LSG 6:

2503 Words
“TALAGANG seryoso na ang isang Sky Gohtencee sa nagngangalang Sharulyn Torregoza,” pambubuska ni Jowey kay Sky, ang nakababatang kapatid ng asawa niya. “Pati ba naman ikaw hindi naniniwala?” malungkot na tanong nito sabay pa ang pagpa-pout. “Tsk! Tama na nga ‘yang arte mo. Para ka kasing biglang nagkasakit. Akalain mo isang true love lang pala ang magpapatino sa playboy na kagaya mo. Well, iyan din naman ang inakala ko ‘nong nakilala ko si Lake. Hindi ko rin naman akalaing mapapatino niya ang isang kagaya ko. Somewhat we’re almost same shoes. Anyways, natawagan na siya ng tauhan ko para makapagpasa ng requirements niya.” “Good. Maaasahan ka talaga hipag. Wala ka bang balita kay Cloudio? Ang kutong lupang iyon hindi na ako kinokontak.” “Kagaya mo, baka busy rin sa babae ang isang iyon.” Biglang napaubo si Sky habang umiinom ng Frappe sa loob ng La Isla Cafe. Doon nila naisip na magkita ng hipag na si Jowey Daniels-Gohtencee para sa isang transaction at iyon ay para makuha ang loob ni Sharon. Hindi nga lang niya alam kung uubra ba itong mga pakulo niya. Muntik ng pumasok sa ilong ni Sky ang iniinom na mamahaling kape. “Seriously?” “I’m just joking around, naniwala ka naman. Alam mo namang wala sa tipo ng kambal mo ang maghabol sa babae dahil napakasuplado at masungit ng isang iyon.” “Akala ko totoo na, magpapamisa pa naman sana ako.” Nahinto ang pagkukwentuhan nila ng kalokohan nang mag-ring ang phone ni Sky. Inamoy at hinalikan muna ni Sky ang phone bago pinindot ang answer button. Natatawang napatingin sa kanya si Jowey. Hanggang ngayon kasi ay amoy na amoy pa rin ni Sky ang bango ng phone, parang ang may ari, napakabango rin. Napaawang ang bibig ni Sky nang marinig ang mga sinasabi sa kabilang linya. Pati si Jowey ay napatayo sa masamang balitang iyon, nasa Hospital si Cloud. Kaagad tumayo si Sky. “Jowey, I will call our parents. Ikaw na ang bahala pagdating sa hospital.” “Okay.” Alam naman ng lahat ng pamilya niya na hindi siya pwedeng pumunta ng Hospital kaya hinayaan na lamang niya ang mga ito na pumunta roon para malaman ang kalagayan ng kakambal niya. Despite of what happen to his, nagmatigas pa rin siyang pumunta ng Hospital. Naisipan na lang niyang mag-deliver ng mga electric equipment gaya ng Broiler, electric stove, microwave oven, three-door Refrigerator, vacuum cleaner, isang 48 inches na LCD Sony Bravia at halos punuin na niya ang bahay ni Sharon sa mga naisip niyang bilhin. Nakukulangan kasi siya sa mga gamit sa loob ng bahay nila. Mukhang hindi naman ang tipo ni Sharon ang mag-aaksaya ng pera para sa isang luho kaya iyon na lang ang naisip niya. Tanaw nga niyang namumula ito sa galit na parang gusto ng ihambalos sa kanya ang mga pina-deliver niyang mga electronic items. Biglang pumasok sa isip niya ang pagtrip-an ito. Nagpanggap siyang si Jowey at magse-sent ng message sa cellphone ni Sharon. ‘Cellphone ito ni Sky, si Jowey ito hipag niya. Nasa Hospital siya ngayon, dito sa St.Ingrid.’ Wala sana siyang balak i-sent iyon, but it was too late. He accidentally hits the sent button. “Tanga! Tanga! s**t! s**t! Bakit nag-sent?” babawiin pa sana niya nang bigla iyong ma-low bat. “Damn! What will I do now? Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na hindi na kami matutuloy sa Dawn Toribio Park. Wala na siyang nagawa. Kailangan niyang panindigan na lang ang mga nangyari. Ayaw niya sanang pumunta ng Hospital, ngunit nag-aalala siya na baka pumunta nga talaga roon si Sharon. Yes, he was assuming sometimes, that maybe Sharon will have grown her feelings for him. Baka sakali lang naman. Inabangan lang niya mula sa malayo kung pupunta nga si Sharon sa Hospital, ngunit wala naman siyang nakitang Sharon doon. Mukhang hindi talaga siya gusto ng dalaga. Maybe it was really a one sided and unrequited love and Sharulyn was really hard to please and to love someone. Pero kung ano man ang nakaraan nito, tatanggapin niya iyon, hindi nga lang niya alam kung matatanggap rin ba nito ang nakaraan niya. Kung bakit mas pinili niyang maging playboy at hindi magseryoso ng babae. Buong buhay niya hindi pa siya naging ganito kaseryoso at hindi niya aakalaing tatalab sa kanya ang salitang ‘Karma ng Pag-ibig’. Bagsak ang balikat na umuwi ng Mansion si Sky dahil hindi rin naman niya kayang pumunta at pumasok sa loob ng Hospital. Dala pa niya ang in can beer habang tinutungga ito. Isang batok ang nagpaharap sa kanya, saka lang niya napansing naroon ang bunso niyang kapatid na si Ritz. “What gotten on your mind to that stupid thing, kuya?” “Kailangan ba talagang batukan mo ako?” “Oo dahil sumosobra na iyang pagbibiro mo. Kung mangti-trip ka lang naman sana hindi mo na pinili si Sharon. Alam mo ba kung ano ang nangyari? Syempre hindi mo alam, ni hindi mo nga kayang tumapak sa loob ng Hospital eh. Alam kung gusto mo siyang gantihan dahil hindi ka niya magustuhan, but for Pete’s sake. Marami namang pwedeng gawing biro pero bakit iyon pa?” Saka lang natauhan sa mahabang litanya ni Cyan Ritz si Sky. “I’m sorry. It was accidentally slipped on my thumb.” “Slip on your thumb? Or intentionally? Ewan ko sa iyo kuya. Hindi na namin kasalanan kung lalo lang magalit sa iyo si Sharon.” Dahil sa sinabing iyon ng bunso niyang kapatid, walang sabi-sabing bumira ito ng layas at sumakay sa Big bike para puntahan ang bahay ng mga Torregoza. Kailangan niyang makumpirma kung galit nga talaga sa kanya si Sharon. Ilang beses na siyang nagdoor bell ngunit wala pa ring lumalabas. Sumulyap siya sa relo niyang pambisig. Pasado alas dose na pala at malamang ay tulog na ang mga ito. Kahit pa siguro matulog siya sa labas ng bahay ni Sharon ay hindi siya lalabasin nito kaya naisip na lang niyang umuwi. Bukas ng maaga ay dapat niya itong mapuntahan para makausap. AYAW na sanang pumasok pa ni Sharon sa Resto Bar dahil tiyak niyang siya na naman ang theme of the day ng mga kasamahan niya at palagi na lang siyang napag-uusapan. Ngunit naiiba yata ngayon, himalang wala siyang naririnig na kahit ano sa mga kasamahan. Napabuntong-hininga na lang siya na naglinis at nag-ayos ng mga upuan. Kahit ang totoo ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang napag-usapan nila ng kakambal ni Sky na si Cloud. It was so thankful that Cloud is safe. Mukhang hindi naman daw napuruhan si Cloud at nawalan lang ng malay. “Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo?” “Huh. Hindi ah. Hindi ko siya iniisip.” Natawa sa kanya si Grace, ang isa sa malapit na kaibigan niya sa Resto Bar. Ngayon na lang din ito bumalik matapos makapanganak sa panganay nito. “Mukhang marami na akong na-miss na topic sa iyo ah. Marami ka na yatang dapat iupdate na kwento sa’kin although iyong iba ay narinig ko na galing sa mga kasamahan nating usi.” “Wala namang mahalaga. Naiinis lang ako sa kanya, nagdeliver ba naman sa bahay ng sangkaterbang appliances, ang liit kaya ng bahay namin, ano namang gagawin ko roon? Tapos kaninang umaga, sangkaterbang flowers naman ang bumungad, muntik ng maging flower shop ang bahay namin.” “Maybe it was way of him showing his sincere love.” “Ate Grace, kahit pa ano ang gawin natin. A playboy will always be a playboy.” “Pero ibahin mo ang playboy na iyan..” ininguso pa ni Grace ang tinutukoy nito sa kanya. Natanaw niya mula sa glass wall ng Resto Bar si Sky, may kausap itong matandang pulubi, nakita pa niyang inabutan nito ng naka-styro na pagkain siguro saka isang libong piso na dinukot nito mula sa bulsa ng pantalong maong. “He’s kind, generous, gwapo, maawain, matulungin, mayaman. Kumbaga complete package na. Ano pa ba ang hindi mo magugustuhan sa isang Sky Gohtencee? Mayaman na mayaman pa.” Bahagyang natawa na lang si Sharon sa sinabi ni Grace. Iniwasan na lang niya ng tingin ang binata at lumipat sa kabilang table na hindi ito nakikita. Nang mag-umpisa na ang pagbubukas ng Resto Bar, himalang hindi pumasok si Sky at hindi man lang siya nilapitan at ginulo, nagtataka tuloy siya kung ano ang drama nito sa buhay. “Sharon, water nga rito!” sigaw ng kapwa niya kasama sa trabaho. Ngunit kung umasta ay parang ito ang boss. Hindi niya alam na sinadya nitong tawagin siya roon dahil nang makalapit siya ay malagkit na ang titig sa kanya ng dalawang lalaking tila lasing na yata sa mga inorder ng mga ito. Napasinghap siya nang humipo ang kamay ng isa sa binti niya. Agad niyang iniwas ang mga binti niya. “S-sir, lasing na po kayo.” Bago pa siya makaatras tumayo na ang kasama nitong lalaki at inakbayan siya. “Sharon, ‘di ba? Ang ganda ng pangalan mo, kasing ganda ng may-ari. Hindi ka naman namin ite-table lang.” “Tama! Dadalhin ka namin sa langit!” sabay pang nagtawanan ang dalawa. Lalong niragasa ng kaba si Sharon, bahagya na nga ang panginginig ng katawan niya sa takot. Akmang hahalikan na siya ng lalaki nang bigla na lang siyang hinila ng kung sino at nanlalaki ang mga mata nang makitang lumipad na sa sahig ang lalaking nagtangkang humalik sa kanya. “No one will touch my girl. She’s mine!” he said between greeted teeth. “Ayos rin ito, ano ka superman?” sabi pa ng isang kasama nito saka umingkas ang kamao nito na naiwasan naman niya. “I’m not generous enough to share my girl. I can share whatever I have, but not my girl.” Saka isang suntok sapul sa panga ang ginawa ni Sky sa lalaki. Nagkagulo na sa loob ng Resto dahil sa palitan ng suntok. Nang makatayo naman ang isa ay kinuha nito ang bote ng beer at sinapul ang ulo ni Sky. Hindi natinag si Sky, inambahan nito ng sipa ang lalaki dahilan para tumumba ito sa kabilang lamesa. Hindi inalintana ni Sky ang ulong nasaktan, basta maprotektahan lang nito si Sharon. Napapatakip na lang ng bibig si Sharon nang makita ang hitsura ni Sky nang paluin ito ng lalaki ng bote sa ulo. Agad rin ay may mga dumating na pulis at hinuli ang dalawang lalaki. Agad dinaluhan ni Sky si Sharon. “Okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo?” Hindi na napigilan ni Sharon ang emosyon, napaiyak na siya. Dahan-dahan siyang niyakap ni Sky. “I’m sorry. I’m sorry I was late. Don’t worry; from now on I’ll protect you.” Inilabas ni Sky ang lahat ng laman sa wallet nito para ipambayad sa damyos. Nilabas na rin niya ang master card kung hindi kakayanin ng cash nito ang lahat ng nasira. Isang mahinang hikbi na lang ang naririnig ni Sky nang makasakay sila sa Jaguar nito. “Huwag ka ng umiyak. Tapos na, nandito na ako.” Mahigpit lang ng niyakap ni Sky ang dalaga. Bagaman aware siya sa ginagawa ni Sky dahil ramdam niya ang init ng hininga nito sa bumbunan niya. Ang halik nito na nagpapaalala na ligtas siya at wala siyang dapat ipangamba. Tutol na tutol ang isip niya sa lahat ng nangyayari, ngunit taliwas iyon sa sinisigaw ng puso niya. Naalimpungatan na lamang si Sharon nang may humaplos sa noo niya. Napadilat siya ng mata at napagtantong nasa loob siya ng bahay nila at nasa kwarto niya ang binata. “I’m sorry, nagising ba kita? Nakatulog ka kasi kanina sa sasakyan, I bet you’re in shock. Magpahinga ka lang, I won’t bother you.” Hindi siya nakaimik sa pagiging sinsero nito at kung paano ay halos alagaan na siya nito na tila isa siyang paslit na may sakit. “Are you hungry? What do you want to eat come on tell me and I’ll buy it right away.” “I-ikaw..” “Ako? Alam kong yummy ako, pero hindi pa panahon.” Sunod-sunod ang iling niya sa sinabi nito at kasabay ang pamumula ng pisngi niya. “I-I mean bakit nandito ka pa?” “Para gwardiyahan ka twenty four-seven. Baka may lumusot na naman eh. Sapat ng ako ang lumusot.” “I hate you.” “I know. Alam mo ba gusto kitang mahulog. Kung pwede nga lang na itulak kita nang maglanding ka.. sa ‘kin.” Natahimik ito. “Pero joke lang iyong mahulog ka literally. I want your heart to fall not your body.” Ngumisi pa ito. “pero pwede rin naman, basta sa katawan ko ang bagsak mo,” saka kumindat ng makahulugan. “You know, you are really a great pervert and great in lying.” “Akala ko naman, great in bed ang sasabihin mo, nakakasama naman ng loob. Puro panlalait na ang sinabi mo. Kahit na anong gawin kong pa-impress hindi mo pa rin ako magustuhan.” Saka pa ito ngumuso na tila nagtatampo. Napatitig siya rito. Ngayon lang niya nasilayan ng ganito kalapit ang binata. Ang makakapat nitong kilay, ang singkiting mata na pagngumingiti ay nawawala, ang makinis nitong pisngi at ang dumako ang tingin niya sa labi nito. Bago pa man siya mag-iwas ng tingin ay nahuli na nito ang mga mata niya at pati na rin ang labi niya. It was her first time and by way of giving up the access to kiss her seems it was the right decision to make. She was inexperience when Sky initiates to deepen the kiss. Napasinghap siya nang bahagyang kagatin nito ang ibabang labi niya, dahilan para mapaawang at lalong mapag-ibayo nito ang halik sa kanya. Hindi na nga niya namamalayang ginagaya na pala siya nito sa kama at unti-unti na itong pumapaimbabaw sa kanya. Napahawak siya sa ulo nito. Nang maramdamang basa ang likod ng ulo ni Sky, napatigil siya. Sinamantala naman ni Sky na pagapangin ang halik na iyon sa leeg ni Sharon. “D-dugo? Sky, dumudugo ang ulo mo.” Agad niyang tinulak si Sky at bumangon ngunit nagulat siya nang makitang lalong naningkit ang mata ni Sky na tila nababalutan na ng makamundong pagnanais na maangkin siya. “S-Sky, are you okay?” “S-Sharon, go away! Hu-huwag kang lumapit! Ma-mapanganib.. a-ko..” Ginawa niya ang sinabi ni Sky, agad siyang tumakbo palabas ng kwarto. Pagdating sa labas ay nakita niya ang isang matangkad at morenong lalaki na nagpakilalang kanang kamay ni Sky. “S-si Sky, may nangyayari sa kanya. Dalhin natin siya sa Hospital!” umiiyak na sabi niya sa lalaki habang nakahawak sa kwelyo nito. “Ma’am, tingin ko ay lumalabas na ang symptoms ni sir. Sky. Ang mabuti pa ay lumabas muna kayo.” Lalo siya naguluhan sa inakto ng kasama ni Sky. Napipilitang lumabas siya ng bahay. Maya-maya ay may dumating na medic at kasama si Cyan Ritz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD