Blangko lang ang tingin ni Nessa sa screen ng kanyang cellphone. Nakikita niya ang mga letra, pero hindi na magawang basahin ng utak niya sa ikalawang pagkakataon ang artikulong tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang pagiging mag-asawa ni Viz. Isang beses niya lang nabasa iyon nang maayos, tapos ay tila nagsarado na ang utak niya. ‘H-Precision’s CEO, Viz Hezron, Plans High-Profile Annulment of 6-Month Marriage.’ Her one hand clutched at her chest. Tumayo siya at dumerecho sa likurang bahagi ng bahay-ampunan at naupo sa swing. Mahigpit na mahigpit ang pagkakakapit niya sa gilid na hawakan ng swing. Sa kabilang kamay ay mariin niya ring hawak ang cellphone. Sinabi na niya sa sariling kailangan niyang maging matatag at maging handa. But nobody could ever prepare her for the excruci