Chapter 02
3rd Person's POV
"Honeypie, ano bang hilig mong game?" tanong ni Chartreuse sa kakambal. Nasa gymn sila ngayon.
Nakasuot si Coquelicot ng jogging pants, sando and jersey. Isa iyo sa jersey ni Chartreuse na talagang pinasuot niya sa kakambal dahil siguradong pagpi-piyestahan ng mga lalaki si Coquelicot sa gymn kapag nagkaganon.
Makakatanggal siya ng mata once na mahuli niya nga ang mga ito. Hawk ni Coquelicot ang baba niya at malalim na nag-iisip.
Nakatitig lang si Chartreuse. Mukhang curious na curious ito sa hilig nga ni Coquelicot.
"Wala eh," sagot ni Coquelicot pagkalipas ng tatlong minuto. Muntikan na matumba si Chartreuse sa kinatatayuan matapos marinig iyon. Alanganin tumawa si Coquelicot.
"Okay, okay. How about subukan na lang lahat ng game dito. Sa basketball muna tayong dalawa," ani ni Chartreuse. Inakbayan niya ang kapatid. Tinaas ni Coquelicot ang isang kamay at sumigaw ng basketball.
"Maganda lang si C-que. May talent ba siya?" tanong ni Juniper. Nakaupo ito sa pinakadulo na upuan sa itaas na bahagi ng gymn. Nakasandal si Graphite sa pader at naka-cross arm.
"Hindi ko alam. Talent ba iyong lahat ng mahahawakan ni C-que, nasisira o sumasabog?" tanong pabalik ni Graphite. Tumawa si Juniper at sinabing mukhang talent nga iyon.
"Hindi ko kaya iyon," sagot ni Juniper. Nakahalumbaba si Aspine at nakatingin sa ibaba.
"Ano bang ginagawa natin dito? Akala ko ba wala kayong pakialam sa gagawin ng dalawang iyan?" ani ni Aspine. Pinuntahan kasi sila ni Philip office sabi nga nito nasa gym iyong dalawa. Sinabi ni Graphite wala itong pakialam pero ayon— nandoon sila sa loob pinanonood ang dalawa.
"Aminin niyo na concern kayo kay C-que," ani ni Conrad na natatawa habang nakaupo sa kabilang bench at kumakain ng junkfoods.
"Hindi kami concern kay C-que. Kasama 'nan ang gagong si Chart. Mas concern ako sa babayaran ni dad kapag napasabog ng dalawang iyan ang university," ani ni Graphite. Napatigil si Conrad at nilingon si Graphite.
"What?" tanong ni Conrad. Tumawa si Aspine.
"Under renovation pa din pala iyong mansion niyo sa Casa Rosa, Blood hindi ba? Naalala kong aksidente napasabog iyon ng dalawang iyan iyong mansion niyo dahil pinakialaman iyong pinagi-eksperementuhan mo sa room mo," ani ni Aspine. Napangiwi si Juniper.
"Hanggang ngayon hindi pa din binabalik ni mom ang sasakyan ko at grounded ako," ani ni Juniper. Sumandal sa upuan at nilagay sa likod ng ulo ang dalawang kamay.
"Basta ibato mo lang iyong bola. Dapat mag-shoot doon sa ring," ani ni Chartreuse. Tinuro ang ring. Hawak ni Coquelicot ang bola.
"Ibato?" ulit ni Coquelicot. Tiningnan ni Coquelicot ang ring. Binato nga iyon ni Coquelicot ngunit nagulat si Chartreuse matapos mabasag iyong salamin ng ring. Tumalbog iyon patungo sa poste ng gymn— tumama sa scoring board. Natumba iyon at bumagsak sa cart na puno ng bola.
Sinundan ng tingin nina Juniper ang bola. Tumama iyon sa ilaw ng gymn then sa likod ng ulo ng kalbong coach ng basketball team.
Nasubsob ang coach ng basketball team at bumaliktad sa loob ng lalagyan ng bola ng baseball.
"Takbo!" sigaw ni Chartreuse. Hinila niya ang kapatid palabas ng gymnasium matapos magsisigaw ang bantay ng gymnasium.
Napasapo si Graphite sa noo. Humagalpak ng tawa si Aspine, Philip at Conrad.
"I think kailangan ko na tawagan si dad in advance," ani ni Juniper na halos ilubog na ang sarili sa kinauupuan matapos mapatingin sa kanila ang mga tao na nandoon sa gymn.
Nakaupo si Coquelicot sa lilim ng puno sa field. Yakap nito ang mga tuhod at sa tabi niya si Chartreuse na nakatingin sa mga naglalaro ng soccer.
"Anong gagawin ko kuya Chart? Hindi ako matalino tapos wala din akong talent," ani ni Coquelicot. Tumingin si Chartreuse at sinabi na hindi pa nila nasusubukan ang lahat ng sports.
"How about sa archery? Madali lang iyon. Kailangan mo lang ipatama iyong arrow sa target board," ani ni Chartreuse. Tumayo si Chartreuse at hinila ang kapatid na babae.
"Huwag kang susuko okay?" ani ni Chartreuse. Sumuntok si Coquelicot sa hangin at sinabing walang susuko.
Lumabas sa gymn sina Juniper at Graphite kasunod ang tatlo. Nakita nila na hila-hila ni Chartreuse si Coquelicot patungo sa field.
"Hindi pa din ba sila tapos?" tanong ni Graphite. Hinilot ang sentido. Maraming babae ngayon ang nakatingin sa limang lalaki.
"Gosh, sina Graphite. Anong ginagawa nila dito sa field."
Bihira lang lumabas sina Graphite. Hindi ito makikita pakalat-kalat except na lang kung may event sa university nila dahil officer ang mga ito.
Ngunit in some reason nandoon ang lima. Tinahak nina Graphite ang daan kung saan nila nakita ang dalawang kapatid.
Nakita nila ang dalawa sa area kung nasaan may mga estudyante na nagpa-practice ng archery.
Kausap ni Chartreuse ang minsan naging coach niya sa archery para payagan sila mag-practice ng kapatid niya. Agad naman pumayag ang coach dahil paborito niyang estudyante su Chartreuse.
"Nakabihis ka na?" tanong ni Chartreuse. Ni head to toe niya ang kapatid na babae.
Normal lang ang uniform ng mga estudyante sa archery class. Masyadong fit ang longsleeve at pants na suot ni Coquelicot. Bakat na bakat ang perpektong kurba ng katawan ng babae.
Inipitan din nito ang napakahabang buhok kaya naman kitang-kita na ngayon ang napakagandang mukha ng dalaga. Mas mukha itong rarampa kaysa magpa-practice.
"Kuya! Ready na ako!" sigaw ni Coquelicot. Natulala ang lahat even ang mga babaeng nasa line nila.
Walang self awareness si Coquelicot. Pinagtitinginan siya ng mga lalaki doon. Hinila ni Chartreuse ang kakambal. Pumuwesto si Chartreuse sa likuran ni Coquelicot at ini-explain ni Chartreuse ang mga dapat gawin ni Coquelicot at kung para saan ang bow at arrow.
"Suutin mo ito," ani ni Chartreuse. Kinuha niya ang chest guard. Sinuot sa kakambal at iyong arm guard.
"Kainggit sana naging kapatid na lang din ako ni Chartreuse."
"Putangna sana ako na lang iyong chest guard. Tingnan mo iyong katawan pre."
Mga taga-ibang department iyon na nanonood lang para makasilay sa katawan ng mga babae na nasa archery club.
Nakatayo ang mga ito sa harap ng net. Nakapako ang tingin ng mga ito kay Coquelicot na sinusuutan ni Chartreuse ng protection gear.
Pinag-uusapan ng mga ito kung gaano kaganda si Coquelicot. Pinagpustahan pa ng mga ito ang body measure ng babae.
Napaatras ang apat na lalaki matapos may dumaan sa harapan nila. Napaatras sila dahil sa pagsingit nina Graphite. Nagtaasan ang balahibo ng apat matapos tingnan sila ng masama ni Graphite at Juniper.
Kilala nila ang mga ito lalo na si Juniper. Ngumisi si Juniper.
"Magkano pusta niyo? Mapapasagot niyo ang kapatid ko sa loob ng limang minuto?" tanong ni Juniper. Napaatras ang mga lalaking nanonood sa side na iyon.
"Pupusta ako isang suntok ko lang sa ulo niya tanggal iyang mga ngipin at eye balls niyo. Wanna bet?" tanong ni Juniper. Hinimas-himas niya ang kamao.