LSG 5:

2556 Words
NABABALIW na nga yata si Sky dahil sa mga pinagsasabi niya. Tama nga yata ang kakambal niyang si Cloud. Kapag tinamaan ni Kupido ang katulad niyang playboy nagiging karma ang balik nito. Pahirapan tuloy siyang kunin ang puso ni Sharon. He was wondering if that girl had a bad experience over man. Kung bakit ganoon ito sa mga lalaki. Sharon was aloof, although she was likable and he admits he was attracted from the first sight. At ang attraction na iyon ay hindi niya akalaing tutubo at bubunga ng ganito. Nakatambay lang sa labas ng bahay nina Sharon si Sky, inaabangan niya kung lalabas ang dalaga. Balak niyang ayain itong makipag-date. Gusto na nga sana niya isiping naglalaro pa rin siya, ngunit tuwing nagkakadikit ang presensiya nilang dalawa, may kakaiba siyang nararamdaman. Gusto niyang malaman kung in-love nga ba talaga siya o lust lamang iyon. Agad bumaba si Sky mula sa kanyang Big Bike, nakita kasi niya ang isang may edad na babae na hirap na hirap sa pagbubuhat ng mga pinamili nito. Agad niya iyong dinaluhan. Patakbo niyang tinungo ang pwesto ng babae, pitong bahay pa ang layo mula sa bahay nina Sharon. “Ale, tulungan ko na po kayo. Saan ba ang bahay nyo at ihahatid ko na kayo?” Napahinto ang babae at matamang tinitigan muna siya. “Naku, salamat. Hindi kasi pumapasok sa loob ng subdivision na ito ang tricycle na sinakyan ko. Balak ba naman ako singilin ng singkwenta pesos,” reklamo pa ng ale habang ibinibigay sa kanya ang dalawang recycled bag. “Ako na rin ho diyan. Malakas ito, kayang-kaya kong dalhin lahat ng iyan.” Tiningnan muna siya ng babae, sinusukat kong mukha ba siyang masamang tao. “Sa tingin ko naman ay hindi ka naman magnanakaw o biglang itatakbo ang mga pinamili ko, ano?” Bahagyang tumawa si Sky. “Halata po ba? Nakakahiya naman,” saka sinabayan uli ng mahinang tawa. “Komedyante ka. Pero alam mo,mister. Nakakagaan ka ng loob.” Napilitan na rin ang babae na ibigay sa kanya ang lahat nitong mga dalahin. “Mabuti naman ho at nakuha ko ang tiwala nyo. Baka kasi maniwala kayo na masama akong tao.” Ito naman ang bahagyang ngumiti sa kanya. “Sabihin mo lang kung nahihirapan ka na. Tingin ko kasi hindi ang tipo mo ang sanay magbuhat ng—“ “Naku, hindi ho. Alam nyo ba, ginagawa kaya kaming alila ng parents namin. Pinagbubuhat nga kami ng sako ng bigas, pinagpapala at pinabubuhat ng mga paso sa bahay. Kaya sanay na sanay ako sa weight lifting. Ganoon kasi kabait ang parents namin, lalo na si Mommy. Kapag galit iyon, isang drum ng tubig ang gusto niyang buhatin namin para magtanda kami.” Ngayon ay tuluyan ng natawa ang babae sa kanya. “Naughty ka siguro kaya pinarusahan kayo ng nanay nyo. Pero grabe iyon ah, nakakaya nyo iyon?” “Oo naman ho. Sabi kasi ni Mommy, pinaglihi niya kami kay Superman kaya kayang-kaya namin ang kahit na ano.” “”Mister, dito na ako. Salamat sa pagbitbit mo ha.” Huminto rin si Sky at pinaliguan ng tingin ang harapan ng bahay na pinaghintuan nila. Hindi na lang siya umimik nang malamang iyon ang bahay ng babaeng gusto niyang ligawan. Pagkakataon nga naman at sinuwerte pa siya ngayon. “Hindi ka ba nauuhaw? Pumasok ka kaya muna?” Pinaunlakan na rin ni Sky ang sinabi ng babae. Pagdating sa loob ay pinaupo na siya ng babae. “Stella nga pala ang pangalan ko. Pwede mo ako tawaging Tita Stella.” “Naku, sobra namang close ang Tita. Okay lang ba sa inyo na tawaging ko kayong Tita, samantalang ngayon nyo lang naman ako—“ Iwinasiwas nito sa ere ang kamay bilang pagtutol. “Alam mo, madali kong nalalaman kung ,mabuti ba ang isang tao, hindi lang sa ugali, kundi sa kaanyuan.” Biglang sumagi sa isip niya si Sharon, wala silang pinaag-iba ng dalaga. Gaya nito madali rin nito nadi-distinguish ang pinag-iba ng mga tao by way of looking and assessing it. “Ako nga pala po si Sky, Sky Gohtencee.” Inabutan siya nito ng isang basong orange juice. “Napaka-unique naman ng name mo.” “May saltik lang talaga ang nanay ko nang ipanganak ako.” Muling natawa sa kanya ang babae. “Salamat sa orange juice, Tita. Masarap ang pagkakatimpla.” Tumayo na rin siya. “Mauuna na ako. Baka magluluto pa kayo ng pananghalian.” “Gusto mo bang dito ka na lang mananghalian?” Hindi na tumanggi si Sky, isa pa ay nakakaramdam na rin siya ng gutom. Hindi rin naman siya nakatiis, tumulong na rin siya kay Stella sa paghahanda at pagluluto. Nagluto ito ng Chicken Curry at Adobong baboy. Dahil nagpumilt siya, hinayaan na siya ni Stella na lutuin ang adobong baboy. Namangha pa nga ito nang malamang marunong itong magluto dahil wala raw sa hitsura nito ang marunong magluto o kahit ang gawaing bahay. Hindi naman kasi ang tipo ng mga Gohtencee ang tumatambay lang sa bahay lalo na sa kanilang ina. Ayaw ng kanilang ina na maging palaasa at hindi marunong sa sariling mga kamay. Paano raw kung makakilala sila ng babaeng hindi marunong ng kahit anong gawaing bahay, sino na lang daw ang gagawa ng mga iyon? Hindi naman sila pwedeng umasa lang sa katulong, iba pa rin daw pag sila mismo ang kumikilos. Nang matapos sa paghahanda, inalatag na ni Stella ang mga pagkain sa dinning, habang nakaalalay naman siya. “Naku, salamat talaga sa iyo Sky. Matitikman ko tuloy itong niluto mong adobo.” “Wala iyon, Nakalibre pa nga ako ng kain eh.” Nang may kumatok sa labas, agad tumayo si Stella. Muli namang pinasadahan ni Sky ang kabuuhan ng bahay nina Sharon. Studio type na may dalawang kwarto at may maliit na pinto para sa isang CR. Katumbas ng buong bahay ang isang CR nila sa Mansion. Hindi katulad ng kakambal niya, mas ugali niya makihalubilo sa mga simpleng tao, marami ring nagsasabing hindi siya mahirap pakisamahan. Napatayo si Sky nang makita ang bagong dating. Nakita pa niyang nagmano ito sa tinawag na Stella. Katulad niya, nanlalaki ang mga matang nakatingin ito sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?” pagtatakang tanong ni Sharon. “Teka lang Sha, kilala mo ba siya?” Sabay na sumagot ang dalawa, HINDI kay Sharon at OO naman kay Sky. Napapakamot tuloy sa ulo si Stella. “Actually Tita, magkakilala talaga kami.” Pinanlakihan ni Sharon ng mga mata si Sky. “Ano ba talaga, magkakilala ba talaga kayo?” “Nanliligaw po ako kay Sharon,” lakas-loob na sabi ni Sky. Nilapitan na siya ni Sharon at tinakpan ang bibig niya, too late dahil narinig na ng tita Stella nito ang sinabi niya. “T-totoo ba ang sinabi mo?” “God!” parang gusto tuloy siyang sapakin ni Sharon at sipain sa labas. Tumawa ng peke si Sky saka tumuon kay Stella. “Syempre naman nagbibiro lang ako.” Bigla tuloy siyang pinalo ni Stella sa likuran niya. “Kahit kailan mapagbiro ka talaga. Pero paano nga kayo nagkakilala nitong pamangkin ko?” PInandilatan muna ni Sharon ng mata si Sky na tila isang warning sa mga dapat niyang sabihin. “Sharon, magbihis ka muna at kakausapin ko lang muna itong si Sky.” GUSTO ng madaliin ni Sharon ang pagbibihis. Nakahinga pa nga siya ng maluwang kanina nang sabihin ni Sky na nagbibiro lang ito. Tiyak malalagot siya sa tita niya, dahil kahit kailan ay wala pa siyang ipinakilalang manliligaw at dinala sa bahay. Wala rin ni isang naglalakas-loob na manligaw sa kanya lalo na pag tita na niya ang pumapagitna. Hindi lang alam ng mga ito kung paanong nagta-transform maging dragona ang Tita-ninang niya kapag may salitang Ligaw. Lalo siya sinalakay ng kaba, huwag lang talagang madudulas ang mokong na iyon at ora mismo at sisipain niya ito palabas ng bahay nila. Ngunit nang lumabas siya ng kwarto ay dinig niya ang malakas na tawanan, pumapailanlang pa ang boses ng tita niya na tila tuwang-tuwa sa kanya. Napapakamot sa ulong naupo siya sa tabi ng Tita niya. “Mukhang makakasundo ka naman pala namin, Sky. Isa pa ay nakakagaan ka naman kasi ng loob.” Matalim na tiningnan ni Sharon si Sky, hindi pa rin siya kumbinsido kung paanong nakuha ni Skya ang loob ng Tita-ninang niya, samantalang aloof din ito sa mga lalaki at hindi ang tipo ng nakikipagkaibigan sa mga lalaki. “Tita-Ninang, kakaiba yata ang adobo mo ngayon. Masarap naman.” Umiling-iling ang tita niya. “Naku, hindi ko niluto iyan. Luto iyan ni Sky. Hindi ko alam na magaling pa lang magluto ang batang ito.” Tumuon ito kay Sky. “Siguro pinagluluto mo rin ang asawa mo, ano?” Bahagyang tumawa si Sky. “Wala po akong asawa o nobya. Single na single but already taken.” “Taken?” naguguluhang tanong ni Stella. “May nakabingwit na po kasi ng puso ko. Kaso ang babaeng ito ay sobrang ilap at hindi daw siya nagpapaligaw kahit na ano pang gawin ko.” “Naku, tanga lang ang babaeng hindi magkakagusto sa iyo, ano. Mukhang hindi ka naman mahirap magustuhan. Kung sino man ang babaeng iyon, mukhang kailangan muna niyang makatikim ng sampal at sabunot para matauhan,” litanya ng kanyang tita-ninang. Napaubo si Sharon sa narinig niya. Agad namang dinaluhan siya ng tita niya at inalok ni Sky ng tubig. “Abay magdahan-dahan ka kasi. Alam kong masarap talaga ang luto ni Sky, pero huwag naman magmadali.” Ngingiti-ngiting bumalik ng upuan si Sky. Talagang umaayon sa hinayupak nito ang pagkakataon. Ginayuma na nga yata ng kakisigan nito ang tita niya. “Talaga ba tita na hindi ako mahirap magustuhan? Paano kung mayroon pala akong madilim na nakaraan? Or hindi kaya may bagay na nakakaturn-off sa akin?” “Alam mo Sky, oo, bulag lang ang babaeng hindi ka magugustuhan. Pero kahit bulag may malilinawan kung nakikita naman ang busilak mong kalooban. Hindi naman talaga mahalaga ang kaanyuan ng isang tao, ang mahalaga ay ang puso, kalooban nito at kung gaano ito kasinsero.” “Tita-Ninang, bigla yatang nagbago ang saloobin mo sa mga lalaki?” Tumawa ng peke ang tita niya dahil sa pambubuska niya. “H-hindi naman. Actually, iyan din ang akala ko. Akala ko, masama talaga ang mga lalaki. Pero nabubulagan nga lang yata ang isang tao kung hindi niya nilalaliman ang tingin sa pagkatao ng isang tao. I thought it for many years hanggang sa ito tumandang dalaga na lang ako. Siguro kung wala si Sharon sa tabi ko, baka sisingsisi na ako sa buhay ko dahil hindi ako nag-asawa. Masyado kasi akong demure at fragile noong panahong iyon. Tumuon lang ako sa isang lalaki, hindi ko alam na may mga lalaki pa palang mag e-exist kagaya nitong si Skya.” “Malay natin kung nagpapanggap lang iyan at may ulterior motive,” saka pa pinaikot ni Sharon ang mata niya para iwasan ito ng tingin. “Paano naman kung seryoso talaga?” sansala ni Sky na hinuli ang tingin niya “Malay mo, pakitang tao lang,” muling kastigo niya. “Paano naman kung sinsero at totoo sa sarili?” ani Sky. “Malay naman kung may gusto lang makuha,” pambabara niya. “Paano naman kung hindi lang iyon?” muling tanong ni Sky at ayaw rin talagang magpatalo. “Malay naman natin kung ningas kugon lang.” “Paano naman kung mabait talaga siya at mula simula ay gusto niyang manatiling ganoon?” Nakaramdam na ang tita Stella sa mga palitan nila ng salita. “Hindi pa ba kayo nag-aaway sa lagay na iyan? Abay parang may tinutumbok na kayo ah,” “Naku Tita-ninang, wala ah. Siguro naiinip na itong bwisita, I mean bisita natin, ‘di ba Sky, gusto mo ng umuwi?” “Hindi nam—“ “’Di ba?” pagdidiinan niya saka nginitian ito ng sarkastiko. “Ah oho. Sige, Tita. Magpapaalam na ako. Salamat sa lunch, sa uulitin.” Sabay tayo ni Sky na tinanguan lang ni Stella. Tumayo na rin si Sharon. “Ta, hatid ko lang siya.” Hinatid ni Sharon si Sky hanggang labas ng bahay nila. “Paano kayo nagkakilala ng Tita ko?” “Gusto mo bang malaman? Don’t worry ikukwento ko pa, later baby. 8pm at Dawn Tobirio Park,” sabay kaway nito bilang pagpapalam at binirahan ng sakay sa Big bike nito. “Teka lang!” Kahit pa anong sigaw niya ay mukhang hindi na nito narinig iyon. Sinadya yata ng mokong na hindi siya pakinggan. As if naman na papayag siyang makasama muli ito nang sila lang dalawa. Pwede naman niyang tanungin ang kanyang tita. Hindi na niya balak pang problemahin iyon dahil may dalawa na siyang problema. Wala pa rin kasi siyang mapapasukang pag-o-ojt-han. Hindi naman pwede sa Resto Bar, isa pa ay nakakapuntos na siya roon dahil sa away nila ni Sky at ni Mister Troy Rojas. Wala na tuloy siyang mukhang maiharap sa Resto Bar. Hindi nga siya pumasok ngayon dahil tiyak marami siyang maririnig sa mga kasamahan niya. “Sharon, may problema ka ba?” salubong na tanong ni Stella nang makita siyang tila nalugi sa anyo niya. “Ta, masesesante na yata ako sa trabaho ko, tapos wala pa akong kompanyang pag-o ojt-han, samantalang sila nakapag-submit na para sa OJT nila.” “May awa ang Diyos, alam kong hindi ka niya pababayaan. Malay mo naman mamaya, may good news kang matanggap.” Ito lang ang bagay na nakakapagpagaan ng loob niya, dahil alam ng tita niya kung paano palalakasin ang loob niya. Pumasok na rin siya sa loob ng bahay at isa-isang kinuha ang mga plato nang pigilan siya nito. “Ako na ang maghuhugas at magliligpit ng mga iyan. Magpahinga ka na lang, alam ko namang pagod ka.” Walang imik na sinunod niya ito, pumasok siya ng kwarto. Nagbukas ng laptop at muling nag-search ng OJT job, nang mag-ring ang iphone7 na niya ngayon. Sinulyapan lang niya iyon sa pag-aakalang ang mokong ang tumatawag. Ngunit nang lapitan niya, nakita niyang telephone number ang nakarehistro sa phone niya. Madaling sinagot niya iyon. “Hello.” “I am calling on behalf of Armada Tiles, Incorporated. I’m looking for Ms. Sharulyn Torregoza.” “Yes, speaking.” “I am Ms. Maan Garcia. Your application for the OJT Trainee has been approved by the management team. Kindly report to the office tomorrow, you may send your available time via text and I will give you the address and we will discuss the process of your OJT.” “W-wait a minute, you mean I pass your qualification?” “Yes. Please bring the necessary documents such as recommendation letter for further evaluation. Thank you and God bless.” “Thank you m’am!” Napalaki ang ngiti niya at sumuntok sa ere. Himalang pumasa ang application niya, kaagad siyang lumabas para ibalita sa tita niya ang good news na natanggap niya. Nagtataka lang siya dahil wala siyang matandaang Armada Tiles na pinagpasahan niya ng kanyang application. But she was thankful that finally she already had a company to start with her OJT. God is good all the time and when you least expect it. Iyon ang talagang nagbigay sa kanya ng wisdom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD