LSG 8:

3015 Words
LUMABAS na rin ang doktor na sumuri kay Sharon, napapunta ng wala sa oras si Sky nang ibalita ng tiyahin ni Sharon na nasa Hospital siya. Inapoy siya ng lagnat at dahil rin sa stress, pressure at kaba kaya bumigay ang katawan niya. Nang magkamalay siya nakita ng kanyang mga mata na kausap ng Tiyahin niya si Sky. Nang lumabas ang dalawa para makapag-usap siguro ng mas matagal at para hindi siya marinig ay siya namang pagpasok ni Jowey—ang sister-in-law ni Sky. “How are you feeling?” Napakunot-noo siya na tila inaalala kung saan ito nakita. Napakaganda ng maliit nitong mukha, parang isang manika ngunit tila may bahid ng gothic ang kaanyuan nito. Namumula ang pisngi nito sa labis na kaputian, iyong tipong hindi na kailangan mag-effort sa blush on o make-up dahil pinanganak ng maganda. “I’m Jowey Daniels-Gohtencee, sister-in-law ni Sky. Nagtataka ka siguro kung bakit ako narito. May gusto lang akong sabihin sa iyo.” Naghila ito ng upuan at umupo sa tapat niya. “Sorry kung maling pagkakataon ko pa sasabihin pero hindi na kasi makakapaghintay ang sasabihin ko eh. Anyways, alam mo bang may trauma sa Hospital si Sky? He was diagnosed as dengue patient when he was six years old at nakita niya ang bestfriend niyang namatay sa sakit na iyon that’s why he never step on Hospitals. Nang maaksidente nga ang kambal niyang si Cloud, hindi siya pumunta ng Hospital. Pero nang malaman niyang nasa Hospital ka, walang pagdadalawang-isip na pinuntahan ka niya rito. Alam kong marami akong paligoy-ligoy pero isa lang ang pinupunto ng mga sinasabi ko sa iyo ngayon. Give him a chance. Hayaan mong ipakita niya kung gaano siya kadesperado sa iyo at kung paano magmahal ang isang Gohtencee. I knew and truly tested it from what I’ve experience. Gohtencee’s are good guys, sometimes they’re naughty but they’re so much nicer when you will know them personally. Matanong ko lang, ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Sky?” Napayuko siya bago sumagot. “I rejected him. Yes he was nice, simple, mapagkumbaba, maawain, matulungin sa kapwa at hindi pinangangalandakan sa lahat kung gaano siya kayaman. Minsan maginoo kahit madalas may pagka-pervert, masayahin at higit sa lahat boyfriend material, gwapo na, malakas at macho pa. Ano pa nga ba ang hahanapin ko kung complete package na si Sky. Kaya lang, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan at kung paano kami magsisimula,” mahabang paliwanag niya. Kinuha ni Jowey ang kamay niya. “Hindi lahat ng oras pinapagana ang isip, minsan pinagsasbay ito” iniangat nito ang kamay niya at dinala sa dibdib niya kung saan rinig niya ang pintig ng sarili niyang puso. “Pakinggan mo minsan kung ano ba talaga ang sinisigaw ng puso mo. Our heart beat once and we should make a better decision. Well, sometimes we fail but it’s better to failed than no to try at all. Paano mo malalaman ang isang bagay kung takot kang harapin ang lahat? Kung takot kang sumubok at magbaka sakali. Ikaw lang ang makakaalam ng sarili mong destiny. Negatives and positives thoughts were always there at hindi na iyon mawawala. Naalala ko noon, katulad mo, indenial din ako sa feelings ko kay Lake. Hanggang may taong nagsabi sa akin na dapat harapin ang lahat, that was none other than Cyan. Sa kanya ako nagpapasalamat dahil siya ang nagsikap na tanggapin ko si Lake at mahalin.” Napapunas ng luha si Jowey. “Sorry nagiging emotional ako now a days. Pero isa lang ang sinasabi ko, face your fate and search your feelings for him before it was too late,” ginagap ni Jowey ang kamay niya saka ito tumayo. Ang pagtayo ni Jowey ay siya namang marahas na pagbukas sa pinto ng kwarto, sumambulat ang hingal na anyo ni Jetro Lake at parang naiinis pa nang makita sila, “J-Jowey? Sabi sa akin ni Sky nasa Hospital ka raw?” “Malamang nasa Hospital naman talaga ako.” “But I thought something happened to you,” saka pa ito lumapit kay Jowey at ininspeksyon siya. “Are you okay?” “OA ka talaga.” Piningot ni Jowey ang tenga niya. “Kahit kailan, panira ka ng moment. Tara na nga at makasira pa tayo ng moment ng iba.” Nakapingot pa rin si Jowey sa tenga ni Jetro habang lumalabas sila ng kwarto. Tumahimik ang buong paligid. Pinag-isipan ni Sharon ang lahat ng mga sinabi ng mga ito sa kanya, ginawa niya ang ginawa ni Jowey kanina, inilagay nga niya ang palad sa sariling dibdib. Kapag kasama niya si Sky, bumibilis ang t***k ng puso niya at nag-iiba ng ritmo. Kay Sky lang din niya naramdaman ang pahalagahan siya at halos gawin siyang Prinsesa. Masyado na nga ba niyang pinahihirapan si Sky? Kung tutuusin, may namumuo na rin siyang feelings para sa binata ngunit takot pa rin siya. Napabuntong-hininga siya nang pagpasok na man ni Sky sa loob ng kwarto. May dala itong basket ng prutas. “Okay ka na ba?” Napatingin siya sa paahan nito. Magkaiba ang suot nitong tsinelas, magulo rin ang buhok at kasuotan nito na tila nagmadali talaga ito sa pagtakbo para lang puntahan siya. “Saan ka.. galing?” Napatingin si Sky sa sarili at bahagyang tumawa. “Ito ba? Nataranta kasi ako nang tumawag si tita at sabihing dinala ka sa Hospital.” “Muntik na pong magkaroon ng suntukan dito Ma’am. Napaka-VIP at sensitive ng boyfriend nyo mam,” biglang singit ng nurse na kapapasok lang at may dalang board habang tsini-check ang vitals signs niya. “Mukhang okay na po kayo, pwede na rin kayong lumabas mayamaya mam. Mahirap na at baka mapasara pa itong Hospital dahil strict iyang pogi nyong boyfriend.” Hindi niya alam kung matatawa siya sa hitsura ng nurse dahil kinikilig ito na parang takot lumapit kay Sky. “Nurse Jasmin ‘di ba?” “Galing mo sir, I mean Sky pala. May kailangan ka pa ba?” “Pwede bang patulong ilapag itong basket, medyo nakakangawit pa lang hawakan ito,” Natawa ang nurse sa sinabi ni Sky. Tila nakaramdam ng bahagyang inis si Sharon nang marinig na nakikipagtawanan pa si Sky at parang wala siya roon. Tumikhim siya ngunit hindi pinansin ng dalawa. “Labas na, off limit na ako. Tingnan mo, umuusok na ang ilong ng patient mo,” sabi ni Sky sa nurse saka siya sinulyapan. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin. “Kapal mo, hindi ah!” todo deny niya. Nakangiting lumabas na rin ang nurse at sinulyapan pa si Sky. “Sky, effective!” narinig pa niyang pahabol na sabi ng nurse. Sumulyap si Sharon kay Sky. “Anong effective?” “Tinutukoy niya iyong gamot,” saka nakangising nagsabi. “My denial queen.” Umupo ito sa kama niya at tinabihan siya. “Hindi ka ba nagugutom—“ Pinigil ng pagyakap niya ang tanong na iyon ni Sky. Mahinang humikbi siya habang nakayakap kay Sky. “Bakit, may masakit ba sa iyo?” “I’m sorry. I’m sorry kung manhid ako. I’m sorry kung denial ako sa feelings ko sa iyo.” Kumalas ng yakap si Sky at pinunasan ang luha sa pisngi niya. “I’m not rushing you and forcing you.” “Iyon na nga eh. Bakit ang bait-bait mo sa akin?” “Because you know the answer, gusto kita. Ah no, I love you, that’s why I will do everything for you.” “That’s exactly the problem. You have everything, malaki ang agwat ng katayuan natin sa buhay. I don’t have anything na maipagmamalaki sa iyo. You’re everything, I’m nothing.” “Kahit mawala na ang lahat ng karangyaan sa akin. Handa ko ibigay ang lahat ng naisin mo at ang kahit anong mahalagang bagay na gustuhin mo. Basta manatili ka lang sa akin. Kahit isang bagay na lang ang manatiling matira at gusto ko ikaw iyon, Sharon. Pero kung hindi ka pa rin handa. Tatanggapin ko, hihintayin pa rin kita kahit habang-buhay. Mananatili pa rin ako sa tabi mo at hinding-hindi ako magbabago para sa iyo.” Lalong naiyak si Sharon, hindi na niya napigilan ang sarili. Natataranta naman si Sky kung paano siya patatahanin. “Stop crying, baka makita ka ng Tita mo, isipin pa niyang pinaiyak kita.” “Damn you!” napapalo pa siya sa dibdib ni Sky. “Damn you for making me fallen for you,” sabay itinago ang mukha sa dibdib ng binata. Lumiwanag ang mukha ni Sky at agad iniangat ang balikat niya para makita ang mukha niya. “T-Tama ba ako ng rinig? You like me?” Dahan-dahan siyang napatango. “Yes!” sabay napasuntok sa ere. “Yohoo! Girlfriend na kita!” “T-teka lang. Sinong may sabi sa iyong girlfr—“ “Kapag nagkakagustuhan ang dalawang tao, doon rin iyon mapupunta. Nag-aalala ka ba? Don’t worry, we’ll take it slowly. I’ll be cautious and I will respect whatever your decision is.” Napakurap si Sharon nang bigla siyang kabigin ni Sky para yakapin. Napabuntong hininga na lamang siya. UMALIS ang kanyang tiyahin kaya ibinilin siya nito kay Sky. Kukunin daw muna ng tiyahin nito ang damit niya sa bahay dahil makalalabas na siya ng Ospital kinabukasan. Napasulyap siya kay Sky na hirap kung paano matutulog sa sofa, dahil hindi naman kasya ang sukat at haba ng katawan nito sa Sofa. Nakabaluktot ito at tila pinagkakasya ang sarili sa makipot na sofa. Ito ang bantay niya ngayong gabi, pasado alasnuebe pa lang naman ng gabi, ngunit alam niyang wala pa itong matinong tulog kaya pinagpasyahan niyang pagpahingahin at patulugin muna si Sky. Hindi na siya nakatiis, tinawag niya si Sky, agad naman itong nagdilat ng mata. Tumayo ito at nilapitan siya. “Bakit? May problema pa?” Bakas na bakas sa mga mata nito ang kakulangan ng tulog dahil nangingitim na ang paligid niyon. Pakiramdam ng rin niya ay bahagya itong nangayayat nang sipatin niya ito ng tingin. Isang mahabang hikab ang ginawa ni Sky, kaya pinalapit na niya ito. Umusog siya ng kaunti at nagbigay ng espasyo para kay Sky. “Hihiga ako diyan?” “Ayaw mo ba?” “Hindi ah, wala naman akong sinabi.” Kaagad itong humiga sa tabi nito at idinantay ang braso sa bewang niya saka iniangat ang kumot. Hindi nakuntento si Sky sa pagdampi ng braso sa bewang niya, pinagapang ni Sky ang kamay paakyat sana sa dibdib niya nang tumunog ang doorknob. Nataranta silang pareho nang marinig ang pagbukas ng pintuan dahil dumating ang tiyahin niya. Sa labis na taranta at hindi malaman ang gagawin, nasipa niya si Sky at pahigang bumagsak ito sa sahig. “Anong nangyari diyan?”pagtatakang tanong ng tiyahin habang bitbit ang paper bag. Kaagad tumayo si Sky habang hinihimas ang puwitang nasaktan. “W-Wala po tita,” mabilis na sagot ni Sharon sa tiyahin. Lumapit ang tiyahin niya kay Sky. “Sky, ikaw na munang bahala sa pamangkin ko. Be good to her. Babalik na muna ako sa bahay. Dinala ko lang itong damit niya para mayroon siyang gagamitin kinabukasan,” pagkasabi ay nagpaalam na rin ito at lumabas na ng kwarto. Napapangiti si Sharon at pilit pinipigilan ang paghulagpos ng malakas na tawa. “Anong nginingiti mo?” Hindi na napigilan ni Sharon ang matawa. “’Yang..kamay mo.. kasi..” sabi niya sa pagitan ng pagtawa. “Buti nga sa’yo,” saka inilabas ang dila at binelatan ito. Napipilitang bumalik na lang muli si Sky sa sofa, hinayaan na lang niyang muli itong makatulog. Kinabukasan, si Sky mismo ang naghatid sa kanya pauwi sa bahay dahil hindi na dumalaw ang tiyahin sa kanila. Ngayon ay hindi na itatago ni Sharon ang nararamdaman niya para kay Sky, haharapin na niya ito no matter what happens. Pakiramdam ni Sharon, masyado siyang pina-pamper ni Sky nang makabalik sila mula sa Ospital. Ito na ang namamalengke, nagluluto at nag-aayos ng buong bahay nang magpaalam ang tiyahin niya na may pupuntahan lang. “Sigurado ka ba talagang kaya mong mag-vacuum?” Sigurado siyang hindi ang tulad ni Sky ang hahawak ng mga bagay na marurumi. Tiyak niyang hindi ito na babahiran ng mantsa dahil pinanganak itong mayaman. “Oo naman,” pawisan na sagot nito. Pinanood lang niya si Sky, tila nakakaengganyong pagmasdan ang katawan nitong pawisan dahil lapat na lapat na sa katawan nito ang basang puting T-shirt na suot. “Am I looked handsome in your eyes, Baby?” “Always,” natatawang sabi niya habang pinasasadahan ng tingin ang binatang kaharap. Kumuha siya ng juice mula sa Fridge at sinalinan ng juice ang baso para maibigay sa lalaki. Kumuha rin siya ng juice at nilapatan ang bibig para makainom. “Gusto mo bang sabay tayong maligayo mamaya, Babe?” Sa gulat niya sa sinabi nito, hindi sinasadyang mabugahan niya sapul sa katawan nito si Sky. “S-Sorry! Ikaw kasi, kung anu-anong kamanyakan ang sinasabi mo?” “Hala! Ikaw nga itong nag-iisip. Pwede naman tayong sabay maligo kahit parehong nakadamit.” Agad niyang tinalikuran si Sky para hindi siya nito mahuli at maisalba ang pagkapahiya. Nang dumating si Stella, ang tiyahin ni Sharon, doon na nagtapat si Sky at hiningi ang basbas sa pagsang-ayon sa relasyon nilang dalawa ng huli. Agad naman itong pumayag at tuwang-tuwa na makitang mukhang pareho naman sila ng nararamdaman. Hinihiling lang nito na sana hanggang sa huli ay sila paring dalawa ang magkatuluyan. Parang sira-ulo naman si Sky na ipinamalita sa lahat ang relasyon nila. Tila nanalo ito sa lotto at siya ang premyo dahil nang lumabas sila ng bahay ay lahat ng makakasalubong nito ay pinamamalitang silang dalawa na. Nahihiyang tinago tuloy ni Sharon ang mukha mula sa binata. “Tatlong araw ka ng dumadalaw sa amin, hindi ka ba napapagod? Saka wala ka bang trabaho?” “I have lot of zeros in my account; I have all the time in the world just to spend it with you. Sobrang saya ko lang, enough that I can’t let go your hands,” saka nito iniangat ang dalawang kamay nilang magkahugpong. “Where are we going? Hindi mo pa sinasabi sa akin,” nagtatakang tanong niya nang ihatid siya nito sa kabilang pinto ng sasakyan. Umikot ito at pumasok sa driver’s seat. “Malalaman mo mamaya.” Muling hinawakan ni Sky ang kamay ni Sharon at saka masuyong hinalikan ang likod ng palad nito. Mahigpit na namang nakahawak ang kamay nito sa kamay ni Sharon. “Kaya mo bang mag-drive na isang kamay lang?” “Oo naman. Hindi mo ba alam na gifted ito.” “Para namang mawawala ako sa ‘yo kung makahawak ka naman sa akin.” “Don’t worry baby, I can manage it,” sabi nito saka pinaadar na ang sasakyan. Dumating sila sa tapat ng Bangko. Nagtatakang napatingin siya kay Sky. Hindi na lang siya muling umimik. Hanggang sa pag-upo sa harap ng teller ay magkahawak pa rin sila ng kamay. “I will open a joint account.” Napatingin si Sharon sa tinuran ni Sky. Naglalabas na ito ng Checkbook. “Transfer everything here in our joint account,” mariing sabi nito na may halong pag-uutos. Hinila ni Sharon ang kamay niya ngunit hindi siya hinayaan ni Sky. “What are you doing? Hindi mo naman—“ “Shh.. keep quiet. Today, I will be your King, okay.” “Ang sweet naman ng husband nyo,” komento ng new account officer na magpa-process sa request nila. “Hindi po kami mag-asawa. Magkasintahan lang,” mahinang sagot ni Sharon habang nakayuko. “Ah,” pagsang-ayon nito. “You should be proud Ma’am. Minsan lang kayo makakahanap ng ganyang boyfriend, treasured it, while it last.” “I like that!” pagsang-ayon ni Sky. “I like your last five words.” Pinisil pa nito ang kamay niya para pangitiin siya. Ngumiti rin naman siya nang makalabas sila ng Bangko. Hanggang pati ba naman sa Restaurant ay magkahugpong pa rin ang mga palad nila, kahit nakakaramdam na siya ng pagkailang. Lalo pa at pinagkakatitigan na sila ng mga babae roon na tila gusto ng tuhugin mula sa kanya ang boyfriend niya. Palaging ganoon ang tema nila. Hatid-sundo siya ng binata mula sa Office at sa School. Nasanay na nga lang siya sa mga babaeng nagpapalipad-hangin sa nobyo niya. Hindi na rin niya inaaway dahil alam niyang wala naman iyong patutunguhan. Palagi rin silang magkasabay kumain at halos doon sa bahay nila na tumira si Sky para lang daw mabantayan siya twenty four seven. Minsan nga ay natatawa na lang siya kay Sky dahil nagiging korni na ito at nasusobrahan na ang pagiging sweet nito. Pupuntahan na dapat niya ang sister-in-law ni Sky na si Jowey. Nais niyang personal na magpasalamat dito dahil wala na ito nang makalabas sila ng Ospital, ang sabi ay nasa bakasyon ang mag-asawa kasama ang anak ng mga ito na si Light. Nasa Department Store si Sharon para bumili ng gift para kay Jowey nang marinig niya nag tsismisan ng mga sales lady roon. “Grabe, parehong mahirap daw ang napuntahan ng anak ng sikat na Gohtencee business icon.” “Sinong anak?” “Iyong kambal. Ang balita ay pareho rin silang galing sa Bar. Oh, ‘di ba pagkakataon nga naman.” “Bukod sa pagtsitsismisan, ano pa ba ang alam nyong gawin?” Napahinto ang dalawang sales lady at agad na napayuko. Nakatingin sila sa magandang buntis na babaeng nakatayo sa harapan nila. Napatingin rin si Sharon at agad niyang nakilala ang babaeng sumita sa dalawa. Halata na ang umbok sa tiyan nito, napangiti na lang siya nang makita ito. Agad hinila ni Jowey ang kamay niya. “Ba’t nandito ka? Anyway, let’s go somewhere else,” saka iginaya siya sa palabas. Kinuha ni Sharon ang paper bag at nagpatiunod sa pagsama kay Jowey. Sa isang Coffee shop sila huminto, pumasok at naupo sa bakanteng silya. “So, how is it going with my brother-in-law? Do I smell a wedding bell?” Natatawang napangiti siya saka tiningnan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD