Chapter 03

1103 Words
Chapter 03 3rd Person's POV Tumakbo ang mga ito ngunit nadapa ang nasa unahan matapos iharang ni Aspine ang isang paa. Nadapa ang nasa unahan kaya naging dahilan iyon para matumba pa ang mga kasunod nito. May mga bumaliktad sa bench at nabangga ang basurahan. Napa-pokerface si Graphite. "Mga basura," bulong ni Graphite. Nagpatuloy sila sa paglalakad at humanap ng pwesto. Kita nilang hinaharangan ni Chartreuse si Coquelicot habang tinuturuan ito gumamit ng bow at palaso. Tumawa si Chartreuse matapos makitang sa sampung beses na pag-try ni Coquelicot wala sa mga iyon ang tumama sa board. "Ayoko na hindi ko na kaya. Masyadong malayo nag board," ani ni Coquelicot. Umupo sa sahig matapos bitawan ang mga palaso. Gamit ang daliri ay gumuhit it ng kung anu-ano sa lupa. "Bakit kasi hindi ako kasing galing niyo nina kuya Graph. Kahit sana sa talent lang eh. Hindi 'man lang ako binigyan. Bakit ang galing niyo sa lahat ng bagay tapos ako heto walang kayang gawin," ani ni Coquelicot. Para itong bata na nagmamaktol. "Ano ka ba— may mga bagay din kaming hindi kayang gawin na nagagawa mo," ani ni Chartreuse. Napatigil si Coquelicot at napatayo. Hinawakan niya ang braso ng kapatid at tinanong kung ano iyon. Maliwanag ang mukha ni Coquelicot at puno ng expectation na nakatingin sa kapatid. "Ah, kumain ng limang plato ng kanin, iyong makasunog ng buong mansyon sa loob lamang nga apat na minuto without effort tapos mawasak iyong board ng ring gamit lang ang bola. Kahit sina kuya Graph hindi kaya iyon," ani ni Chartreuse. Bumagsak ang balikat ni Coquelicot. Sinabing hindi siya makakakuha ng medal at award doon. Napa-pokerface si Graphite at Juniper. Natawa sina Aspine matapos marinig iyon. "Hindi ka nakakatulong Chart." Halos magkasabay na sambit ni Graphite at Juniper habang nakatingin sa mga kapatid. Naka-pokerface ang dalawa. Tumawa si Chartreuse at sinabing atleast may kayang gawin si Coquelicot na hindi nila kayang gawin. Nakatingin si Chartreuse sa kambal na patuloy sa pagrereklamo like hindi siya matalino katulad ng kuya Graphite nila. Hindi kasing lakas ng katawan ni kuya Juniper ang katawan niya tapos walang talent na katulad ni Chartreuse. Nakatingin si Chartreuse, Graphite at Juniper sa kakambal. Tila iisa lang ang iniisip ng mga ito about kay Coquelicot. "Hey sis— katulad mo may mga bagay din na meron ka na minsan hinihiling namin na meron kami nina Graphite," ani ni Chartreuse. Nakatingala si Coquelicot sa kakambal at curious na nakatingin dito. "Ano naman iyon kuya?" tanong ni Coquelicot. Ngumiti si Chartreuse at yumuko. Pinantay niya ang mukha sa kapatid niya na babae at dinutdot ng mahina ang noo ng kakambal. "Iyong pagiging naive mo and stupid enough para hindi maging aware sa lahat," natatawa na sagot ni Chartreuse. Nagreklamo si Coquelicot at nagpapadyak. "I hate you kuya! Hindi na kita bati!" Nagpapayadyak na umalis doon si Coquelicot at mukhang pabalik na para magbihis. Natatawa na umayos ng tayo si Chartreuse. "Hintayin kita dito. Bilisan mo lang dahil baka magsimula na ang klase natin. Makita tayo ni Graph yari na naman tayo," natatawa na sigaw ni Chartreuse. Nawala ang ngiti nito kalaunan matapos ilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Nagbago ang expression ni Chartreuse at tiningnan ang target board. Wala ng tao sa lugar na iyon. Kinuha ni Chartreuse ang bow at