bc

Zoldic's Possesion

book_age18+
4.7K
FOLLOW
19.0K
READ
billionaire
killer
family
manipulative
twisted
sweet
humorous
ambitious
others
disappearance
like
intro-logo
Blurb

Book 1- My Secret Husband is a Killer

Book2- Zoldic's Possession

Blurb

"What do you mean you love me? Are you insane?" tanong ng lalaki na natatawa habang may hawak na baril at nakatutok sa babae.

"Mas baliw ka! Initial reaction no tumawa matapos may babaeng mag-confess sa iyo! Ikaw iyong baliw!"

Napaatras ang babae mula sa pagkakatayo niya sa gilid ng bangin. Napalingon ang babae. Tubig iyong nasa ibaba— maaring mababaw lang iyong bangin at tubig ang babagsakan niya ngunit hindi siya marunong lumangoy.

"I said I love you! Bakit ayaw mo ba kasi maniwala. Ano— na-love at first sight ako sa iyo ganoon. Huwag mo ako patayin please!" sigaw ng babae. Pinag-cross niya ang dalawang braso at umiling-iling.

"Ah— you love me. Pero kanina kinuhanan mo kami ng litrato tapos tinakot akong ipo-post iyon sa social media. Tinapon mo sa mukha ko iyong phone?"

Napangiwi ang babae. Tiningnan niya ang mukha ng gwapong lalaki na ngayon ay nasa harapan niya. Muli natulala siya. Umiling-iling ang babae.

"It's love! Ganoon ako magpakita ng love! Binato ko phone ko kasi— kasi kinukuha mo iyon!" palusot ng babae. Sinabi pa nito gustong-gusto niya ang lalaki kaya kinuhanan niya ito ng litrato.

"While killing someone?" dagdag ng lalaki. Nag-finger heart ang babae at trying hard magpa-cute kahit kabado na siya sobra.

"Ang cool mo kaya habang hinihila iyong esophagus noong humahabol sa akin kanina," ani ng babae. Lumunok ang babae. Napaubo ang isa sa dalawang tao na nasa likuran ng babae.

"Ah mahal mo ako," ani ng lalaki. Binaba ang baril niya. Ngunisi ito.

"Kung mahal mo ako— jump."

Napa-ha? Ang babae. Sinabi ng lalaki na tumalon ang babae sa cliff.

"But I don't even know how to swim," sagot ng babae. Ngumisi ang lalaki.

"Tatalon ka o babarilin kita?" tanong ng lalaki at tinaas ang baril. Naiinis na tiningnan ng babae ang kaharap niyang lalaki.

"Tumalon ako sa cliff o barilin mo ako mamatay din naman ako! Gwapo ka lang wala kang utak! Paano mo magagawang patayin iyong nag-offer ng love sa iyo! Ang sama mo!" sigaw ng babae. Nagpa-putok ng baril ang lalaki.

Sa takot napaatras si Coquelicot Blood. Na-out balance siya at nakita na lang niya ang sarili na nahuhulog sa bangin. Nakikita niya ang asul na langit.

Nakita ni Coquelicot si Citroen Zoldic. Tumalon ito sa bangin at napatigil ang babae matapos siya hapitin ng lalaki sa bewang.

"I-consider mo na itong pangalawa mong buhay dahil mula ngayon— akin ka na."

"Love me with all your heart's content— dahil papatayin kita kapag hindi mo ginawa iyon. Ikaw at ang buong pamilya mo," bulong ni Citroen. Bumulusok sila sa pinakailalim ng dagat.

Sa mga oras na iyon nanatiling mulat ang mga mata ng babae— nakatingin siya kay Citroen at— sa likod ng lalaki ay ang liwanag.

