The Nth time. This was probably the Nth time today that Viz was lost in thought, snapped back, refocused his attention, and was lost in thought again. Pabalik-balik sa isip niya ang tungkol sa annulment decree. Dalawang meeting na ang dinaluhan niya, subalit wala siyang may naintindihan sa mga tinalakay sa meeting dahil lumilipad ang isipan niya. Sa huli ay nagdesisyon siyang magpaiwan sa loob ng board room pagkaalis ng management team. “Sir, may isa pa po kayong meeting,” paalala sa kanya ni Sassa, mahina lang ang boses nito at hindi makatingin sa kanya nang direkta. “Cancel it. I’m going home.” “Po?” Hindi siguro ito makapaniwalang ipapakansela niya ang meeting. Magmula kasi nang itayo niya ang H-Precision ay halos araw-araw siyang nasa opisina. Unless there was a significant need