CHAPTER 1
“I do not love you. You do know that, don’t you?”
Nanginig ang mga kamay ni Nessa at nabitin ang akma sana niyang pagsubo ng pagkain nang marinig ang sinabing iyon ni Viz Hezron, ang kanyang asawa. Nakaupo sa kabisera ng mesa ang lalaki at siya ay nakapuwesto sa pangalawang silya mula sa kanan nito. Ang unang silya sa direktang kanan nito ay bakante.
Bakante iyon dahil ayaw siya nitong makatabi kahit sa hapag-kainan. Kinamumuhian siya nito. Kinasusuklaman.
Nag-angat siya ng mukha at minasdan niya nang matiim ang asawa. His jet-black hair was cleanly trimmed and tapered on both sides and at the back, and the top that was neatly combed back all the time was left decently longer than the sides. Hs lips were naturally red; lips that could smile kindly at others but not to her. The bridge of his nose was tall, and the lower part which was the alar walls on either side of the tip curved thinly and delicately. He had a perfect nose.
Dumako ang tingin niya sa mga mata ni Viz at tumahip ang dibdib niya nang makitang nakapukol din sa kanya ang mga titig nito. Malamig ang kislap sa mga mata nito. Tumatagos sa kanya ang talim niyon kahit na may suot pa itong salamin sa mata. His eyes were as cold as a shard of ice. Sharp and piercing. His cold gaze could cut her in half. And she deserved it. She deserved such coldness, such cruelty. Because she was a fraud.
A fake wife.
Nilinlang niya si Viz.
Viz Hezron was a warm person. He was kind. And he was good to others.
Except for one person—her.
Hindi masamang tao ang asawa niya. Hindi ito malupit. Mabait ito. Pero nakagawa siya ng isang napakalaking kasalanan dito.
“Huwag mo akong titigan nang ganiyan, Nessa,” matigas ang boses nitong saway sa kanya.
Napayuko siya. Of course. What right did she have to stare at her husband’s face? Kahit iyon ay bawal para sa isang huwad na kagaya niya. Mariin niyang ipinaglapat ang mga labi upang kahit katiting ay maibsan ang talim na tila tumutusok sa dibdib niya. Her heart ached so bad. Sometimes she wished she didn’t have one, so she wouldn’t have to endure the pain of loving someone who was so firm on hating her forever.
Sana hindi na lang niya minahal ang asawa niya.
Viz…
“You didn’t answer my question, Nessa.”
Napatingin siya kay Viz, bumadha ang pagkalito sa kanyang mukha. “H-ha?”
Umalsa ang isang sulok ng mapula nitong mga labi para iguhit ang pang-uuyam nito para sa kanya. “Did you not hear what I said? Fine, I’ll say it again. I do not love you. And the question is, if you know that. You are aware that I do not have even the littlest of affection for you, are you not?”
Kumirot ang dibdib niya, dahilan para iglap siyang mapayuko. Naglapat ang mga ngipin niya, at dahan-dahan siyang tumango. “A-alam ko.”
“Good. I just want to make sure that you aren’t hoping for some stupid emotion to sprout between us. That ‘emotion’ will never have a place in my heart.”
Muli siyang tumango, kahit na nakapako lang ang mga mata niya sa pagkaing nasa harapan na halos hindi niya nagalaw.
Tumayo si Viz at walang paalam na humakbang palabas ng komedor. Tahimik niyang minasdan ang malapad na likod ng kanyang asawa. His shoulders were broad as if it could protect anyone from harm, his back was wide that tapered to a thin waist, creating the sexy ‘V’ shape of his torso. Kahit na palaging pormal na pang-opisina ang suot nito ay hindi maikakaila ang magandang hubog ng katawan ni Viz. Kaya hindi na nakapagtatakang maraming mga kababaehan ang humahanga rito sa kabila ng katotohanang may asawa na ito.
At ang asawang iyon ay siya…
Sa mata ng mga tao ay masuwerte siya. Pero hindi totoo iyon. Dahil ang totoo’y hindi siya mahal ni Viz.
Napabuntong-hininga siya at lumingap sa kabuuan ng komedor. Nabibingi siya sa nakakabaliw na katahimikang bumalot sa kabuuan ng silid. Napakahaba ng lamesang puno ng masasarap na pagkain. Labindalawa ang silya na bakanteng lahat bukod sa inuupuan niya. Mataas ang kisame na sa pinakagitna ay may magarang aranya. Gawa sa solido at makintab na kahoy ang sahig na kinalalapatan ng suot niyang sapatos.
Lahat sa paligid niya ay nagsusumigaw ng karangyaan. Maganda ang buhay niya. Ngunit hindi siya masaya. Mailap ang katiwasayan ng loob na minimithi niya.
Napatingin siya sa nanginginig niyang mga kamay at tumagal ang mga titig niya sa kanyang palasingsingan. Kumislap ang diyamante sa singsing na isinuot ni Viz sa kanyang daliri noong araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Malinaw pa rin sa gunita niya ang imahe ng matamis na ngiti nito noon na nakaukol para lamang sa kanya. Ang ngiting iyon ay ipinagdadamot na nito ngayon sa kanya. Ang kislap sa mga mata nito noon ay naging talas ng pagkamuhi na ngayon.
He hated her.
Because she was not the woman he wanted to truly marry.
May babae itong hinahanap noon. Ang babaeng iyon ang gusto nitong pakasalan. At nagpanggap siyang siya ang babaeng iyon.
