Hindi magawang kumibo ni Nessa nang ihain ng abogado ni Viz ang petition for annulment sa harapan niya. Pinapunta siya ng asawa sa H-Precision sapagkat may mahalaga raw silang kailangang talakayin. Bakit hindi niya agad naisip na tungkol sa mga legal na dokumento para sa tuluyan nilang paghihiwalay ang dahilan ng pagpapapunta nito sa kanya sa kompanya? Piniga-piga niya ang mga kamay sa ilalim ng pahabang mesa upang kahit papaano’y maibsan ang mapait na emosyong kumakalat sa dibdib niya nang mga sandaling iyon. Tensyonado siya at tila nagbubuhul-buhol ang kanyang bituka. Inside the conference room, the air felt colder. And the silence was deafening. Tahimik lang si Viz at ang abogado habang hinihintay siyang gumalaw. Hindi nga niya masabi kung kaya niyang hawakan ang ballpen gayung nangi