LSG 7:

2886 Words
IPINALIWANAG ni Cyan kay Sharon ang lahat. Nagtataglay pala ang ama nila ng sakit na Kiss Disorder at halos lahat ng mga anak nito ay namana ang sakit na iyon lalo na ang mga kalalakihan. Bahagya siyang kinilabutan nang malamang One night stand ang magiging lunas sa sakit na iyon ni Sky. Iyon nga lang ay malalaman pa kung magiging compatible ang semen nito sa kanya. Bigla siyang kinabahan dahil inexperience siya at birhen pa, isa pa ay iyon ang bagay na iniiwasan niyang mangyari. “Alam kong mahirap sa part mo, Sharon. Pero naniniwala ako na ikaw ang soul mate ni kuya kaya nag-trigger ngayon ang sakit niya. After his last test, he and kuya Cloud diagnose for that Kiss Disorder until I observe that it wasn’t easily to show the symptoms on some other girls they’d kissed. Ayon sa lab test and research, unti-unti ring nababawasan ang epekto ng sakit na iyon. At isa na ngayon ay kung sinong compatible na laway lang ang makakapag-trigger ng sakit na iyon. Before my kuya Sky, it happens first to my kuya Lake. Kung saan wala ni isang babae ang pwedeng humalik sa kanya dahil mabigat ang kapalit but my sister-in-law surrendered and giving her access to my brother, which is the love. Do you get my point?” mahabang sabi ni Cyan saka siya tinanong. Bahagyang napatango si Sharon at pinunasan ang pawis na namumuo sa kanyang noo. “Alam kong hindi ka sigurado sa nararamdaman mo sa kuya ko. But if you really want to stop this, give it a break. Sabihin mo na ayaw mo sa kanya.” “That’s my big problem. Kahit na ilang beses ko na siyang iwasan at ayawan, nilalapitan pa rin niya ako.” “Because he felt there still a hope. Wala sa pamilya namin ang taong sumusuko ‘pag may naising gustuhin. Lalo naman sa case ni Kuya Sky. Natatanaw kasi niyang may pag-asa, kaya iyon ang pinaniniwalaan niya. I don’t know how long he knows you already, but if he thinks it is and then it is. It will never change. I’m sorry to say this Sharon, my brother loves you and like you a lot at hindi siya titigil na suyuin ka. Panahon at pagkakataon na lang ang makapipigil sa baliw na pag-ibig ng kuya ko. Ibang magmahal ang mga Gohtencee, Sharon. They never surrendered in defeat, kahit pa harangan sila ng sibat. Once they started falling, they will deeply sink in a crazy way. At sa nakikita ko, mukhang nababaliw na sa iyo ang kuya ko and you can’t do about it. You have to wait in time kung gusto mong mawala ang pag-ibig ni kuya sa iyo or you’ll be the one who will surrendered.” Napabuntong-hininga si Sharon sa mahabang litanya ni Cyan. “Mabuti pa, huwag ka munang lumapit ng tatlong metro sa kuya ko. Once he smelled you, his lust will trigger at alam mo na ang mangyayari—may mangyayari,” saka ito ngumiti ng makahulugan sa kanya. Hindi na siya nagtaka sa inasal ng kapatid ni Sky, mukhang nagbabadya iyon na boto ito sa kanya. Ginawa na lang ni Sharon ang ipinayo nito sa kanya. Hindi niya ito kinokontak o tinitext man lang. Ang balita niya ay kinulong ng mga ito si Sky sa kwarto, hindi na rin naman siya tumutol. Mas nanaiisin pa niya iyon, kaysa isuko ang bataan ng ga’non-ga’non lang. She stills a woman with dignity and pride. Inabot na ang dalawang araw, dahil binigyan siya ng offer ng kompanyang pinag-O-ojt-han niya na pwede siyang mag-part time work roon, hindi na siya bumalik ng Resto Bar, nalaman rin niyang pinasasara iyon ni Sky. Mukhang ito ang mas naapektuhan ng husto, bumagsak rin sa kulungan ang dalawang lalaking nambastos sa kanya at kulang na lang ay patawan nito ng death penalty. Kung hindi pa siya nakiusap sa kanang kamay ni Sky ay napasara na talaga ng tuluyan ang Resto Bar. Inaasahan na niyang galit na galit sa kanya si Tita Pinky pati na rin si Troy. Kaya hindi na siya nagdalawang-isip na bumalik pa roon. Walang-wala na siyang mukhang maihaharap pa roon. Nakatunghay lang sa labas ng bintana ang mga mata ni Sharon, hindi niya malaman kung bakit sumasagi sa isip niya si Sky. Kung kumain na ba ito o nananatili pa rin ito sa loob ng kwarto. Kung sa bagay kasalanan