Pagising ni Viz ay awtomatikong dumako ang tingin niya sa bakante pa ring bahagi ng kama. Hindi pa rin ba umuuwi si Nessa? Dalawang araw na! May plano pa ba itong umuwi? A pulse twitched in his temple. Hindi niya alam kung para saan ang matabang na lasang kumalat sa loob ng bibig niya, dahil lang wala pa rin ang asawa. Naligo siya at nagbihis. Pagbaba niya ay nagtanong pa ang kasambahay kung gusto niyang mag-almusal na pero tumanggi siya. Dumerecho na siya sa H-Precision. Sa entrada palang ng gusali ay sinalubong na siya ng kanyang sekretarya na marahan niyang tinanguan. Matamis naman itong ngumiti. “Sir, may meeting po kayo ng alas diyes ngayong umaga,” imporma nito sa kanya. “Okay. Thank you, Sassa.” “Magandang umaga po, Sir!” sabay na pagbati sa kanya ng dalawang receptionist. Tinan