=DISCLAIMER=
©2021 KISS DISORDER SIBLING Series 2: Lander Sky Gohtencee written by JL Dane
All rights reserved. This is a work of fiction. Names, places, businesses, characters, and incidents are either the product of the author’s imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, actual events or locales is purely coincidental. PIRATING CONTENT IS ILLEGAL: If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law.
Please follow/subscribe, comment, and add this to your library.
***************
ISANG masigabong tawanan ang sumalubong sa pagdating ni Sky sa Mansion. Doon na siya nagpahatid sa halip na sa townhouse nilang kambal sa Terraces Village matapos makalabas ng Hospital. Wrong move. Hindi niya naisip na lalo lang siyang kukutyain at aasarin ng kapamilya niya, lalo na si Ritz na mukhang gumaganti sa kanya.
“Kumusta ang birdie kasama si Egg?” pang-aasar na tanong ni Ritz.
Napatakip siya ng mukha at pilit iniwasan na lang ang mga ito. Mula nang umalis siya sa Restaurant naligo na siya ng kahihiyan, hanggang pagdating niya sa Mansion, kahihiyan pa rin ang pinaliligo niya. Diretso siyang pumasok sa kwarto at hindi na pinagkaabalahang kausapin ang mga ito. Inaasahan na niya ang maririnig sa mga ito, na nakaisa ang babaeng iyon at nakahanap siya ng katapat.
Kailangan talaga niyang pag-isipan ang susunod na plano kung paano makakaganti sa babae. Hindi siya papayag na tapak-tapakan lang siya nito at ngayon sa malamang ay pinagtatawanan na siya nito.
Palakad-lakad siya sa loob ng kwarto nang may maisipang gawin. Agad niyang kinuha ang laptop, binuhay ito saka nagpunta sa google engine para hanapin ang contact info ng naturang Resto Bar. Hindi naman siya nabigo dahil may nag-entertain sa pagtawag niya.
“May I ask if you have a certain Sharon working as a waitress in your Resto Bar?”
“Yes sir,” magiliw na sagot ng boses ng bakla. “Sharulyn Torregoza is her real name? Wait a minute—“
Bago pa mang-usisa ang bakla over the phone, agad na niyang pinutol ang tawag at pinatay ang phone. Muli siyang lumapit sa laptop at nagtungo sa f*******: account. He type the name Sharulyn Torregoza, how lucky he was when he found her f*******: account.
‘Hmm.. hindi na masama.’ Dahan-dahan niyang brinowse ang mga naroon. ‘Studying at Polytechnic Manila.’ Hindi rin niya pinalampas ang mga litratong selfies nito.
Namangha siya sa mga nakita, tila isang modelo ang nagngangalang Sharulyn dahil kahit hindi ito katangkaran, mayroon itong potential maging model. Nakita niya ang isang pageant na kabilang ito at naka-two piece bikini ito. Napalunok siya sa nakita. Hanep ang kinis ng legs at buong katawan nito na hindi niya inaasahan. Hindi na naalis ang mga mata niya at naglakbay lang sa kabuuhan ng tindig ng babae.
‘Baka naman Dummy account ito? Pero kamukha niya ang nasa litrato,’ mahinang usal niya habang hindi pa rin nilulubayan ng tingin ang babae.
Narinig niyang bumukas ang pinto, agad niyang sinara ang laptop.
“Stop stalking her f*******: account, napaghahalataan ka na.” Too late, nahuli na siya ng kakambal.
“H-hindi ah. I’m not stalking her account.”
“Hindi nga halata. May nasa ka na sa picture pa lang,” sabay bato nito ng unan. “Iyang commander mo, sumasaludo na.”
Hinawi niya ang unang binato nito at bumaba ang tingin sa pantalon. Tama nga ito, nagtatayo na ng tent ang boy scout niya. Agad siyang tumakbo sa banyo at doon nagparaos. Paanong tinablan siya ng alindog ng amasonang iyon? Hindi siya makapaniwala sa mga realisasyong iyon. Baka kailangan ng manuklaw ng alaga niyang ahas kaya nagising sa mahimbing na pagkakatulog.
Nababaliw na nga siguro siya nang sumunod na araw, pumunta siya sa School na pinapasukan ni Sharon. Gusto niyang makita ang dalaga para tuklawin—este para mahulog sa bitag niya.
Nasa labas siya ng gate at nakatanaw sa mga room doon. Hindi kasi niya alam kung anong course nito o anong room nito. Ano ba ang silbi ng kagwapuhan niya kung hindi niya gagamitin. Isang matinding charm ang pinalabas niya para makapasok siya sa University, agad siyang nagtungo sa Registrar. Alam niyang bawal ang ginagawa niya at tiyak mapapatalsik pa ang magbibigay sa kanya ng impormasyon. Ngunit iba talaga ang angking karisma ng mga Gohtencee dahil walang kahirap-hirap na nakuha niya nag impormasyong kailangan niya.
“Bachelor of Science in Business Administration, Major in Management, iyon pala ang course niya.” Hinanap na niya ang room nito na ayon sa hawak niyang kopya ng schedule nito ay may klase pa ito.
Dahil halos nasa klase ang lahat at abala sa kanya-kanyang lecture, sinamantala na lang niyang silipin ito sa hindi kalayuan. Nakita niya ang dalaga na halos bumagsak na ang ulo sa desk dahil antok na antok pa. Kailangan rin pala nito kumuha ng kompanya na pwedeng pag-ojt-han. Gumana na naman ang utak niya, kapag nakuha na niya ang loob ng dalaga, saka na niya iintindihin kung paano makaganti rito.
Ilang minuto rin ay nagpaalam na ang professor. Kinuha na niya ang pagkakataon para makapasok. Mabuti na lang at may nakuha siyang libro bilang props.
“Good morning class!”
Naglingunan ang mga naroroon at halos sabay-sabay na napatayo saka umusal ng ‘Good morning din’ sa kanya.
Kanya-kanyang hiyawan na ang naririnig niya. Kung bakit naman kasi napakagwapo niya sa paningin ng lahat. “Ehem.” Tsumempo muna siya saka muling nagsalita. “Bago akong professor ng School at may nakapagsabi sa akin na may estudyante rito na nadawit sa isang gulo. Kaya bilang bagong professor ako ang naatasan na samahan siya sa Dean’s office.”
Napaawang ang mga estudyante at natitilihang nginingitian na siya na ang iba ay may kasama pang pagkindat. Dapat maging convincing ang pang famas niyang pag-arte.
“Kung tututol kayo ay maari kayong masususpinde ng eskwelahang ito.”
Natahimik ang klase sa sinabi niya.
Muli siyang nagpatuloy. “Miss Sharulyn Torregoza. Come in the front and leave the room,” mariing sabi niya sa dalagang kakabukas lang ng mata dahil nakatulog na ng tuluyan.
Napatingin ito sa kaklase nito na nagtatanong. “Tawag ba ako ni sir?”
“Oo, ate tayo ka na,” malungkot na sabi ng kaklase nito.
Mukhang wala pala talaga sa sarili ang dalaga dahil hindi man lang siya nito nakilala. Lumapit naman ito sa kanya na namumungay pa ang mga mata.
“Let’s go,” then he waive goodbye to the class. Bahala na ang perang umayos mamaya sa kalokohan niya.
Unti-unting nagising ang diwa ng dalaga nang maramdaman ang higpit ng kamay niya sa braso nito. Ngayon lang yata ito tuluyang nagising nang ma-realized na palabas na sila ng School.
“T-teka lang..” dagli ay bawi nito sa brasong hawak niya ng mahigpit.
“Ni hao ma? (How are you?) mukhang na nanaginip ka yata. Do you still remember me and dream me instead?”
“Ikaw ‘yong..”
Bago pa nito matapos ang sasabihin, inunahan na niya ito. “Ako lang naman ang pinahiya mo at tinapakan ang ego.”
Mahinang tumawa ito—tawang nang-aasar.
“Iyan talaga ang napapala ng mga lalaking manyakis gaya mo,”
Binitiwan niya ang kamay nito at mabilis na sinunggaban ito para buhatin na parang sa bagong kasal. “At ito ang mapapala ng mga babaeng tulad mo,” panggaya nito.
“H-hoy! Anong ginagawa mo? Ibaba mo ako. Ano ba!” winagayway pa nito ang mga paa para maibaba niya.
Sisigaw na sana ito nang muli siyang magsalita. “Scream and I will kiss you again.”
Natahimik ito nang mahuli niya ang kahinaan nito.
“S-sir, saan nyo ba ako dadalhin? Kasi a-alam mo, may klase pa ako.”
“Dadalhin kita kung saan makakalimutan mong estudyante ka.”
TAHIMIK lang sa buong biyahe si Sharon, ni hindi niya magawang manlaban o sumigaw man lang dahil hawak na siya nito sa leeg. Para siyang isang hayop na nasupil, asong bumahag ang buntot. Kung hindi nga lang nakakahiya kanina sa School, baka nagsisisigaw na siya ng Kidnap. Pero ano namang mapapala nito sa kanya? Hindi naman siya mayaman, mahirap lang siya at halos hindi na siya natutulog para lang magtrabaho at mag-aral at the same time. Tanging ang Tita-ninang na lang niyang si Stella na matandang dalagang kapatid ng kanyang ina ang kasa-kasama niya sa buhay.
Ibubuka sana niya ang bibig para magtanong nang kumumpas ito ng daliri na ibig sabihin ay manahimik siya. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya, kahit mahirap lang siya, may mawawala pa rin pala sa kanya. Ang bagay na twenty four years na niyang iningatan at pinangarap niyang ipagkaloob lang sa lalaking magdadala sa kanya sa altar at paniniwalain siyang walang manloloko sa taong nagmamahal. Ngunit katapusan na ata niya dahil maisasakatuparan na nito ang naudlot na balak.
Wala na sa kabihasnan ang pinagdalhan sa kanya ng lalaki. Hininto nito ang sasakyan sa isang matarik na daan. Nang bumaba siya mula sa sasakyan nito, roon lang niya napagtatanto na nasa gitna pala sila ng Gubat at nakatabi sa isang mataas na bangin ang sasakyan nito.
Napaatras siya sa realisasyong bumabalot sa utak niya.
“Hep! Don’t dare to run. I swear, I will chase you,” pananakot nito.
Napakapit siya ng mariin sa side mirror ng kotse, kung sakaling masira niya iyon atleast may pwede na siyang ipanghampas rito pagnagkataon. Nanginginig na ang mga kamay niya, hindi siya mahinang babae ngunit tila gusto niyang umiyak. Wala ring silbi kung sisigaw siya dahil wala namang makakarinig sa kanya sa gitna ng gubat at gilid ng bangin.
Napapikit siya at hindi niya namalayan ang dahan-dahang pag-angat niya sa kinatatayuan. Himalang dahan-dahang bumagal ng kaunti ang t***k ng puso niya. Kahit nakabibingi pa rin iyon dahil hindi na lang t***k ng puso niya ang naririnig niya, pati na rin ang t***k ng puso nito. Pwede pa lang isang rythm lang ang pagtibok ng puso ng dalawang tao. Hindi pa rin siya dumidilat, marami ng horror scenes ang pumapasok sa isipan niya.
‘God, ito na po ba ang parusa ko? Hindi nyo ba ako hahayaang maka-graduate man lang?’ Siguradong pagkatapos siya nitong pagsawaan ay ihuhulog na lang nitong basta ang katawan niya sa bangin, o hindi kaya ay iiwanan niya sa gubat para kainin ng mga matatalas na pangil ng mga hayop. O kaya ay gagawin siya nitong chop-chop lady at magmumulto gilid ng bangin at kunwari ay papara ng sasakyan. Paano na ang mga pangarap niya? Siguradong nasa headlines na bukas ang pagpatay sa kanya. Isang babae, pinagsamantalahan, chinap-chop at itinapon ang pira-pirasong katawan sa paligid ng bangin.
“We’re here.”
Mariing napapikit siya. ‘Juice ko Lord, is this my end?’
“Open your eyes,” sabi nito saka dahan-dahan siyang ibinaba.
Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Napamaang siya sa sumalubong sa mga mata niya. Akala niya ay nasa ibabaw na sila ng ulap at halos abot-tanaw na niya ang ulap. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang payapang ulap at ang dagat sa kalayuan. Para siyang nakaramdam ng kaginhawaan, sa isang iglap ay nawala lahat ng mga bagay na iniisip niyang gagawin nito sa kanya. Maniniwala na nga yata siya sa sinabi nito, parang unti-unti na nga niyang nakakalimutan na isang siyang estudyante na may obligasyon at may pangarap. Dahil ngayon palang ay naabot na niya ang pangarap na hindi mapapantayan ng kahit anong bagay.
Naramdaman niyang umupo ito sa tabi ng paahan niya. Nang mapatingin siya, ay bigla siyang nahilo at nalula. Nasa matarik silang bato at nakatuntong roon.
“Be careful,” alalay nito habang nakahawak sa kamay niya.
“H-hindi ko kaya..” lalo siya nalula at nahilo nang tuluyang ma-realized kung saan sila nakatayo dahil hindi na pantay ang tingin niya. Nakatingin na siya ngayon sa ibaba at kitang-kita niya ang malalim na bangin.
Nanginig ang buo niyang katawan, parang pusang takot na takot. Naalarma ang binata at agad siyang inalalayan.
“O-okay ka lang?”
Mariing napapikit siya. “U-umalis na tayo. H-hindi ko kaya.,” napaatras siya at hindi sinasadyang tumama sa bato ang paa niya dahilan para mapaupo siya. “A-ayaw ko na! Bumalik na tayo!”
Natatarantang agad siya dinaluhan ng lalaki. Naghihisterikal na siya. Nanlalamig ang buo niyang katawan at nanginginig sa takot. “O-okay, okay. Kalma ka lang,”
Lumalim ang paghinga niya, dahilan para kabahan ang lalaki at hindi na alam ang gagawin. Binuhat niyang muli si Sharon at sa kasamaang palad, namali ang pagkakadaiti ng palad nito upang alalayan ang katawan niya habang karga nito.
“O-okay ka na ba, Sharon?” halos hinga na lang ang naririnig niya dahil labis rin yata itong nag-alala sa inasal niya.
Dahan-dahang nawala ang takot niya habang pinakikiramdaman ang lalaki. At ganoon na lang ang bumalandrang inis sa mukha niya nang mapagtantong halos kalahati na ng dibdib niya ang nahahawakan nito habang karga siya nito.
“A-ano ba, ibaba mo nga ako!”
“Kung ibababa kita, sayang ang mukha at katawan mo kung lupa lang ang makikinabang. Mabuti sana kung sa kama ang bagsak mo kasama ako,” panunuya nito.
Winagayway niya ang mga paa para ibaba siya nito ngunit agad rin siyang napahinto nang matanaw na pababa na pala sila ng bundok. Kailangan niyang kalmahin ang sarili. “Y-‘yong kamay mo. Ayusin mo.”
Mukhang alam naman nito kung saan nakarating ang sariling kamay dahil sa pinta ng ngisi sa mukha ng animal.
Napasulyap pa ito sa sariling kamay at walang pakundangang pinisil pa iyon. “Saka ka na magreklamo, if these hands landed between your legs,”
Nais na talaga niya patikimin ito ng mag-asawang sampal at isang sipa na naman dahil sa kabastusang lumalabas sa bibig nito. Maginoo nga pero medyo bastos. Sana pala nagpatihulog na nga lang talaga siya sa bangin kaysa mahulog sa kamay nito.
Mukhang nakonsensya ang animal at dahan-dahang iniayos ang kamay habang nakaangkla ang mga kamay niya sa balikat nito.
“Hindi nga ako nagreklamo na halos halikan mo na ako, tapos ikaw ang lakas ng loob magreklamo,” daing nito.
Nakababa na rin sila sa wakas mula sa mataas na gubat. Ibinaba na rin siya nito.
“I’m sorry, I thought you’ll like the place, since marami ang pumupunta rito para tingnan ang mga ulap at ang dagat na mistulang lake. I didn’t know you’re afraid in heights.”
Hindi niya namalayang may naglandas na luha sa mga mata niya. “Iuwi mo na lang ako,” sabay talikod at dahan-dahang naglakad papunta sa pwesto ng kotse nito.
“Sorry,” napahinto siya sa paglalakad. The high and mighty playboy, nagso-sorry? Mukhang nagkakaroon pala ng epekto ang pagsipa sa gitna ng hita. “If I drag you here. Alam kong mali ‘yong ginawa ko sa Resto bar. But I mean my apologies. I never ask forgiveness to anyone, sa ‘yo palang. And I don’t know what’s happening to me because my mind betraying me. What you do to me?”
“I don’t know you, even your name. Isa pa hindi kapani-paniwala na nagso-sorry ka. You know, not convincing.” Isang himala lang kung nangyayari iyon. Baka bumkas na ang lagusan patungo sa inferno kaya nangyayari iyon.
“Then give me some time and let me convince you,” sabi nito sa high pitch tone and more convincing power.
“You’re a pervert narcissist and egoistic flirt playboy. What on earth will you tell your apology? A playboy will always be a playboy afterwards,” pagdidiinan niya rito, walang pakialam kung may nasagi man siya. Dahil hindi ang tulad niya ang basta naniniwala at agad-agad nagtitiwala. Sigurado siyang may matindi itong pakay.
“I will prove it; I’m will no longer the type of that guy you use to know anymore since you already change me.”
“Prove me, wrong.”