“I’ll end up regretting it…” sambit ni Viz sa hangin habang nasa loob siya ng kanyang malawak na opisina sa H-Precision, at nakaupo sa swivel chair. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit na niyang sinambit ang mga katagang nanulas mula sa mga labi ng kanyang kapatid kaninang umaga. Would he really end up regretting his decision? Naitikom niya ang mga kamay. Sa puntong iyon dapat ay wala nang lugar ang pag-aalinlangan at pagdadalawang-isip. Maraming buwan na ang lumipas buhat noong matuklasan niya ang kasinungalingang hinabi ni Nessa at magmula noon ay wala na siyang ibang hinangad kundi ang makalas ang taling nagbubuklod sa kanila ng asawa. Ngayon, kung kailan malapit na niyang maabot ang matagal nang inaasam, ay saka guguluhin ni Zeki ang utak niya? Bakit ngayon pa kung kailan pumirma