Nagulat si Zeki nang bigla na lang pumasok sa loob ng opisina niya si Nazaron. Malalim ang nakaguhit na simangot sa mestizo nitong mukha at halatang mainit ang ulo nito. Ibinaba niya sa mesa ang mga binabasang dokumento at tumayo mula sa pagkakasalampak niya kanina sa swivel chair, tapos ay sinalubong niya ang kaibigan. "You want coffee?" alok niya rito. Umismid lang ito. "No, don't bother." “What happened to you? May problema ba?” tanong niya. Pumalatak ito. “Wala sana akong problema kung inaayos lang ng kapatid mo ang utak niya,” lahad nito. His brows scrunched at the center. “What? Why, what really happened? Kung ano man iyan, pag-usapan natin mamaya. Magkikita naman tayo para sa meeting, hindi ba?” Sinipat niya ang relo. “It’s already nine. The meeting is at 10. Isang oras na lan