Napatingin si Nessa sa mga kamay niya. Nagpapaulit-ulit sa gunita niya ang ginawang pag-atras ni Viz habang hinahawakan niya ang kurbata nito. Malinaw pa rin sa utak niya ang ekspresyon ng mukha nito. Despite their skin not having directly come in contact, he appeared repulsed by her touch. Diring-diri ba talaga ito sa kanya? Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ay tumayo siya at lumapit sa bintana. Binuksan niya ang salaming bintana at hinayaang dumampi sa mukha niya ang malamig na panggabing hangin. Marahan siyang napapikit at humugot ng malalim na paghinga, pinupuno ang dibdib. Ngayong hindi na sila magkasama sa iisang kuwarto ni Viz ay mas lumalalim ang sugat sa puso niya. Pero sa kabilang banda ay may sumibol na kaginhawaan sa kanyang dibdib. Hindi na niya kailangang maglakad nang pa