LSG 1:
THE LANDER SKY GOHTENCEE STORY
(Book 2: My Kiss Disorder)
Written by: Lemnlydane
LSG 001:
=DISCLAIMER=
©2021 KISS DISORDER SIBLING Series 2: Lander Sky Gohtencee written by JL Dane
All rights reserved. This is a work of fiction. Names, places, businesses, characters, and incidents are either the product of the author’s imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, actual events or locales is purely coincidental. PIRATING CONTENT IS ILLEGAL: If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law.
Please follow/subscribe, comment, and add this to your library.
***************
MASAKIT na ang mga binti ni Sharulyn nang magpasya siyang umupo sa tabi. Isa siyang waitress roon sa isang Resto Bar na nagbubukas tuwing alas singko ng hapon hanggang alas kwatro ng madaling araw. Magdadalawang araw pa lang siya ay nakakaramdam na siya ng pagod, kung hindi nga lang kailangan niyang mag-aral habang nagtatrabaho ay hindi niya susuungin at pipiliin ang ganoong trabaho. Hindi naman talaga siya sanay sa puyatan, kahit na nga maraming nag-aalok na Call center sa kanya ay ni isa wala siyang pinapatos. Ngunit nang pumasok siya sa Resto Bar na iyon kasama ang isa niyang kaklase, agad siyang inalok ng trabaho ng isa sa Manager roon. Sapat raw ang mukha niya para sa trabaho kahit hindi siya katangkaran para sa height na 5’2”.
“Oy, Sharon. Pag nakita ka ni Tita Pinky tiyak pagtitripan ka na naman niyon. Insekyura ang Tita mo sa beauty mo.” Inaasahan na niyang magagalit na naman sa kanya ang Tita Pinky nila, ang isa sa may-ari ng Resto Bar. Ito ang baklang tiyahin ng anak ng May-ari o partner nito. May galit nga yata ito sa kanya dahil napili siya ng pamangkin nito na magtrabaho sa Resto Bar.
Twenty Four na siya at isang taon na lang ay ga-graduate na siya sa Kolehiyo. Huminto kasi siya sa pag-aaral at nagtrabaho bilang kahera para sa pagpapagamot ng kanyang inang may sakit. Solong anak lang siya, wala na siyang balita sa amang iniwan sila at pinagpalit sa ibang babae. Kaya halos isumpa niya ang kanyang ama kabilang ng lahat ng Adan sa mundo. Para sa kanya, mga babaero ang mga ito, manloloko at nananakit lang ng damdamin ng iba. Matapos kunin ang pakay ay iiwanan na lang ng mga ito. Kaya sa edad niya ay hindi siya nagtangka o sumagi sa isip niya na maghanap ng nobyo.
Napatayong bigla si Sharulyn, ayaw niyang mapagalitan siya sa trabaho dahil kailangan talaga niya iyon para makapagtapos ng pag-aaral. Kaagad din ay bumalik siya sa puwesto niya para mag-serve sa mga customer na dumadating.
Abala siya sa paglalagay ng order ng isang customer nang dumating ang dalawang boy hunk na takaw pansin at talagang nakatawag ng atensyon ng mga kapwa niya waitress. Natanaw niyang umupo ito sa Bar Counter, sabay-sabay pa ngang lumapit ang tatlo niyang kasamahan.
“Tsk! Kung magpa-cute sa mga waitresses dito, akala naman sobrang mga gwapo.” Napatitig pa siya dahil kambal ang dalawa ngunit namumukod tangi ang isa na napakasimpatiko at umaapaw ang kayabangan sa katawan. Matangos ang ilong nito at may magandang kulay brown na pares ng mga mata, He has also a slight big jaw line that suit perfectly his Chinese-Filipino features. Ba’t nga bigla niyang naisip na chinito ito? Kung sa bagay, may pagkasingkit ang lalaking ito. Kahit pareho pa sila ng suot, hairstyle at ayos, napansin kaagad niya ang pinagkaiba ng mga ito. Pinasadahan niya ng tingin ang kakambal nito, mas mukha itong tahimik at tila nasa loob ang kulo, hamak ring mas madaldal nga ang kakambal nito kaysa sa isa.
“Thank you girls,” sabay kindat pa nito sa mga waitress.
“’Yang pagiging playboy mo ang magpapahamak sa iyo Sky.”
“’Wag mo na nga pakialaman ang kagwapuhan ko. Maiba tayo, totoo bang magaling na si Kuya Lake sa sakit niya?”
“Oo, base sa balita ni Ritz at ni Jowey. You should visit her after she gave birth para hindi ka nangangalap ng balita sa akin.”
“I’m busy in Palau. Alam mo namang ngayon lang ako lumanding uli rito. Paano pala gumaling si kuya, saka ano ang anak nila?”
“It’s a baby boy. It would be treated by mate—compatible mate.”
“Sky, what do you mean by that?”
“Kailangang magtugma ang parehong hormones lalo na kapag nag-occure ang symptoms.”
Napailing-iling si Sharulyn, bakit ba naisipan niyang tumayo roon at halos makinig sa usapang iyon? Eh halos pang medisina ang topic ng mga ito, kahit wala naman sa hitsura ng mga ito ang mukhang doktor. Agad siyang tumalilis at baka may makapansin pa sa kanya, kaya nang tawagin siya ni Reema, lumapit na rin siya. Nakatoka na sa kanya ang kusina at mukhang mas gusto niyang maghugas na lang ng mga plato kaysa ang magpa-cute sa mga customers lalo na ang mga lalaki para batiin ang mga ito.
MWF o Monday, Wednesday at Friday ang pasok niya roon. Malaking pasalamat talaga niya na pumayag ang manager na part time lang siya roon. Hindi niya kaya ang sobrang puyatan lalo pa at may mga subjects pa siyang pinapasukan. Inaabangan na lang niya ang kalahating oras at matatapos na ang trabaho niya.
Wala na roon ang kambal na customer nila, marahil ay umuwi na rin ang mga ito. Bigla siyang natuwa sa kambal, ngayon lang kasi siya nakakita ng kambal na sobrang magkamukha at halos hindi ma-distinguish sa isa’t-isa. But not her—not a kind of a girl she was. Madali lang sa kanyang gawin iyon at bumasa ng tao sa hindi rin niya malamang dahilan, baka abilidad.
Nagpunch-out na siya at lumabas ng Resto Bar. Naglalakad na siya patungong sakayan nang may sasakyang mabagal ang takbo na sumasabay sa paglalakad niya.
Nagbaba ito ng salamin saka siya kinausap. “Hi, Ms. Torregoza. Sakay ka na, Ihahatid na kita pauwi sa inyo.”
Napahinto siya sa paglalakad nang huminto rin ang sasakyan, saka itinapat sa kanya ang bintana. Natanaw niya ang mukha ni Mister Troy Rojas, ang pamangkin at partner ni Tita Pinky sa Resto Bar.
Nginitian niya ang binata. “No, thank you na lang sir. Kaya lang may pupuntahan pa kasi ako.”
“It’s okay, ihahatid kita.”
Sunod-sunod na iling ang ginawa niya. “Huwag na po. Malapit na rin naman ang sakayan ng—“ ngunit nabitin na ang salita niya sa ere nang bumaba ito, umikot saka siya hinila at dineposito pasakay sa magara nitong sasakyan.
“I insist. Don’t worry, hindi ako kumakain ng tao, iba ang kinakain ko.”
Ano daw? Nagkaroon yata iyon ng double meaning sa pandinig niya. Hindi na dapat talaga siya sasama sa lalaking ito dahil wala siyang interes sa kahit sinong lalaki. She was afraid to get hurt, when her life was imprisoned in misery when her Dad left her mom. Ang pag-iwang iyon ang naging dahilan kung bakit nagkasakit ang kanyang ina at nang mamatay ang kanyang ina, naipangako niya sa kanyang ina na hinding-hindi siya magmamahal o magkakagusto sa kahit sinong lalaki.
“I hope this will be the last time na ihahatid nyo ako,” mayamaya ay usal ni Sharon sa kahabaan ng katahimikan nila sa loob ng kotse.
Mabuti na lamang at naka-seat belt siya, kung paano ay diniinan nito ang pagtapak sa gas at nag-over take sila sa isang sasakyan. Hininto ni Mister Troy Rojas ang sasakyan sa isang tabi nang ma-realized kung ano ang ginawa nito. Nangamba yata itong bigla na baka natakot si Sharulyn sa ginawa nito. Sinamantala na niyang bumaba nang makahinto ang kotse.
“I’m sorry. Bye!” pagkuwan ay agad siyang bumaba at tumakbo palayo sa kotse.
NAIIRITANG binuhay muli ni Troy ang kotse, pakiramdam niya manhid ang babae. Ano ba ang hindi nito pwedeng magustuhan sa isang tulad niya? Mayaman naman siya, gwapo, marami nga ang nagsasabi na hawigan niya si Daniel Padilla kahit na Twenty eight na ang edad niya. Matangkad rin naman siya, kahit nasa 5’6’’ lang iyon. Hindi nga lang siya kasing puti ni Sharon. Sharulyn was the most beautiful girl she ever saw. She has a small nice face, small cute lips and her eyes that always twinkle whenever she smiles. Even her figures, she has the curves in the right place. Bulag lang ang hindi makakapansin sa kagandahan niya.
Muli pa siyang nag-over take sa isang kotse para unahan ito. Mukhang mailap ang katulad ni Sharon, kahit ilang beses pa siyang magparamdam ng pagkagusto sa babae. Kinakailangan na yata ng kaunting dahas.
Napansin niyang nagmadali rin ang sasakyan para unahan siya, kaya ang nangyari ay nakipag-unahan na siya sa kotse. Dinikitan niya ito at sinadsad, pasalamat talaga sila at ibang direksyon na ang tinatahak ng sasakyan nila kung hindi ay paniguradong hinarang na sila ng pulis at hinuli.
Natauhan rin sa wakas si Troy nang maisip ang maaaring kahinatnan sa pagiging padalos-dalos niya. Kaya siya na mismo ang umiwas sa kotse at hinayaan na ito na magmaneho nang mabilis.
***********
Nagpanting ang tainga ni Sky nang mag-ring ang kanyang phone, hindi tuloy niya napansin na wala na ang nagmamaneho ng itim na land cruiser na tinapat pa talaga ng kung sinong driver sa gamit niyang sports car. Sigurado talaga siyang matatalo niya ito dahil wala itong panama sa bilis ng sasakyan niya.
Wala sana siyang balak sagutin, dahil tiyak isa na naman iyon sa mga babaeng naghahabol sa kanya. Ilang beses pa ba niyang kailangan magdahilan para takasan ang mga ito? Kasalanan talagang maging gwapo—isang malaking kasalanan.
Dinampot niya ang phone at saka sinaksak sa tainga ang wireless earphone. “Hello, Jowey. Bakit ka napatawag?”
“Pwede ba akong makisuyo, bantayan mo muna si Light Gabriel. Nasa bakasyon pa kasi ang Yaya niya. Ang kuya mo naman busy sa opisina. Kailangan ko kasing puntahan ang expansion office para sa Business namin. Wala naman akong pwedeng pakihan. Si Cloud nasa Cruise, si Ritz naman nasa ibang bansa.”
“Hao de, Hao de” sabi nito sa chinese na ang ibig sabihin ay (Alright!) “I don’t have any excuses. Don’t worry, pabalik na ako.”
Inaasahan na niyang dalawang bagay lang ang itatawag sa kanya ng mag-asawang Lake at Jowey, kung hindi tulong, minsan naman ay kuntsaba. Napipilitang iniliko na ni Sky ang kotse nang may mapansin siyang babae na nahihirapang tumayo. Agad siyang bumaba ng kotse na hindi pinapatay ang makina. Patakbo niyang pinuntahan ang babae saka lumapit rito at inalalayan ito.
“Miss, are you okay?”
Napatingala ito sa kanya, bahagya pa ngang kumurap ang mata nito na tila nasilaw sa kagwapuhan niya.
“S-salamat. Nagugutom na kasi ako k-kaya ako natumba.”
Inalalayan niya itong tumayo. “Samahan ko na kayo. Ako na ang manlilibre sa inyo,” sabay kindat niya.
Lumiwanag ang mukha ng babae na tila nabuhayan ng loob. Dahan-dahan itong tumayo at nagkunyapit sa braso niya. Tantiya niya ay nasa mid forties na ito, nanghihina at mukhang ilang araw ng hindi pa kumakain.
