They looked like a f*cking happy family. Sina Nivan, Nessa, at ang batang kasama ng mga ito. Naging maingat si Viz sa pakikipagtalik noon sa asawa niya. Naging napakaingat niya. Alam niya kung ano ang gusto ni Nessa—isang buong pamilya, mabait na asawa, at malusog na supling. She wanted genuine love and a warm home. Alam niya rin kung bakit. Dahil iniwan at lumaki ito sa bahay-ampunan at hindi nito kilala kung sino ang totoo nitong mga magulang. Hindi nito minsan man naranasan kung paano ang maging bahagi ng isang buo at masayang pamilya. Iyon ang dahilan kung bakit gusto nitong bumuo ng pamilya kasama niya. But he couldn’t give her what she wanted. Dahil nababalot ng matinding pagkapoot ang puso niya para rito noon. She reminded him so much of the father whom he loathed the most. A