Napakurap-kurap si Nessa nang walang patumanggang itinulak pasara ni Viz ang dahon ng pinto. Bago tuluyang lumapat iyon pasara ay nahuli pa niya ang madilim na ekspresyong bumalatay sa mukha ng kanyang asawa. Galit ba ito? Pero bakit ito magagalit? Nagalit ba ito dahil gusto niyang ibalik dito ang singsing? O baka dahil isinuhestiyon niya na maging magkaibigan sila? She knew it was stupid. Viz probably didn’t want to be her friend after the annulment. Oo nga naman, bakit nito gugustuhing maging kaibigan ang taong matagal na nitong isinusuka? Napabuntong-hininga na lamang siya at minasdan ang singsing na hawak niya pa rin. Tumikom ang kamay niya. Itatago na lang muna niya ang singsing. Habang tinatahak ang pasilyo pabalik sa sarili niyang silid ay binabalikan niya sa isipan ang mga sina