Nagulat si Nessa nang paglabas niya ng banyo ay nagkahulihan sila ng tingin ni Viz. Hindi nito suot ang salamin sa mata. Nakaupo ito sa gilid ng kama at sadyang nakaharap sa dako ng banyo kaya hindi maiiwasang ito ang unang tumambad sa paningin niya. He was naked from the waist up so she could see his torso that was sculpted with sinewy muscles. His biceps and forearms were another sight to behold, made more manly by the prominent veins just beneath the surface. Nakasuot lang ito ng kulay abuhing drawstring pants. Nakalapat sa karpetadong sahig ang mga paa nito, at ang magkabilang kamay ay nakatukod sa kubrekama. Kakatapos niya lang maligo at nakabalot lang sa puting tuwalya ang hubad niyang katawan. May mga butil ng hindi pa natutuyong tubig sa balat niya. Maging ang kanyang buhok ay b