“Grabe, gusto kong sulsihan ang bibig ni Viz! Nakakainis siya. Ano’ng drama niya? Ano iyong pinagsasabi niya kanina? Parang na-pasma ang dila ng loku-loko,” inis na ingos ni Perlas. “At bakit nag-asal bastos ang lalaking iyon sa harap ni Attorney Blanco? Gah, nanggigigil ako, nag-iba na talaga siya ngayon kung ikukumpara ko sa dating Viz noong nasa Castoldi Labs pa siya.” Napabuntong-hininga siya. Sila lang naman ang tao ni Perlas sa loob ng banyo kaya hindi na siya nangiming magsabi rito hinggil sa tunay niyang saloobin. “Ang totoo niyan, nalilito ako kay Viz. Nalilito at nililito niya ang puso ko. Ang puso at utak ko,” pag-amin niya. Nalaglag ang panga ni Perlas at napatulala ito sa kanya. “M-may nangyari ba?” Nag-aatubili siya pero pinili niyang sabihin na kay Perlas ang lahat para m