Isang salita lang ang nag-sink in sa isip ng babae sa oras na iyon. The word is 'pretty.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Chapter 01 3rd Person's POV "C-que! My baby!" "Kyaah!" Napatili ang dalaga na si Coquelicot Blood matapos may gwapong lalaki ang biglang yumakap sa likod niya. "Kuya Chart!" Lumiwanag ang mukha ng babae matapos makita ang kakambal. Nagtatalon pa ang dalawa matapos magkaharap at magkahawak ang kamay. Nasa hallway sila ngayon at pinagtitinginan ng mga estudyante. Sa araw-araw na ginawa ng diyos ganiyan ang dalawa kapag nagkakasalubong sa mansion o sa university nila kahit pa 5 minutes ago lang noong nagkita sila. "Okay hindi ko sila kilala," ani ni Juniper. Nilampasan niya ang dalawa. Tatawa-tawa lang naman ang lalaking pinanonood iyong dalawa at hindi sinundan si Juniper. "Salvacion, ano pang ginagawa mo diyan," tanong ni Juniper. Hindi kasi sumunod ang kaibigan s***h bantay nito. "Anong ginagawa niyo dito? Kanina pa start ng klase." Napatigil si Juniper. Napaigtad iyong dalawa na kanina lang ay tumatalon habang magkayakap. Dahan-dahan lumingon ang tatlo. Nakita nila ang nakakatanda nilang kapatid na si Graphite. Naka-pokerface ang lalaki. Kasunod ng lalaki si Philip Costa at Conrad Roscue na tatawa-tawa. "Mukhang may tatlong tao dito na gustong mawalan ng credit card. Simulan ko na ba tawagan si dad?" tanong ni Graphite. Sa isang iglap nawala iyong apat sa daanan nila. Hila ni Juniper si Aspine Mendez Salvacion. Hila naman ni Chartreuse si Coquelicot na nagawa pang mag-flying kiss sa nakakatanda niya na kapatid. Binaba ni Graphite ang phone. "Ang sama mo Blood. Lunchbreak ngayon," natatawa na sambit ni Philip. Napa-ismid si Graphite at nagpatuloy sa paglalakad. "Pakalat-kalat sila. Ang sakit nila sa mata," bored na sambit ni Graphite. Natawa si Conrad Roscue. Inakbayan si Graphite at sinabing sa university nila si Graphite lang ang nagrereklamong masakit sa mata ang mga kakambal niya. "Ang cute ng mga kapatid mo. Ikaw lang ang hindi cute masyado kang gloomy," ani ni Conrad na napamura na lang matapos siya sikuhin ni Graphite sa sikmura. Kalaunan tumatawa si Chartreuse matapos sila makalayo sa tatlo habang hawak si Coquelicot at sinabing ang saya 'non. "Wait— bakit tayo tumakbo? Lunchbreak ngayon!" ani ni Chartreuse. Nilingon niya ang cafeteria. Maraming mga estudyante ang naglalabas-pasok. "Ngayon niyo lang na-realize. Ang bilis niyo tumakbo na dalawa." Napalingon si Chartreuse. Nakita niya si Philip agad na kumaway si Coquelicot. Ngumiti si Philip. Tinanong ni Chartreuse kung anong ginagawa doon ni Philip. "Papunta ako ngayon sa cafeteria. Nagutom ako iniwan ko na iyong dalawa," ani ni Philip na nakapamulsahan. Kasalukuyang nag-uusap si Philip at Chartreuse. "Baby, anong gusto mong kai—" Nawala si Coquelicot. Napamura si Chartreuse at lumingon. Hinanap ang bunso na kapatid. "Nasaan na si C-que?" tanong ni Chartreuse. Sinabi ni Philip na hindi niya din napansin na nawala ang babae. Sa palapag kung nasaan ang dean office, Namangha si Coquelicot matapos makita ang mga litrato ng kapatid niya. Graphite, Juniper at Chartreuse. May mga nakahanay doon na mga estante kung nasaan ang mga awards na nakuha ng university nila. Nandoon ang mga pictures na hawak nina Graphite ang trophies nila. Sa mga academic competition katulad ng quiz bee etc. Si Graphite ang pambato ng university nila dahil Sa talino nito at I.Q. May ibubuga din naman si Juniper Blood pagdating sa academics ngunit mas prefer nito ang mga competition na related sa martial arts and science. Si Chartreuse naman ay sumasali sa mga competion na related naman lahat sa sports. "Ang galing. Gusto ko din maging katulad nina kuya," bulong ni Coquelicot na namamangha. Araw-araw may mga nadadagdag doon na mga medals at trophies galing sa mga kapatid niya. "Pero hindi naman ako magaling sa kahit