palaso. Matapos pumusisyon— pinakawalan niya ang palaso. Tumagos iyon sa target board at bumaon sa pader. Mula sa pader may pulang likido ang dumaloy mula doon. Dumilim ang expression ni Chartreuse at binaba iyon. "Ito iyong mga bagay na kinapapasalamat ko na hindi mo nakikita either nararamdaman— C-que," bulong ni Chartreuse. Hinawakan ni Chartreuse ang gilid ng lamesa habang nakatingin sa palaso na nasa pader. At sa mga palaso na nagkalat sa harap ng target board. Narinig ni Chartreuse ang boses ng kapatid. Pumikit ng madiin si Chartreuse at lumingon. Natatawa si Chartreuse na inakbayan ang kapatid. "Daan muna tayo sa cafeteria. May bagong flavor sila ng paborito natin na milktea," yaya ni Chartreuse. Sinabi ni Coquelicot na wala silang pera. "Kinuha nina dad iyong last na credit card natin hindi ba?" tanong ni Coquelicot. Hinarang ni Chartreuse ang daliri sa harap ng labi. "Sabihin natin pinabibili nina Graph. Babayaran iyon ni Graph kapag siningil siya ng staff," ani ni Chartreuse. Humagikhik si Coquelicot at sinabing order sila ng apat. "Uubusin natin pera ni kuya. Sinumbong niya tayo kina daddy." — Tumatawa lang si Conrad habang nakatingin kay Graphite na naka-pokerface na binaba ang credit card niya kung nasaan lahat ng ipon niya. Pagtapak na pagtapak niya ng cafeteria nilapitan siya ng staff about sa mga kinuha nina Chartreuse at Coquelicot. Lagi silang kinukuhanan ng daddy nila ng credit card bilang punishment. Siyempre mahirap magpakasanto kaya napapadalas iyon. Kailangan din ni Graphite ng pocket money kaya naman sumasali siya sa mga competition ng university nila para sa pera. Ganoon din sina Chartreuse at sina Juniper. Ngunit lagi iyon nababawasan dahil sa dalawang pasaway na walang ginawa kung hindi ilagay sa pangalan niya ang mga kinukuha ng mga ito sa cafeteria. "Sabihin mo lang pre kung wala ka ng pera. Papahiramin kita," biro ni Conrad na alam niyang hindi naman mangyayari. Masyado ma-pride ang barkada niya na iyon. "Shut up. Akala ko ba o-order kayo ni Costa," ani ni Graphite matapos kuhanin ang credit card niya. Hindi na lang niya pinansin ang mga staff. Umalis siya sa counter ng walang iniiwan na salita like huwag na pakuhanin doon ang mga kapatid niya. "Hey, anong problema mo!" irita na sambit ni Philip. Bigla kasi siyang binangga ng lalaki na mukhang galing sa ibang department. "Hindi kita nakita brad pasensya na," ani ng lalaki. Hinawakan siya nito sa balikat. Kumunot ang noo ni Philip— napatigil ang lalaki matapos may humawak sa wrist niya at inalis sa balikat ni Philip. "May problema ba dito?" tanong ni Graphite. Binitawan ni Conrad ang kamay ng lalaki at tumayo sa tabi ni Philip. "Nag-sorry lang ako. Nabangga ko siya— hindi ko siya nakita," ani ng lalaki. Ngumiti pa ito at umatras. Tinaas ang kamay niya at tumalikod. Umalis na ang lalaki. "Ayos ka lang?" tanong ni Graphite. Tiningnan niya si Philip na may hawak na inumin at french fries. "Ayos lang," sagot ni Philip at sumubo ng fries. Nagbigay ang staff ng tissue gawa ng nabasa ng kaunti ang uniform ni Philip. "Umalis na tayo. Malapit na mag-start ang klase," ani ni Graphite. Sinabi ni Philip na mauna na sila. "Pupuntahan ko si Chart. Nasa labas siya ng building, hinihintay ako," ani ni Philip. Magkaiba kasi ng direksyon ang tatahakin nila na daan papunta sa kani-kanilang building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD