CHAPTER 46

3149 Words

Kahit na ilang araw nang walang maayos na tulog si Viz ay maagang-maaga pa rin siyang nagigising. Nauuna pang dumilat ang mga mata niya kaysa sa pag-ahon ng araw sa Silangan. Pagkagising niya ay tititig lang siya sa kisame, habang nilulunod ang sarili sa nakabibinging katahimikang bumabalot sa buong silid. Dinig niya ang ugong ng air conditioning unit, at ang bawat paghugot niya ng malalim na paghinga upang punuin ng hangin ang dibdib. He glanced at the empty side of the bed, then breathed out a sigh. Gaano pa katagal mababakante ang bahaging iyon ng kama? Kailan pa kaya ulit iyon malalapatan ng init ng katawan ni Nessa? God, he missed her so much. He missed his wife so much. Nakakabaliw pala ang labis na pangungulila. Para siyang nauupos. Unti-unting nahahapis. Nanggigipuspos.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD