“Come out, Zek. Nandito ako sa labas ng bahay mo,” iyon ang maikling sinambit ni Viz nang sagutin ni Zeki ang tawag niya. “What?” Pupungas-pungas pa ito at halatang bagong gising lang. “Ang aga-aga pa, Viz. Alas kuwatro palang, o. Hindi ka na ba ngayon makatulog nang maayos sa bahay mo dahil umalis na ang asawa mo?” “Hmm,” was his flat reply. Actually, what his brother just said kind of struck a chord. Gumapang ang tensyon sa panga niya dahil d’un kaya mariin niyang pinaglapat ang mga bagang. Umungol si Zeki. “Alam mo, kung ano man iyang pinagdadaanan mo, solohin mo muna dahil antok na antok pa ako.” “May gusto lang naman akong ipakita sa iyo.” “May sorpresa ka ba sa akin? Surprises aren’t really my favorite, so just go home. Titignan ko na lang iyan mamaya, kung ano man iyan, maliban