siya. In terms of her actions. Ngunit kapag ang utak niya na ang pinag-uusapan, nagiging matapang ito. "Ano?" Tanong ng dalaga habang naka-focus lang sa panonoud ng movie. "Hindi ba dapat may popcorn tayong kinakain?" "Yeah. Pero okay na ito! Wala naman tayo sa sinehan kaya mag relax ka lang diyan!" Sagot ni Vivien. "Ang boring naman! Sandali lang gagawa muna ako ng popcorn sa baba. Babalik agad ako rito!" Tumango nalang siya at hinayaan nalang si Jake na lumabas na ng kwarto nito. Ilang minuto ang lumipas at hindi parin bumabalik si Jake. Kinuha niya muna ang cellphone sa bulsa niya at tinawagan si Hailey. "Hello? Hailey is speaking!" "It's me Vivien!" Aniya sa kabilang linya. "Alam ko..." Narinig niya ang pagtawa nito na ikinanguso niya. Pinagtri-tripan na naman siya nito. "Gaga ka ba?" Pabiro niyang giit sa kaibigan. "Hmm, gaga in terms of Charlotte!" Nagtaas siya ng kilay nang sabihin iyon ni Hailey. Parang may alam ito sa nangyayari kay Charlotte. "What are you talking about?" "Nothing! Nagtampo lang ako sa kanya. Hindi ko na makontak eh, nakausap mo pa?" "Hindi narin eh. May nangyari bang hindi maganda sa kanya?" Vivien asked curiously. Gusto niyang makita si Charlotte dahil namimiss niya na ito. Pa-iba-iba rin naman kasi ang address ng kaibigan kaya hindi niya mahagilap kung saan ito pumapalagi. "W-wala naman siguro. Ah...Vivien. Can I talk to you later? Magsho-shoot na kami. See ya later!" Hindi pa man siya nakakasagot ay pinatayan na siya nito ng tawag. Ano naman kaya ang nangyayari sa babaeng iyon? Umiling nalang si Vivien at nanunuod nalang ng palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD