Umigting ang panga ni Viz habang hinahatid-tanaw ang papalayong asawa. Umukit sa utak niya ang imahe ng nakangiti nitong mukha habang nagpapasalamat sa pagbibigay niya ng matapat na sagot. Sa kung anong kadahilanan ay nag-iinit ang ulo niya sa ngiti nitong iyon at gusto niyang burahin iyon sa mukha ni Nessa. It would have been better if she frowned at him, or yelled at him. He would have even felt better if she cried and spewed curse words at him. Pero hindi nito ginawa iyon, at sa halip ay ngumiti lang ito. Sinenyasan niya ang serbidor na lumapit at kumuha ng dalawang basong alak mula sa dala nitong tray. Inisang lagok niya lang ang laman ng baso na ikinagulat ni Zeki. “Hey, Viz, hindi tubig iyan. May balak ka bang maglasing dito?” “I suddenly felt the urge to have a few more drinks,”