Natigilan si Nessa at napaisip dahil sa mga sinabi ni Viz sa kanya. Wala na ang lola ni Neza. Wala na itong malapit na kamag-anak. Kailangan ay magkaroon ito ng taong masasandalan nito. At si Viz iyon. May punto rin naman si Viz na baka nga hindi maging komportable si Neza sa bahay nito kung aalis siya. Ang problema lang ay buo na ang loob niyang umalis ng poder ni Viz. Napatingin siya rito. “Gagawin ko ang lahat para magustuhan ka ni Neza, Viz. Alagaan mo rin siya at huwag na huwag mo siyang sasaktan. Ipangako mo sa aking magiging masaya kayong dalawa.” Totoo sa loob niya ang mga sinabi. Hindi tumugon si Viz. Hindi rin ito tumango. Tikom lang ang mga labi nito. “Viz, kausapin mo ulit si Zeki o paganahin mo pa lalo ang mga koneksyon mo,” aniya. His brows furrowed tightly. “For what?”