Chapter 04
3rd Person's POV
"Papasok sa girl's volleyball team?" ulit ni Chartreuse. Tumango si Coquelicot at sumagot ng yes. Ngumiti ang babae.
"Naglaro kami ni mommy 'non sa beach! Alam ko kung paano maglaro. Don't worry makakaya ko iyon!" ani ni Coquelicot. Akala ni Juniper at Graphite sumuko na ang dalawa.
Kinabukasan nga nagpa-register si Coquelicot para mag-training. Biglang dumami ang tao sa gymn.
"Anong meron? Bakit ang daming tao? " tanong ng isa sa mga miyembro ng volleyball team. Inaayos nito ang suot na casket. Alam nila ay ordinaryong training lang iyon at maliit na introduction para sa mga papasok sa team.
"Sasali iyong isa sa mga kapatid ng mga Blood. Iyong babae— gosh hindi ako makapaniwala na may kakambal na babae sina Graphite," ani ng kausap nito at nginuso iyong babaeng nasa kabilang side ng gymn. May kausap itong lalaki at sigurado silang isa iyon sa triplets.
"Si Coquelicot Blood. Ang school goddess — gosh mas maganda pala talaga siya sa personal. Para talaga siyang diyosa— kainggit iyong kutis oh."
Nag-cross arm si Glenda Hernandez. Ang captain ng volleyball team. Sinabing sigurado naman siyang ganda lang ang meron si Coquelicot.
Kilala niya ang babae. Kaklase niya ito 'nong first year at masasabi niyang hindi naman ito matalino katulad ng triplets. Walang talent at lampa.
In some reason naiinis siya dito dahil kahit wala itong utak at may pagkaisip bata ay marami pa din lalaki ang nagkakandarapa dito.
Sigurado si Glenda na kung hindi ito maganda at hindi sikat ang mga kapatid nito sa university ay walang tao na papansin sa babae.
"Okay kuya! Don't worry gagalingan ko!" natutuwa na sambit ni Coquelicot. Tumakbo na ang babae patungo sa gitna. Naka-fit na short ang babae, white t-shirt at nakatali ang mahabang buhok.
Nag-hi si Coquelicot sa mga kasabay niya. Namula ang mga katabi nitong babae at nahihiyang bumati din kay Coquelicot.
Napangiti si Chartreuse. Kahit saan kasi pumunta ang kapatid niya nagpi-fit in ito. Nakatayo lang si Chartreuse sa gilid ng gymn. Sa pinakamataas na bahagi ng gymn nakatayo sina Graphite. Nakapatong ang dalawang siko ni Juniper sa railing at pinanonood ang kapatid niya na babae.
Agad na napagalitan si Coquelicot ng captain ng volleyball. Nag-sorry di Coquelicot.
"Kung gusto niyo pumasok sa team seryosohin niyo sa training pa lang! Naiintindihan niyo ba!" sigaw ng captain ng volleyball team. Tiningnan nito si Coquelicot na nakatingin kung saan. Madaling ma-distract si Coquelicot.
"Ikaw na nasa dulo. Magpakilala ka," ani ng babae. Naiinis ito— may kumulbit kay Coquelicot. Napatingin si Coquelicot— tinuro ng katabi ang captain nila at sinabing magpakilala na si Coquelicot.
Pumunta sa unahan si Coquelicot. Ngumiti ang babae.
"My name is Coquelicot Blood— C-que for short. 18 years old— pa-19 next month!" malakas ang boses na sambit ng babae. Nagbulungan ang mga estudyante.
Kilala lang ito sa mukha since maganda talaga ang babae ngunit walang nakakaalam na kapatid ito ng triplets.
"So? Kapatid ka ng mga school officers? Kaya siguro ganiyan ang ugali mo— feeling lahat gusto ka. Attention seeker," ani ng captain. Napa-ha? Si Coquelicot. Tiningnan ni Coquelicot ang captain ng volleyball team. Hindi nito gaanong naintindihan ang sinabi ng babae.
"Next!"
Bumalik na si Coquelicot sa pwesto niya at tiningnan ang captain ng volleyball team. Naka-pokerface si Chartreuse habang nakatingin sa babae.
Matapos ang introduction kailangan ng training. Halatang pinagdidiskitahan ng mga nasa volleyball team si Coquelicot.
Sinabi ni Coquelicot na iyon ang first time niya maglaro ng volleyball ngunit siya pa din ang pinauna at hindi binigyan ng kaunting reminder.
Pumunta si Coquelicot sa kabilang net. Ang captain ang magse-serve. Nagulat ang mga baguhan matapos malakas iyon hampasin ng captain. Iniwasan iyon ni Coquelicot.
Napaupo si Coquelicot. Nagtawanan ang miyembro ng volleyball team. Lumapit ang mga trainee at tinulungan si Coquelicot.
"Hindi marunong si C-que. Sinabi niya na. Pumunta siya dito para matuto. Bakit kailangan niyo mag-serve ng ganoon na kalakas," tanong ng isa sa mga trainee.
Napataas ng kilay ang captain at sinabing kung gusto matuto ni Coquelicot sana kinuha na ni Coquelicot na tutor ang P.E teacher nila.
"Isa pa may kapatid iyan na gold medalist. Lumalaban sa sports world wide. Ini-expect ko na masasalo niya agad iyon. Gosh, nakakahiya ka," ani ng captain ng volleyball team. Natawa ang vice captain.
"Akala ko magaling. Puro ganda ka lang pala talaga."
Hindi nakaimik si Coquelicot. Hindi iyon ang unang beses niya na narinig iyon sa mga taong nakapaligid sa kaniya like— magaling sa lahat ang mga kapatid niya tapos siya hindi.
Ngunit nakakapanlumo pa din iyon tuwing naririnig niya. Lagi siya naikukumpara.
"C-que!"
Tumakbo si Coquelicot palabas ng gymn. Agad na hinabol ni Chartreuse ang kapatid na babae. Umiiyak ang babae.
"Oy."
Napatigil ang buong team ng volleyball. Napaangat sila ng tingin sa mataas na bahagi ng gymn. Sa railing nandoon si Juniper at Graphite.
Nakahilig ang dalawang braso ni Juniper sa railing. Ngumisi ang lalaki ngunit ang mga mata nito ay puno ng pagbabanta.
"Panindigan niyo iyang mga sinabi niyo sa kapatid ko hanggang sa huli naiintindihan niyo ba," ani ni Juniper. Nanlamig ang mga taong nasa ibaba matapos makita ang paraan ng pagtingin sa kanila ng limang tao na nasa itaas.
Para bang napakaliit nilang mga nilalang at kaya silang durugin ng mga ito anytime. Tumayo ng maayos si Juniper. Sumampa nag lalaki sa railing at tumalon pababa.
Sobrang taas 'non. Dinampot ni Juniper ang bola ng volleyball. Binanggit ni Juniper ang buong pangalan ni Glenda.
"Tatandaan ko ang pangalan na iyan."
Napatalon ang mga babae at napaatras. Pumutok ang bola sa paghawak lang ni Juniper gamit ang isang kamay.
Nilampasan ni Juniper ang mga babae. Sumunod si Graphite na nakapako ngayon ang tingin kay Glenda na halos mawalan ng kulay ang mukha dahil sa paraan ng pagkakatitig sa kanila ni Graphite at Juniper.
"Mali ka ng binabangga."
Pabulong at malamig na sambit ni Graphite at nakapamulsahan na sinundan si Juniper.
Umiiyak na umuwi si Coquelicot. Niyakap ng dalaga ang ina na agad nataranta matapos makita na umiiyak si Coquelicot.
"C-que? What happen honey?" tanong ni Adara. Humihikbi na sinabi ni Coquelicot ang nangyari sa gymnasium.
"Bakit kasi ate nagpupumilit ka pa? Hindi mo na lang tanggapin na hindi ka kasing haling nina kuya Graph," ani ni Fuchsia. Sinaway ito ng ginang.
"Fuchscia, ganiyan ka ba dapat makipag-usap sa ate mo?" asik ng ginang. Napairap so Fuchsia. Sinabing totoo naman.
"Kung nanahimik na lang si ate kung saan. Hindi siya mapapahiya ng ganoon sa harap ng maraming tao at makakarinog ng kung ano pa 'man na salita. Hindi siya marunong sa sports, lampa siya at ni hindi siya makasama sa rank list ng hindi nade-depressed. Doon pa lang tanggapin niya na— wala siyang talent at—"
Napatigil si Fuchsia matapos makatikim ng sampal kay Pirouette.
"Naririnig mo ang sinasabi mo Fuchsia? Kapatid natin si ate C-que. Sa lahat tayo dapat ang nakakaintindi sa kaniya, pinu-push siya at hindi dina-down! Bakit kailangan mo sabihin na agad siya mag-give up!" sigaw ni Pirouette. Agad na pumagitna si Turquoise sa dalawang kakambal.
Napayuko si Coquelicot. Naiinis na umalis si Fuchsia at sinabing bahala kayo.
"Sinira niya ang image ng mga Blood. Nakakahiya," ani ni Fuchsia at mabilis na umakyat ng hagdan. Sinabi ni Coquelicot na tama si Fuchsia.
Lumingon sina Pirouette. Sinabi ni Turquoise na huwag na pansinin si Fuchsia.
"Anak, it's okay. Hindi mo kailangan i-pressure ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo naman kayang gawin. Hindi mo kailangan ikumpara ang sarili mo kina Graphite. Ikaw ay ikaw sweet—"
"Na may mga kapatid na gifted. Mommy, bakit kasi hindi ako matalino katulad nina kuya at ka-talented. Bakit sina Fuchsia— 13 years old pa lang sila nasa rank list na. Bakit ang dali-dali lang para sa kanila ang lahat tapos sa akin ang hirap-hirap. Bakit mommy?"