Pagsapit ng tanghalian ay halos mapudpod na ang mga daliri ni Viz kaka-dial sa number ng asawa, pero sadya nitong hindi sinasagot ang mga tawag niya. Kung tatanungin siya kung bakit niya ginagawa ang mga ginagawa niya ngayon ay wala rin siyang maisip na matinong isasagot, dahil naguguluhan din siya sa sarili niya. Just a month ago, he was too sure that this was what he wanted—to remove his wife from his life permanently. He was certain that there was nothing he wanted more than the annulment. Pero bakit iba ang tahip ng dibdib niya nang makita niyang lumalayo na sa kanya ang asawa? Bakit nagtitiim ang mga bagang niya sa isiping may ibang lalaki ang gustong makuha ang atensyon nito? Especially that senator’s son, and that arrogant lawyer from the party. Mararahang katok ang nagpalingon s