=DISCLAIMER=
©2021 KISS DISORDER SIBLING Series 2: Lander Sky Gohtencee written by JL Dane
All rights reserved. This is a work of fiction. Names, places, businesses, characters, and incidents are either the product of the author’s imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, actual events or locales is purely coincidental. PIRATING CONTENT IS ILLEGAL: If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law.
Please follow/subscribe, comment, and add this to your library.
***************
PAKIRAMDAM ni Sharulyn lumakas ang aircon nang pumasok ang matangkad na lalaki pagkabukas pa lang nila ng Resto Bar. Nag-uunahang lumapit ang mga kasamahan niyang waitress para pagsilbihan ang lalaking bagong pasok. Pamilyar sa kanya ang pigura nito lalong-lalo na ang aura nito.
Dumukot ito ng kapirasong papel at sumulat ng numero. “Call me later, Baby.” Sabay kindat nito sa kasamahan niyang waitress.
Para naman itong nangisay sa sobrang kilig. Bakit ba lahat ng mga babaeng nakakakita rito ay halos himatayin sa sobrang kilig? Bakit ba lahat sila ay nagagwapuhan sa kanya? Hindi niya mapigilang maisip.
Sa kabilang table ang serving niya, kahilera ng lalaki ang table na sini-serve niya kaya hindi maiwasang mapasulyap siya rito. Nagsisi tuloy siya kung bakit sumulyap pa siya, bigla ay nakatikim siya ng kindat mula sa lalaking umaapaw hindi lang sa kagwapuhan kundi sa kaangasan.
Umasim tuloy bigla ang mukha niya saka iniwasan ito ng tingin. Pinagtuunan na lang niya ng pansin ang pagse-serve sa dalawang magka-date na tingin niya ay may lahing Spanish features lalo na nang marinig niyang magsalita ito ng palagay niya ay Spanish.
“Hey Lady, what are you waiting for? Go get our order,” mariing sabi ng babaeng kasama ng lalaki.
Napakunot siya ng noo dahil wala naman siyang narinig na binanggit ng mga ito na order o masyado lang na-focus ang utak at mga mata niya sa lalaking iyon.
“Ma’am, please forgive me, but you haven’t tell your orders yet,” mahinahong sabi niya.
“What?” halos mag-isang kilay ang pagkakakunot ng noo ng babae. “Idiota! Eres estupido y no nos escuchas? (Are you stupid and not listening to us?)”
“I’m sorry Ma’am sir. I will take your orders again. Sorry for the inconvenience,” nakikiusap na sabi niya na nagpasalin-salin ang tingin sa magkapares.
Tumayo ang babae at hindi na niya namalayan ang sumunod na ginawa nito. Halos manigas siya sa kinatatayuan niya nang ibuhos ng babae ang isang basong tubig sa ulo niya. Nanigas ang katawan niya dahil buo pa ang mga yelo roon.
“You don’t deserve to be a crew here. Ellos son una perdida de tiempo de tal manera que en lugar de asistir al cliente esta haciendo flirteo, (Nag-aaksaya lang sila ng panahon sa katulad mong sa halip na customer ang inasikaso ay paglalandi sa iba ang inaatupag).” kasunod nang may sinabi na naman itong hindi niya maintindihan.
Napayuko na lang siya at tinanggap ang lahat ng sinasabi nito na hindi niya maintindihan, hanggang sa napaangat siya ng mukha nang umangat sa ere ang kamay nito para akmang sasampalin siya ngunit tumigil rin sa ere. Hawak na pala ng lalaking sinulyapan niya kanina ang kamay nito.
“Usted no tiene derecho a poner las manos sobre los empleados aqui, incluso un cliente. Hazlo entonces te demandaran despues, señora (Wala kang karapatang pagbuhatan ng kamay ang mga empleyada rito kahit pa customer ka. Do it then they will sue you after, Lady.)”
Napanganga siya dahil naiintindihan ng lalaki ang lengwahe ng mga ito at nakikipagsabayan pa ito sa babae.
Napaawang ang bibig niya nang humarap ang dalawa sa kanya at humingi ng sorry sabay bira ng layas ng dalawa dahil sa pagkapahiya. Namamanghang napatingin siya sa lalaki.
“I can speak and understand different language, if you’re about to ask,” maangas na bulalas ng lalaki sabay kindat na naman sa kanya. May sakit kaya ang mata nito at nawiwili sa pagkindat?
