“May malalim ka na namang iniisip…” Napapitlag si Nessa at napalingon sa taong nagsalita. Ang nakangiting si Nivan ang tumambad sa kanya. Maaliwalas ang mukha nito. Gumuhit ang maliit na ngiti sa mga labi niya. “Nakakahiya na nga sa iyo, palagi mo na lang akong nahuhuling tulala.” Nakaupo siya sa swing sa likuran ng bahay-ampunan. “It’s fine.” Naupo rin ito sa katabing swing. Oras ng pahinga niya kaya pinili niyang manatili roon, malayo sa ibang tao. Gusto niyang mapag-isa. Hindi niya akalaing bigla na lamang susulpot si Nivan. Akala niya ay hindi ito pupunta ng Hospicio nang araw na iyon. Isang linggo na buhat nang unang beses silang magkakilala. Humugot siya ng malalim na paghinga at tumanaw sa mga ulap sa kalangitan. She felt so lost. If truth be told, she didn’t know what to do