Lumaki si Nessa Gayla sa isang bahay-ampunan, sa Hospicio Custodio. Hindi niya kilala kung sino ang mga magulang niya. Ang sabi sa kanya ng social worker na matagal nang nagtatrabaho roon ay iniwan lang daw siya sa labas ng bahay-ampunan. Kaya siguro lumaki siyang uhaw sa pagkalinga at atensyon ng mga tao. Kasi pakiramdam niya ay may isang bahagi ng buhay niya ang kulang sa kanya. Hindi man totoo sa lahat, subalit sa kanya ay malalim ang pagkauhaw na iyon na hindi matighaw-tighaw.
Sa lugar na iyon niya nakilala si Neza Gerudes. Halos magkatunog ang pangalan nila. Dose anyos na ito nang dumating ito sa bahay-ampunan. Sinasaktan daw ito ng ama nito. Katunayan ay sariwa pa ang mga pasa at sugat nito noong unang araw nito sa hospicio. Magkasing-edad sila ni Neza kaya nagkusa siyang makipaglapit dito.
Mabait si Neza. Noong nabubuhay pa raw ang ina nito ay ginagabayan siya nito sa pakikipagsulatan sa lola nitong nasa Amerika. Sa matanda raw ipinagkakatiwala ang mga propiedad sa Amerika ng isang napakayamang pamilya. Pero hindi nag-uusap ang ina nito at ang lola nito. Nagkasamaan ng loob ang dalawa, sapagkat tutol ang lola nito sa lalaking inibig ng anak. Gayunman ay hindi pinagbawalan si Neza ng ina nito na makipagsulatan sa lola nito.
Ang kuwento ni Neza ay nananakit daw ang ama nito, lalo na kapag lasing; na sa kasamaang-palad ay araw-araw namang nangyayari. Hindi kailanman nagtrabaho ang ama nito at umaasa lang sa asawa. Nang pumanaw ang ina ni Neza ay ito naman ang binubugbog ng ama. Ang huling pambubugbog nito kay Neza ay halos ikamatay na ng noon ay dose anyos palang na bata. Kinuha ito ng kapitbahay na nagmalasakit at dinala sa Hospicio Custodio.
Doon na nagsimulang magbuhol ang kanilang tadhana. At hindi niya akalaing kahit lumipas man ang napakaraming taon ay mahihirapan pa rin pala siyang kalasin ang pagkakabuhol ng mga buhay nila.
_____
TUMIIM ang mga bagang ni Viz nang makita ang pigura ng asawa na nakahiga sa ibabaw ng kama. Nakatagilid ito at nakaharap sa kabilang dako, patalikod sa kanya. Hanggang kalahati lang ng makinis nitong hita ang natatabunan ng kumot. Marahil ay nasipa nito iyon pababa. He stood in the doorway, quietly staring at his wife on the bed.
Lying on her side, he could see the generous swell of her hips and the down curve of her waist. Her skin was a soft beige in color, and she had a natural glow that’s radiating from within.
He remembered the first night he took her. He was her first. And it happened on their wedding night. Malinaw pa rin sa kanya kung gaano siya nanabik at nag-init sa katawan nito. Malambot ito at mabango, at napakaganda ng hubog ng katawan ng kanyang asawa.
He told her he loved her.
But that’s the last time she would be hearing it from him. Dahil pagkatapos ng gabing iyon ay natuklasan niya ang lihim ni Nessa Gayla.
Kumuyom ang mga kamao ni Viz.
Lumapit siya sa natutulog na asawa at tinunghayan ito. Pinagmasdan niya itong maigi. Payapa ang pagtulog nito, at lumiyab ang galit sa loob-loob niya dahil sa nakikitang kapayapaang iyon. Ano ang karapatan nitong matulog nang matiwasay gayung nilinlang siya nito at pinaniwala sa isang malaking kasinungalingan?
Nagngangalit ang mga ngiping marahas niyang binaklas ang kumot nito. Nagising ito dahil sa ginawa niya at namilog ang mga matang napatingala sa kanya. Akmang babangon ito, subalit maagap niya itong kinubabawan na nagpasinghap dito nang matalas habang titig na titig sa mga mata niya.
“Viz…”
“Don’t say my name," he hissed. "I hate hearing it from you,” matigas ang boses niyang sabi.
Naitikom nito ang mga labi at nagpaling ng mukha pagilid upang iiwas ang tingin sa kanya.
“That’s better. I do not want to look into your eyes, too. I hate you.”
Umalpas ang mahinang ungol mula sa mga labi nito. Ungol mula sa damdaming nasasaktan. Pero mabilis nitong sinikil ang tunog na iyon at ikinulong sa likod ng lalamunan nito.
“Don’t you dare cry, my wife. Ikaw ang dahilan kung bakit pareho tayong nakakulong sa miserableng buhay na ito.”
Tumango si Nessa. “S-sorry.”
“You’re sorry? Hah!” Umalsa ang isang sulok ng malupit niyang mga labi. “If you’re sorry, then spread your legs wide for me and satisfy me.”
Biting her underlip, she spread her legs for him.
Kumawala ang mababang tawang puno ng pagkasuya mula sa bibig niya. “Even though I treat you with so much hostility, you still cling to me. It’s because you love being f*cked by me, isn’t it?”
Hindi ito kumibo. Hindi rin ito sumagot. Pinanatili lang nitong nakatikom ang mga labi. Nakita niya ang pagguhit ng hapdi sa maganda nitong mukha, pero wala siyang pakialam.
“Ayaw mong sumagot? Fine. I just need you to keep your legs wide open for me, that’s all.” He unbuckled his belt and undid his pants.
“Gawin mo kung ano ang gusto mo sa katawan ko,” anito.
Umigting ang mga panga niya. “Sure, I'll do exactly that. Akin ang katawan mo.”