rin naman niya ang lahat. Pinalala lang niya ang sitwasyon dahil kung tutuusin, hindi naman mahirap mahalin si Sky. Ngunit takot lang talaga siyang pumasok sa isang relasyon that will end up into break up. Takot siyang sumubok at mas takot siyang masaktan. “Ms. Sharulyn Torregoza!” Hindi na niya namamalayan na kanina pa pala siya tinatawag ng lalaking professor nila. “S-sir?” “Ang sabi ko, isa ka sa nominees para sa darating na Year start 2017 candidate for Miss Polytechnic Manila.” Napatayo siya sa sinabi ng professor niya. “S-sir, bakit po ako?” “Because your mind is wandering that’s why you didn’t hear the votes that cast on you,” paliwanag ng professor nila. Wala na siyang nagawa sa sinabi nito. Nang makalabas ang professor nila, kinausap siya ng katabi niyang si Myra. “Naku teh, ingat ka kay prof. Gonzalo ha. Ang balita kasi, isa siya sa nagpapanalo ng mga candidate bilang Ms. University pero..” inilapit nito ang bibig sa tenga niya at bumulong. “ginagalaw niya pagkatapos.” Napatakip ng bibig si Sharon sa nalaman. “T-totoo ba iyan?” “Ang sabi-sabi kasi, kapag may gusto daw itong kandidata at hindi manalo-nalo, at nais ng kandidato manalo, sinusuhulan niya at inaalok ang puri kapalit ng panalo.” “P-pero bakit hindi pa siya natatanggal hanggang ngayon? Saka dati pa naman akong sumasali sa ganyan?” “Wala kasi ni isa sa kanila ang nagsusumbong. Maybe ginusto nila iyon, saka baka laspag na rin iyong iba, alam mo na. Malay mo, ngayon lang niya napansin ang beauty mo. Hindi naman kaila sa amin dito kung gaano ka kailag sa mga kalalakihan kaya kita sinabihan. Basta ingat-ingat ka na lang te,” pagkasabi ay dahan-dahan na itong tumayo at iniwan siya. Alam niyang sa tuwing pagpasok ng taon ay may ginaganap na na pageant sa School dahil minsan na rin siyang nakasali roon, ngunit ngayon lang pumasok ang balitang iyon sa kanya. Ang mapipiling Miss U of the year ay mabibigyan ng scholarship, iyon nga ang ginamit niya noon kaya siya nakapagpatuloy sa pag-aaral nang manalo siya noong second year level niya. At kung graduating student naman ang kalahok ay makakakuha ng work abroad entry. Sino ba ang ayaw makapagtrabaho sa ibang bansa, ngunit kung iyon lang naman ang kapalit at basehan, hindi na baleng matalo siya. Bago matapos ang araw, hindi na siya nakatiis na hindi lapitan si Mister Gonzalo para kausapin ito tungkol sa pagging nominee niya, ngunit naging mapilit ito na hindi siya tanggalin. Kapag ginawa daw nito na tanggalin siya ay ibig sabihin ay magda-drop out na siya sa subject nito. Napipilitan na lang tuloy siya na tanggapin iyon. Isa lang ang paraan para hindi siya mapabilang sa mga babaeng nagalaw nito, iyon ay kailangang manalo siya kahit anong mangyari. Pakiramdam niya nagsisimula na ang kalbaryo niya, bukod sa pagpasok sa trabaho na ginawa ng OJT at part time job sa kompanya, nag-aaral pa siya at ngayon ay nanlilimos ng boto sa mga kakilala. She needs to be popular to the School to have there votes. Nasa salas lang siya at gumagawa ng banner para i-display sa mga building sa loob ng school nila nang umupo sa sofa ang Tita-ninang niya. “Nasa labas kanina si Sky. Gusto ka raw niya masulyapan kahit hindi mo na siya makita,” balewalang sabi nito. Napaangat siya ng tingin sa TIta-ninang niya. “T-talaga?” muli niyang ibinalik ang mga mata sa ginagawa. “Kumusta naman daw siya?” “Alam kong minsan ko ng nasabi sa iyo na huwag kang gagaya sa iyong ina. Pero ayaw ko rin namang gumaya ka sa akin na hindi ko natagpuan ang kaligayahan ko.” pagkasabi niyon ay walang paalam na iniwan na siya nito. Kahit hindi siya magsabi sa kanyang Tita-ninang, basang-basa na siguro nito ang mga nangyayari at dahil masyado na rin itong napalapit kay Sky kaya alam na niya kung bakit ganoon ang reaksyon nito. Iwinalang bahala niya ang mga palipad-hanging iyon ng kanyang tiyahin. Kailangan niyang malampasan ang pagsubok na ito ngayon. LINGGO na ang itinakbo para lang dumating ang huling pagbibilang ng boto. Kabadong naupo si Sharon sa tapat ng salamin sa loob ng dressing