Nahabag siya ng husto sa babae kaya walang pag-aalinlangang dinala niya ito sa mamahaling Restaurant at pinakain, pinagbalot pa niya ito at balak pa sanang ihatid sa bahay nang tumanggi na ang babae.
“Ate, paano ka uuwi sa inyo?”
“Tama na ito.” Ipinakita nito ang paper bag habang nagniningning pa ang mga mata saka dumighay. “Sorry,” paumanhin nito sa pagdighay. “Salamat hah. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ako makakatikim ng pagkain. Dadalhin ko pa ito sa mga bata.”
“Sapat na po ba iyan?” napanguso siya sa bitbit nito.
“Oo naman. Sobra-sobra pa. Ipagpatuloy mo ang kabutihan mo. Darating ang araw na may gantimpala kang makukuha at hindi materyal na bagay. Isang bagay na ipaglalaban mo sa lahat at poprotektahan. Sige, aalis na ako.”
Dumating naman ang Waiter at kinuha niya ang bill saka nag-iwan ng pambayad. Nang lingunin niya ang babae ay wala na ito sa kinatatayuan nito. Bahagya pa niyang ginusot ang mga mata dahil baka namamalikmata siya. Pero napakaimposible dahil nahawakan niya ang babae. Bigla tuloy gumapang ang kilabot sa katawan niya at nanlalamig na pumasok sa kotse. Pakiramdam niya isang espirito ang tinulungan niya kaya bigla itong nawala.
Nagmadali na lang tuloy siyang makarating sa bahay ng nina Jowey dahil sa kakaibang kilabot na naramdaman niya.
“Mabuti naman at umabot ka pa. Akala ko eh napano ka na.”
Kinuwento niya rito ang nangyari kanina, mahina namang tinawanan lang siya ni Jowey. “Baka ginagantihan ka na ng fate dahil sa pagiging playboy mo. Flavor of the week ka pang nalalaman ha.”
“Do you think it’s creepy na bigla na lang siyang nawala?”
Napailing-iling ito na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. “You better take my son. Don’t worry I will come back home fast as I am. And I’m sure hindi ka naman mahihirapang alagaan iyan, dahil sanay ka na sa mga bata.”
Bukod rin kasi sa pagtulong sa mga taong nasa paligid niya, ugali niyang pumunta sa bahay ampunan at tumulong hindi lang sa pagdo-donate kundi pati na rin ang pag-aalaga sa mga ito. Malapit na nga yata siya magtayo ng Charitable Organization dahil sa kakaiba niyang hilig sa buhay. Kung hindi lang niya tinanggihan ngayon ang paglipad patungong Finland bilang isang Pilot, hindi sana niya mae-encounter ang mga ganitong bagay. Wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili niya.
Karga na ni Sky habang nakahele ang pamangkin nang mag-ring ang phone niya. Pangalang Gladys ang rumehistro sa cellphone niya. Isa ito sa mga babaeng pinagtataguan niya—isang self proclaimed girlfriend daw kuno niya at ayaw ng may kahati. Devastated at obsess na sa kanya at ang nakakatawa ay gusto na siya nitong pakasalan. Problemado tuloy siya kung paano tatakasan ang babae.
“Hello Babe. Tinataguan mo ba ako?” nag-iinarteng tanong nito.
“Hindi ah. Ba’t mo naman nasabi iyan?”
“Why I can’t reach you? Busy pa palagi ang phone mo.” Bigla tuloy siyang nagsisi, sana pala tinaggap na lang niya ang flight kahit nakaka-toxic.
“Kasi nga busy ako. I have work to do. Like now.”
“Eh kailan pala tayo magkikita?” maarteng tanong nito.
“Let’s meet tomorrow night. May surprise ako sa ‘yo. Hindi na kasi ako makapaghintay na makasama ka habambuhay,” kabaliktaran talaga iyon sa nais niyang sabihin. Itinulak lang ng dila niya ang mga salitang iyon.
Kilig na kilig naman ang nasa kabilang linya nang patayin na niya ang phone.
Iyon lang ang mahirap lalo na pagna-hook na sa kanya ang mga babae niya. Kailangan na talaga niyang wakasan ang panggugulo at pangangarap ni Gladys para matahilk na siya at maisalba na ang natapakan niyang pagkatao.
Kailangan na niyang pagplanuhan ang nalalapit na pag-alis ni Gladys sa buhay niya.