“Bakit mo ginawa iyon? Hindi ko naman hiningi ang tulong mo,” lakas loob na sabi niya rito.
“Because I need your help in exchange from what I did,” sabi na nga ba at tama ang hinala niya na may kapalit pang iba ang ginawa nitong pagtulong sa kanya. “It’s not really a big deal but I just want you to serve us with my girlfriend. Parating na rin siya. Gusto ko lang na ikaw ang mag-serve sa amin mamaya. Kung hindi naman malaking bagay sa iyo.”
Iniwasan niyang tingnan ang mga mata nitong tila nang-aakit at hinihila ang katinuan niya.
“O-okay sir. Thank you na rin kanina,” iyon na ang nasambit niya nang mapansing nakatingin sa kanya ang Tita Pinky nila at salubong na naman ang kilay nito.
Ginawa na lang ni Sharon ang pinagawa sa kanya ng lalaki na hindi naman talaga kalabisan. Muntik pa nga siya makatikim ng kurot sa baklang si Tita Pinky dahil nakikipag-flirt daw siya sa mga customer kaya maraming babae ang umaaway sa kanya. Pasok sa kabila, labas sa kabila, ganoon na lang ang iniisip niya para hindi niya damdamin ang mga maaanghang na salita ng bakla.
Dumating rin kinalaunan ang babaeng sinasabi ng lalaking nagtanggol sa kanya. Sopistikada mula ulo hanggang paa, hapit na hapit ang suot na damit na bumagay naman sa makurba nitong katawan. Kahit pa halos lumuwa na ang dibdib nito at naglalaway na ang mga kasamahan niyang waiter na napapatingin rito, ngunit hindi niya nakitaan ng ganoong aura ang lalaking boyfriend nito. Wala siyang mabasang paghanga sa girlfriend nito, madalas pa nga itong umiiwas ng tingin sa babae. Saka lalampas iyon patungo sa kanya. O baka naman nagha-hallucinate lang siya?
Sharulyn serves the food that the man ordered her to take on their table. She did what he actually says. Tumayo lang siya roon habang nagmo-monologue ang lalaki.
“Gladys, I know everything comes to an end. Hindi ko kayang saktan ka,” kasunod ng pagtayo nito saka inilabas ang isang singsing sa maliit na itim na kahon. “But you deserve to..” Niluhod nito ang kabilang paa.
Lumipad tuloy sa hangin ang mga masasamang bagay na naiisip niya sa lalaki. Indeed he’s really a romantic guy. Pakiramdam niya nasa fairytale siya—nanonood ng fairytale stories ng dalawa.
He contined and facing her. “Marry me, Sharon,” banggit nito na tinapos ang naiwang linya.
Ngingiti na sana siya nang ma-realized na pangalan niya ang sinabi nito. Nagtatanong na napatingin siya sa lalaking nakaluhod pa rin ang kabilang binti at kinukuha na ang kamay niya na hindi niya namamalayang nasuotan na ng singsing.
“Oh my god!” narinig niya pa ang kanya-kanyang bulungan sa loob ng Resto Bar.
Tumuon sa kanya ang babaeng ka-date nito. “Wala na ba talagang pag-asa, Sky?”
Tumayo ang tinawag niyang Sky. “I’m sorry, Gladys. But I already found a new one. My flavor of the year.” Flavor what? May mali yata sa nangyayari.
“It’s okay. Baka nga nabubulagan rin ako. Anyways, have a happy year end relationship. Good bye!” pagkasabi’y agad nagtatakbo ang babae palabas sa Resto Bar.
Nagpalakpakan naman ang mga naroroon na akala ay totoo nga ang mga nangyayari. Tiningnan siya nito na parang sinasabing ‘wala itong magagawa’. Naipon na bigla ang inis niya lalo na nang walang paalam na hinalikan siya nito sa kanyang labi. Isang malakas na sigawan ang naririnig na niya matapos na iwan nito ang labi niya kasabay ang panggagatong ng mga naroon.
Agad niyang hinila palabas ang lalaking nagngangalang Sky. Hindi pwedeng doon niya gawin iyon, dahil tiyak matatanggal siya sa trabaho. Nakalabas na sila ng Resto Bar at ilang dipa na ang paghila niya sa lalaki.
“Ba’t mo ginawa iyon? Wala naman sa usapan natin na hahalikan mo ako?”
“Is that your first kiss?” nanunuyang tanong nito sa kanya. Hindi siya nakasagot kaya lalo itong nag-assume. “I guess it is.”
Sa inis niya ay sinampal niya ito. Kumulong bigla ang dugo niya sa lalaki. Nasira na ang imahe niya, ninakawan pa siya ng halik ng animal.
Mukhang hindi naman ito ang tipo ng lalaking nagpapatalo dahil iniangat nito ang sariling ulo at nanunukat na tiningnan siya. “Alam mo bang wala pang babaeng nakakasampal sa akin?”
Napangisi siya sa lalaki. “Huh! Bumenta na ‘yan. Wala bang bago?”
“Meron ito,” napaatras siya nang dahan-dahan siya nitong nilapita. “Kapag nadala kita sa ikapitong glorya tingnan ko lang kung magsungit ka pa. Minamaliit mo yata ang kakayahan ko. Baka hindi mo kayanan pagnakita mo ang alaga ko—Ouch!”
“Bastos ka! ‘Buti nga sa iyo! Pervert narcissist!”
Bago pa ito tuluyang makaporma sa kanya ay agad na niyang natuhuran ito at nadale niya ang pagitan ng hita nito. Kitang kita niyang namilipit ito sa sakit. Nagtatakbo na siya palayo sa Manyakis at pervert na lalaking iyon. Hindi talaga siya dapat kaagad nagtitiwala sa mga ito. Lalo na ang ganitong hitsura, gugulangan lang siya. Nginisihan niya ito nang sumulyap ito sa kanya—ngising nakaisa.
“Ako yata ang minamaliit mo. Pwes, sa susunod na magkikita tayo at ipagmamalaki mo na naman iyang pinagyayabang mo, hindi ko lang babasagin iyan, gagawin ko pang scrambled egg. Hmp!” sabay bira niya ng layas at kaagad na pumasok sa Resto Bar.
NAMIMILIPIT na salo pa rin ni Sky ang pagitan ng hita niya. “s**t! Napisa yata ‘yong binasag niya. Huwag naman sanang maging sisiw. Double s**t! Ang sakit..” sa kabila ng sakit nagawa pa talaga niyang magbiro.
Talagang nadale nga nito ang precious thing niya dahil hirap na siyang maglakad para puntahan ang sasakyan niya. Hindi tuloy niya alam kung paano magmamaneho. Ito ang napapala niya sa mga ginagawa niyang kalokohan at pagtakas sa mga babaeng naki-cling sa kanya. Hindi naman niya akalaing sadista ang isang iyon at may lahing Amasona. Galit yata sa mga lalaki ang isang iyon. Kamalas-malasan naman niyang Adan at maling Eba ang natapat sa kanya. Kung bakit naman kasi ngayon pang kailangan niya ang tulong ng kakambal ay wala ito at nasa cruise pa rin.
Kinakailangan na nga yata niya magpahinga sa pagiging playboy at pagtuunan na lang ng pansin ang pagpapalipad ng eroplano bilang isang piloto. Kinuha niya ang cellphone sa dashboard at pinindot ang numero ng driver nila. Wala siyang wisyo mag-drive, mukhang kailangan pa yata niya magpadala sa pinakamalapit na Hospital.
“Oo, bilisan mo. Hindi ko na talaga kaya. Salamat,” pagkatapos makausap ay agad niyang pinatay ang phone. “Damn! Sharon.. what a beautiful name but with fierce ugly attitude. May araw ka rin sa akin. Hindi ko palalampasin ang ginawa mong ito. I will make sure, you will fall to my precious hand and my precious body,” kasabay ang pagngisi kahit napapangiwi pa rin.
Mukhang pinarurusahan na siya sa pagiging playboy niya at pinadala na ni Demi-God ang babaeng magpapatino sa kanya. But he will make sure she’s not that woman. No one will make a Lander Sky Gohtencee to fall for a woman, deeply hard.
Makalipas ang sampung minuto ay dumating rin ang tinawagan niyang driver na si Mang Badong. Mabilis na binuksan niya ang pinto sa driver’s seat at hinayaan itong mag-drive.
“Okay lang kayo sir. Pawisan kayo at namimilipit sa sakit.”
“Bring me to the nearest Hospital, ASAP,” natahimik na lang siya at bahagyang hinihilot ang napisang itlog.
Kung hindi lang sa angkin niyang kagwapuhan ay walang mag-aabalang lapitan siya sa loob ng Hospital. Mabilis na sinakay siya sa Strecher nang makarating sila sa Hospital. Pawisan at namimilipit pa rin siya sa sakit.
Pagdating sa private room ay dumating ang nagngangalang Doctor Carvajal, E. A. D. ayon sa nakasaad sa name plate nito.
“What happened sir?”
“S-someone kick.. my ass and c-crack my.. egg,” nakangiwi at hirap na hirap niyang sagot.
Nagtago ng ngiti ang doktor na titingin sa kanya. Inaasahan na niyang matatawa ito dahil hindi ordinaryong emergency ang ipinunta niya roon. Doon na siya nagsimulang magsungit.
“A-are you going to laugh or treat me instead?” lakas-loob na tanong niya sa pobreng doktor.
“Okay sir, just calm down.”
Agad na tinawag nito ang nurse at may mga pinakuha na hindi sa kanya pamilyar. Gagamutin na nga siguro siya nito. Dalawang nurse ang nag-assist sa doktor saka pinahubad ang mga pang-ibaba niya para magsagawa ng check-up.
Naka-face masks ito habang nagsasalita. “Mister Gohtencee, mapalad ka at hindi naging sisiw ang precious egg mo,” pagbibigay balita nito.
Ngalingaling gusto niyang saksakin ito ng injection oras na mahawakan niya iyon lalo na pag inasar na naman siya nito.
“You’re okay now, Mister Gohtencee. Nothing is damage and I assure you na hindi naman masisira ang kaligayahan mo, makakabuntis ka pa rin naman.” Inabot nito ang injection saka itinapat sa braso niya. “I will inject a pain killer in case you still feel the pain.”
Nang maramdaman niyang tumalab ang pain killer, umaliwalas na ang mukha niya. “T-thank you,”
Nang makalabas na ang mga sumuri sa kanya kabilang ang doktor ay pinatawag niya sa labas ng kwarto ang driver na si Mang Badong. Pinakuha niya ang cellphone, kailangan niyang magsumbong sa kakambal nang makahingi ng tulong at mai-rescue siya sa abot-abot na kahihiyan.
Naiiritang dinial niya ang phone ng kakambal para makausap ito. Himala namang nasagot nito ang phone, marahil ay hindi ito busy o kaya ay tapos na ang cruise nito dahil may signal na rin. Kaagad niyang kinuwento ang mga nangyari nang marinig niya ang boses ng kakambal na si Cloud.
“Iyan ang napapala ng playboy na kagaya mo. You shouldn’t play any woman’s heart. Tiyak malaki ang balik sa iyo. I already told you,”
“Wo zhidao, wo zhidao (Alam ko, alam ko). Dan zhe shi ta de cou. Wo zhishi wen ta de bangzhu (But it was her fault. I just ask her help).”
“Welle shenme? (For what?)”
Dito na niya inilahad ang dahilan. Kung magkaharap lang siguro silang dalawa, nakatikim na siya ng batok sa kakambal na si Cloud.
“Huwag ka nang magtaka kung iyan ang napala mo.”
Minsan talaga may sayad ang kakambal niyang ito dahil hindi man lang siya magawang kampihan.
“I know what’s on your mind Sky. Just drop it. Huwag mo na siyang pag-aksayahan ng panahon,”
“Tol, ego ko ang tinapakan niya. Ego ko ang usapin dito.”
“Bakit, may nakakita ba?”
“W-wala. Pero sinaktan niya ang ego at ang precious birdie with my egg.”
“Hao de hao de (Okay, okay) Bahala ka. Pero kung higit pa riyan ang mapuntahan mo, don’t tell it to me again, otherwise I might laugh at you.”
“Kahit kailan masama talaga ang ugali mo. Xiexie (Thank you) Bye!”
Naiiritang pinatay na niya ang phone, kahit kailan ay wala siyang mapapalang matino sa kakambal. Ngunit itutuloy pa rin niya ang planong gumanti at may mabigat na planong naglalaro sa isip ng binata.
“Abangan mo lang, Miss Sharon. Wo bu hui rang ni taotuo wo de chengfa (I will not let you escape my punishment).”