room. Tapos na ang swim suit competition at mababa siya ng dalawang puntos. Nang dumating ang talent portion, sumayaw lang naman siya ng Latina at ayon sa result ay nakalamang siya ng tatlong puntos sa ibang kandedata. Katatapos lang niya para sa talent portion. Nakasuot na siya ng evening gown. Ilang beses pang sumikdo ang puso niya dahil sa labis na kaba para sa huling pagrampa at sa Question and answer portion. “Sharulyn, ikaw na ang susunod..” bulong ng event organizer na nakasilip malapit sa dressing room. Isang mahabang paghinga muna ang ginawa niya saka napa-sign of the cross. Rumamapa siya sa taas ng stage suot ang isang dark violet criss-cross open back long mermaid gown sa loob ng limampung segundo para ipaikot at ipakita sa madla ang suot na gown at kung paano ito ipo-poise. Nang makabalik, lumapit kay Sharon ang host, itinapat sa kanya ang isang rounded glass na naglalaman ng question na kailangan niyang sagutin. “Thank you for that beautiful gown ramp, Miss Torregoza. You can now pick your question,” sabi ng baklang announcer. Pinigilan niya ang panginginig ng kanyang mga kamay at dahan-dahang dumampot sa loob ng rounded glass. Nang makakuha ay ibinigay niya iyon sa baklang host. Kinuha ng host at binasa. “If you were given a chance to see and talk to God, what one question would you ask and why?” “Thank you for giving the chance to answer that wonderful and hard question at the same time.” Saka niya nilibot ng tingin ang mga taong nanonood sa kanya. Her eyes caught her Auntie’s eyes; it was smiling like it was saying na kahit anong isagot niya ay tama pa rin para dito. Muli siyang sumulyap sa host saka bumalik sa madla. “If I will be the luckiest person who will be given the chance to talk to God right on his face and make a one question. I will ask him, why he needs to give his begotten son for the salvation of sinner people yet they still make sins? And why is that my question? Because, a person only sees him when they’re in pain, sometimes they can not ask nor thank him for the countless blessing they had not until they will recall what God did for us.” Napatingin siya sa mga naroroon na tila kini-criticize ang mga sinabi niya. Parang madilim ang mga anyo ng mga ito at tila gusto siyang batuhin ng kung ano. Alam niyang hindi dapat kinukwestiyon ang pananalig ng tao ngunit, bata pa man siya noon, iyon na ang tanong na pumapasok sa utak niya kapag nakikita niyang malakas na nagdarasal ang mga tao sa paligid niya. Perhaps of saying her answer, she stand up straight and heads up and walk out of the audience’s sight. It looks like an explosion than a sigh when she breaths out. Nasa loob lang siya ng dressing room, at mula roon ay rinig niya ang announce ng judge tungkol sa boto nila. Nilalamangan na siya ngayon ng halos thirty percent votes mula sa ibang kandidata. Para na rin siyang nangongolelat. Ang paraan lang para tumaas ang boto niya ay kung may bibili ng boto niya. “Mga madlang people, may pagkakataon pa kayo para bilhin ang boto ng kandidata nyo para sa isang oras na nalalapit na Year 2017 Miss, U!” anunsyo ng baklang Host. Mayroon pa siyang isang oras para mapunan lahat ng boto para sa kanya. Ngunit hindi naman sasapat ang pera ng kanyang Tiyahin para bilhin ang boto niya. Nanginginig ang kamay na pinagsalukap ni Sharon ang mga kamay para magdasal. Tatanggapin niyang matatalo siya, ngunit hindi niya ipauubaya ang katawan sa manyakis niyang professor. “Mukhang nangongolelat na yata ang manok ko.” Napasinghap at napataas ang ulo niya nang pumasok sa loob ng dressing room si Mister Gonzalo. “S-sir Gonzalo.” Lumapit pa ito sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. “Ipapanalo kita, ngunit may kapalit ang pagkapanalo mo. “A-Ano po iyon?” kunwari ay nagtatakang tanong niya. “Akin ka sa loob ng isang gabi. At ipapanalo kita.” Agad siyang nag-iwas ng mukha sa sinabi ng panot na professor niya. “No. Hindi na baleng matalo ako.” “Alam mo ba kung ano ang kapalit kapag natalo ka? I will drop your subject and hold your diploma, that means hindi ka na makakapag-martsa at makaka-graduate. Gusto mo ba iyon?” Napatayo siya at mabilis na nag-iwas sa lalaki. “You’re unfair!” “Ikaw rin. Bakit mo pa hahayaang masayang ang talino mo. Katawan mo lang ang kailangan ko at utak naman ang kailangan mo. Ano ang hindi unfair doon?” “No! I’d rather defeated than lose my victory and that is my dignity and pride.” Agad siyang tumakbo palabas ng Dressing room para maiwasan ang panot niyang professor. Lalo pa at mag-isa lang siya sa loob ng dressing room, may pagkakataon itong harasin siya. Agad niyang pinunasan ang mga luhang pumatak sa pisngi niya nang tawagin na sila para umakyat sa stage at inaanounce ang total tally votes at kung sino ang magiging kampeon. “Thank you for all your patience people of the Philippines! Handa na ba kayo malaman kung sino ang nagwagi sa ating Miss U for the year 2017?” itinapat pa nito ang mike sa mga tao. Kinuha ng bakla ang envelope na naglalaman ng result pati ang votes ng limang kandidatang sumali. “Result na lamang ng ating huling kalahok na may total na eight thousand three hundred four votes o katumbas ng eight hundred thousand pesosesoses ay napunta kay Miss... Sharulyn Torregoza. Our Miss University for year 2017 is no other than, Ms. Sharulyn Torregoza.” Napanganga si Sharon nang marinig niya ang pangalan niya. Niyakap siya ng mga kasamahan at lumapit naman ang dating year 2016 Miss U at inilipat sa kanya ang crown saka nilagyan ng sash at ibinigay ang flowers. “Hindi ka dapat nagsusuot ng revealing dress,” napasinghap siya at nilingon ang baritonong boses na iyon, napamulagat siya nang makilala ang nagmamay-ari ng boses na iyon. “S-Sky? B-bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito?” Ipinatong na pala nito ang isang jacket sa likuran niya. “I will miss everything if I’m not here. And I’m sure, matatalo ka kapag nawala ako.” “Y-You mean, ikaw ang bumili ng boto ko?” Instead of answering her, Sky’s hand pointed his index finger to someone. Nakita niyang nakatayo sa ‘di kalayuan si Mister Gonzalo at may kasama na itong dalawang police. Natanaw pa niyang nangingitim ang paligid ng kaliwa nitong mata. “That guy is bad, really bad. Hindi ko sana siya pahihirapan sa kulungan, kaya lang nang i-play ko ang ebidensiya ng kalokohan niya, lalo akong nainis.” “Hindi mo na dapat pa pinakialaman iyon. Wala ka dapat dito ‘di ba? You’ll be contaminated.” “Says who?” “It should be three meters.” Saka siya umatras at lumayo rito. “Magaling na ako, I can touch you if I want.” “No!” agad siya bumaba ng stage at tinakbuhan ito. Lalabas na sana siya ng School nang unti-unting bumubukas ang ilaw sa aisle na nilalakaran niya. Naguguluhang nilingunan niya si Sky. Three meters away from her, he knelt down and pulls a black plated small box. “Miss Sharulyn Torregoza, will you be my girl friend, my partner, my lover and my wife for the rest of my life?” Napailing-iling siya at tumuloy sa pagtakbo palayo rito. Sinundan naman siya ng kanyang tiyahin nang biglang umambon. Sa pag-aakalang umuwi na si Sharon, hinatid ni Sky ang tiyahin ni Sharon at doon inabangan ang dalaga. Ngunit inabot na ng ilang oras ay wala pa rin si Sharon, kaya nagpaalam na lang si Sky. “Tita, I’ll go home. Baka kaya ayaw umuwi ni Sharon dahil alam niyang narito ako. Babalik na lang po ako bukas,” nakayukong paalam nito. Basang-basa ng tita ni Sharon ang kalungkutan sa mga mata ni Sky, bagsak ang balikat na sumakay ito ng kotse. Nang mawala na sa pandinig ni Sharon ang sasakyan ni Sky saka ito lumabas sa pinagkukublihan. “I’m sorry. I’m sorry Sky. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam.” Nang makitang nakaupo ang tiyahin, agad itong tumayo at dinaluhan siya ng yakap. “Are you okay? Wala bang masakit sa iyo? Nak, alam kong ayaw mo sa kanya kahit pa may feelings ka na sa kanya. Pero baka gabaan ka,” saka humiwalay sa yakap ang tiyahin na siya namang kinawalan niya ng balanse. “Sha-Sharon! Sharon, gumising ka!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD