“Gusto ko lang ipaalam sa iyong magtatrabaho na ulit ako.” Napaangat ng mukha si Viz na kanina ay nakatutok lang ang mga mata sa binabasang libro. Nasa sala siya at nakaupo sa sofa. Ibinaba niya ang hawak na libro at inayos ang salamin sa mata, saka matiim na pinakatitigan ang asawang nakatayo sa harapan niya. She looked distracted; and that expression made his brows pull together at the center. Nakakapagtaka. Mailap ang mga mata ni Nessa at hindi ito nakatingin sa mukha niya. Sa halip ay tila may malalim itong iniisip. “What’s wrong, Nessa?” tanong niya rito. Hindi ito kumibo. Hindi siya nito narinig. “Nessa?” “H-ha?” Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. May nangyari bang hindi niya alam? Hindi normal ang kinikilos nito. “Why would you want to work all of a sudden?” Bago sila ikin