na ano," bulong ng babae. Nakatingala lang ang babae habang nakatingin sa mga litrato ng mga kakambal. — "What? Sweety, gusto mo sumali sa quiz bee?" tanong ni Adara. Naibuga ni Turquise Blood ang pangatlo sa triplets na sumunod kina Graphite ang iniinom matapos marinig ang sinabi ni Coquelicot. "Yes mom! Smart din naman ako katulad ni kuya Graphite! Gusto ko din makita sa t.v!" hyper na sambit ni Coquelicot at sumuntok sa hangin. "Stop it ate C-que. Gagawin mo lang katawa-tawa sina kuya. Tiyaka mo na balakin sumali sa comptetion kapag hindi ka na first from the last sa rank list sa university natin," ani ni Fuchsia ang pangalawa sa triplets. Napameywangan si Coquelicot at sinabing imposible iyon. "Nakapasok nga lang ako doon noong nag-review ako ng isang buong buwan na walang tulog! Pinagalitan ako ni dad—" "Huwag mo ng ipilit ate— quad kayo nina kuya pero hindi kayo parehong apat ng I.Q level," banat ni Fuchsia. Sinaway siya ng kakambal na si Pirouette. Ang mas matanda sa triplets. "Mag-ingat ka sa sinasabi mo Fuchsia. Masyado kang inconsiderate," ani ni Pirouette. Tiningnan ng batang nasa 10 years ang kapatid. Mukha naman wala itong pakialam na kinulit ang ina tungkol sa balak nito pagsali sa competition ng kapatid nila. Normal lang naman ang intelligence level ni Coquelicot huwag lang talaga iko-compare sa mga kapatid niya. Hindi iyon alam ni Coquelicot at hindi alam ng ginang kung paano ie-explain iyon. Paano niya sasabihin na hindi normal na competition ang sinasalihan ni Graphite. Hindi din pwede sumali doon si Coquelicot dahil gusto niya. "Okay, okay kakausapin ko muna ang daddy mo about dito okay?" ani ni Adara. Natuwa si Coquelicot at hinalikan sa pisngi ang ina. "Pette, sa tingin mo papayag si dad?" tanong ni Turquoise na nakaupo sa arm rest ng sofa at kumakain ng popsicle. "Kung papayag si daddy siguradong hindi naman papayag sina kuya Graph," sagot ni Pirouette. Tumawa si Fuchsia. Sinabing gagawin lang ni Coquelicot na katawa-tawa ang sarili niya doon. Kinagabihan, "No," sagot ni Graphite. Hindi pa nakakapagsalita si Silver Shawn Blood noong tanungin ito ni Adara about sa gusto ni Coquelicot na pagsali sa competition na sinasalihan ni Graphite. "Kuya, bakit ayaw mo. Gusto ko lang sumali," ani ni Coquelicot. Napapadyak ito habang nakaupo at nasa harapan sila ng hapagkainan. "Bawal engot doon," sagot ni Fuchsia. Tiningnan siya nina Pirouette at sinabihan na manahimik na lang. "Masyado madali ang competition na iyon para sa iyo at sa ibang bansa iyon. Ayaw mo sa malamig na lugar diba? Apat na buwan ang winter doon— hindi pwede. Sumali lang din naman ako doon para sa pera— dagdag allowance ko," ani ni Graphite— tinusok ang meat gamit ang tinidor at sinubo. Napataas ng kilay si Fuchsia. Mga gifted at international quiz bee competition ang sinasalihan ni Graphite. Hindi makapaniwala si Fuchsia na sumali lang doon ang nakakatandang kapatid para sa pera at sinabing madali. "Ayoko naman sa martial arts lalo na science!" ani ni Coquelicot. Tumawa si Juniper. Sinabing bawal lampa sa team nila. "Baby, sa sports ka na lang. Tuturuan kita. May competition din doon," ani ni Chartreuse. Inakbayan ang kapatid at humilig dito. "Kyaah! Tuturuan mo ako kuya!" Naghawak ang dalawa ng kamay. Nakatingin si Juniper sa dalawa. "Masama yata ang kutob ko dito," ani ni Juniper. Nakapako ang tingin niya sa dalawang kakambal na nasa harapan niya. "Same," sabay na sagot ni Graphite, Pirouette, Fuchsia at Turquoise na hindi tinapunan ng tingin ang dalawang kapatid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.5K
bc

SILENCE

read
386.6K
bc

My Godfather My husband

read
271.4K
bc

That Professor is my Husband

read
507.7K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
248.6K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
635.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook