19 - Past Catching Up 2

2669 Words
Tumigas agad ang expression ni Ram habang nagpapalipat lipat sya ng tingin between me and Brent. "R-ram." Ang tanging nasabi ko. "Hey, Ram." Bati ni Brent. "I didn't know na darating ka. Dadalawin ko lang sana si Bee para makipag kwentuhan." He sounded cool like it was a normal routine. Hindi nagsalita si Ram. Imbes ay nakatitig lang sya sa akin. Grabe na ang kaba sa dibdib ko. "So, I'll go now. See you next time, Bee." Tinanguan ako ni Brent bago sya dumaan sa gilid ni Ram. Mabilis na pumasok si Ram nang makaalis na si Brent. May maliit na travelling bag syang dala at malakas ang pagkaka sara nya ng pintuan. Hindi sya nagsasalita na dumiretso sa kwarto. Sinundan ko lang sya. Nang mailapag nya na ang bag nya ay humarap sya sa akin. "Ram hindi ko alam na pupunta si Brent. G-galit ka ba?" Medyo nanginginig na tanong ko. Imbes na sumagot ay lumapit sya sa akin, hinapit ako at hinalikan ako ng mariin. Automatic na napahawak ako sa dibdib nya. His scent lingered at gumanti ako sa mapusok na paghalik nya. We were both panthing nang maghiwalay na kami. "Ram." "Sa lahat ng makikita ko na kasama mo rito sa condo mo, yung ex mo pa." Mahinang sabi nya. He's calm and composed pero ramdam ko na galit talaga sya. Yung aura nya na ang nagsasabi na hindi talaga sya natutuwa sa nadatnan nya. Binitiwan nya ako at umupo sya sa gilid ng kama. Sinundan ko sya at kumandong ako sa kanya paharap. I cupped his face at pinatingin ko sa akin. "Sinabi ko naman agad sa kanya na darating ka nga." Umiwas lang sya ng tingin sa akin. Kinakabahan ako. He just arrived at ilang araw lang naman sya rito. Mag aaway pa ba kami? Bigla ko na lang syang yinakap. I was waiting for him to hug me back pero nainis lang ako. Ni hindi nya inangat ang kamay nya. Umalis ako sa pagkaka kandong sa kanya at tumayo sa harap nya. "Ram naman. Are you gonna seriously be like this? Kakarating mo pa lang, eh. Ilang araw lang tayo magkakasama tapos mag aaway pa ba tayo?" I made sure na may langkap na frustration ang boses ko. "Well, can you blame me? Matutuwa ka ba kung kasama ko sa bahay si Veronica kapag dumating ka galing Manila?" Seryosong seryoso ang mukha nya. Wow. That's foul. Alam na alam nya na nagseselos ako sa babaeng iyon and he was using that girl as an example to a different situation. "C'mon. I told him immediately na papadating ka. Palabas na nga sya when we opened the door diba? Ni hindi nga sya nagtagal ng limang minuto dito." I am trying myself to calm down. Ayoko talaga na mag away kami. Tiningala nya lang ako. Bumuntong hininga sya. "Does he usually swing by?" "What? No." Mabilis na tanggi ko. He's still calm. Okay, alam ko naman na curious talaga sya. "Hindi ko nga alam bakit after a few years na nag break kami, bigla na lang syang dumalaw. But you know you don't have anything to be jealous about." Mabilis ako na tumabi sa kanya. "Right?" Nilingon nya ako. "Fine. Sorry. I over reacted." Tumayo sya at nag stretching. Umangat ng kaunti ang suot nyang fit na puting t shirt and I saw his v line. Napangisi ako bigla. "Come, nagdala ako ng ilang gulay galing sa farm. I should have brought you some on my past trips." Tumayo ako at agad nya ako'ng hinapit. Sabay kaming lumabas. Bago pa sya magsimulang magluto ay matagal at madiin nya ako'ng hinalikan. God, I missed that. I missed him, all of him! While he was moving in the kitchen ay hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naisip na araw araw ako'ng gigising na si Ram ang bubungaran ko sa kusina na pinagluluto ako ng pagkain. He's that type. Sexy chef. Sya ang nag ayos ng mga gulay sa ref. Nagdala rin sya ng ilang fruits. I feel so loved. Pagkatapos namin kumain, we cuddled to my sofa. We were already making out when his phone rang. Ayaw ko pa sana syang bitawan pero sya na ang kusang tumayo at pumunta sa kwarto where his phone were. Nanuod na lang ako ulit ng TV kahit na sobrang turn on na ako. Tsaka ko lang napansin na ilang minuto rin sya sa loob when he got out, nakapag palit na sya ng t shirt. "Honey, I have to go. May pupuntahan lang ako saglit." Napakurap ako. "What? Saan?" Mabilis ako'ng napatayo. "I am meeting a friend. Nalaman nya na nandito ako. Sandali lang naman ako." There's agitation in his voice. Tiningnan ko syang mabuti at hindi ko alam kung bakit binundol ako ng kaba seeing him so worked up. "S-sino?" Lumapit ako sa kanya. "Uh." Halatang nag isip sya. Gusto ko bigla maiyak. Hindi ko alam kung bakit. "You don't know him but he's a family friend. I'll introduce you to him soon. I'll be back quick, promise." Hinapit nya ako at hinalikan sa noo and then he's gone. Ilang minuto nang tumunog ang pintuan mula nang maka alis sya pero naka idle pa rin ako sa dating pwesto ko when he left. He was meeting a friend? Hindi naman masama iyon. I mean, of course he has friends in Manila. Here. But why is it that urgent? Bakit hindi nya sabihin kung emergency ba iyon na bigla na lang syang umalis? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ako mapakali. Naabot ng paningin ko yung dalang donuts ni Brent at kumain na lang ako. I tried to read a book para mawala sa isip ko yung kaba ko. Babalik agad si Ram, I told myself. Nakatulog na ako when I smelled something cooking. Liningon ko ang wall clock sa kwarto. Pasado alas onse na pala. Lumabas ako and saw Ram in the kitchen again. He's half naked, his sexy back facing me. Nagpi flex ang muscles nya habang gumagalaw sya. His sun kissed skin really suited him. Lalaking lalaki ang kulay nya. Dahan dahan ako'ng lumapit. I yawned, inaantok pa rin ako. May hinahalo sya sa bowl. I slid my hands into his waist and rested my body at his back. "You're awake." Mahinang sabi nya, pero hindi pa rin tumitigil sa ginagawa. "Hmm." I missed his smell. I rested my left cheek in his back. "Missed me?" Naiimagine ko na ang naglalaro na ngisi sa mga labi nya. "Yep! So much. Saan ka ba kasi pumunta?" Groggy ang boses na tanong ko. He stopped what he was doing at humarap sa akin. He caressed my hair. Amoy sibuyas ang kamay nya and I find it funny na parang ang bango niyon. "I just needed to help a friend. He's okay now. Gutom ka na ba?" Tumango ako. Tumawa sya. "Alright. Mabilis na lang 'to." Binitawan ko sya at bumalik ako sa kwarto. I checked my phone for messages and emails. Narinig ko na lang ang tawag ni Ram nang nakapag hain na sya. He's still half naked. He really can't get enough of him. Pasimple na lang nyang sinusulyap sulyapan ang katawan nito. Nag bihis muna sya bago kami kumain. Pinagmamasdan ko lang si Ram. I don't know why, pero alam ko na wala ako'ng dapat ipagduda pero hindi ko mapigilan mag isip. "Honey? What's wrong?" Bago ko mamalayan ay tumigil na pala sa pagsubo si Ram at kunot noo na nakatingin sa akin. "Uh w-wala. Iniisip ko lang yung article na isusulat ko." I lied. Yeah. "It's your off. C'mon, stop thinking about work." Kibit balikat na sabi nya. Hapon na nang mag aya si Beks na mag chill kami. I told him na isasama ko si Ram and wala naman daw problema. Ang problema, si Ram mismo. He doesn't like the idea. Ayaw nya pumunta, kaya natural na ayaw nya ako paalisin. I reasoned out and told him na minsan naman talaga ay lumalabas labas kami nila Beks at Wil. I looked at his bag at may brown syang polo at leather jacket. "I really think this isn't a good idea. Let's just sleep early." Inaayos ko na ang polo nya at buhok nya ay tumututol pa rin sya. Gusto ko na tuloy matawa. Umaalingasaw ang musky scent na pabango nya sa kwarto ko. Ram look so good, I wonder kung pati sa bar ay pagtitinginan sya. "Honey, stop being a kill joy." Nakangisi na sabi ko. I tiptoed and gave him a smack. Tapos humarap ako ulit sa salamin at tiningnan kung maayos na ang itsura ko. I wore a peach princess cut dress na sleeveless tapos nag flats lang ako. Nag wisik rin ako ng kaunting cologne. Face powder, eyebrow pencil at lipstick lang ang make up ko. Wala nang nagawa si Ram nang nasa elevator na kami. Para syang model na hinugot mula sa page ng isang magazine. Nakapulupot ang mga kamay ko sa kaliwang braso nya habang palingon lingon ang ilang nakakasabay namin sa elevator sa kanya. I feel possessive all of a sudden. We took a cab para i meet si Beks at ang pinsan nya na si Anne. I met Anne twice already tuwing nagkaka ayaan kami nila Beks mag party, at kasundo ko naman sya. She's very liberated at malamang na may maka hook up na naman sya mamaya. But she's really nice at hindi bitchy so who am I to judge her ways? "Hi!" Mabilis na bati ko nang makarating na kami sa Seafood Island. Magdidinner muna kami bago kami sumiretso sa bar. Nakipag beso ako sa dalawa. "Anne, this is Ram. Boyfriend ko. Honey, this is Anne, pinsan ni Beks." Tinanguan lang ni Ram si Anne na kumaway pa sa kanya. Napangiti na lang ako. Alam ko na wala sa mood si Ram but gusto ko rin mag unwind at maisama rin naman sya sa labas while he's here in Manila. Cuddling with him might always be a good idea pero gusto ko rin naman na makasama sya sa labas. "Wala yata sa mood boyfriend mo." Lumapit si Beks sa akin at bumulong. "Pinilit ko. Hayaan mo na." Natatawa na sabi ko. We ate at kahit papano ay hindi na kasing grumpy nang paalis pa lang kami si Ram. Nakikisali sya sa usapan lalo na kapag binibiro sya ni Beks. Pasado alas otso na nang pumunta kami sa isang bar na madalas namin puntahan nila Beks sa Timog area. Naka isang bote lang ng beer si Ram habang kaming tatlo nila Anne at Beks naman, naka dalawang pitcher ng cocktail. The place is loud at kita ko naman na kahit papaano ay nag i enjoy si Ram. Pasado ala una na kami umuwi. I was tipsy and we cuddled to sleep. I could get used to a life like this with Ram, pero alam ko naman na para sa kanya ay nakasanayan nya na ang buhay probinsya. Hindi ko pa inisip ang future, pero sigurado ako na isa si Ram sa mga gusto ko when thinking about it. Naalimpungatan ako at kinapa si Ram, pero bigla ako'ng nag panic when I felt na wala sya sa tabi ko. Ilaw lang sa siwang ng kwarto ko ang nakita ko. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko na bukas ang tv. Ram's probably watching. Kinapa ko ang cellphone ko and saw na pasado alas singko pa lang ng madaling araw. Ilang oras pa lang mula nang makauwi kami. May message logo sa taas ng cellphone ko pero hindi ko muna pinansin. I'll read it later. Gusto ko maghilamos at mag mumog. Palabas na ako when I heard Ram talking. Sumilip ako sa pintuan and saw his naked back. Nakatalikod sya sa akin. He was standing in the middle of the kitchen at hawak nya ang cellphone nya na nasa may tenga nya. Naka boxers lang si Ram at hindi ko mapigilan humanga sa ganda ng katawan nya. "Just this once, and I am done. Naiintindihan mo naman ako diba? This is the right thing to do. It doesn't matter kung ano nangyari noon. I just.." He paused, parang nakikinig sa kausap nya. Hindi ako gumagalaw. I know it's wrong, but it feels so right na mag eavesdrop ako sa pakikipag usap nya kung sino man iyon. Ram's almost always calm and he looked and sound agitated all of a sudden kung sino man ang kausap nya. "No. I'll handle this. Huwag mo sya isali. Ako ang pinag uusapan natin dito." He was saying it coldly. Napakurap ako. Tatawagin ko ba sya? Bumalik ako sa loob at nagkunwari na kakabangon lang. "Ram? Honey?" Sumigaw ako para tawagin sya. Nagbilang ako ng hanggang tatlo bago ako naglakad palabas. I saw him na nakaharap na, nakababa na ang kamay nya pero hawak pa rin ang cellphone. Kinusot ko ang mga mata ko. "Hey. Ang aga mo magising." Mabilis ang mga hakbang nya na nakalapit sa akin. Hinapit nya ako sa bewang ko at hinalikan sa noo. Napapikit ako. "You were talking with someone on the phone?" Humarap ako sa kanya. Yumuko sya at tumingin sa kamay nya na hawak ang cellphone. "Ah. Yeah. Heron's on the other line." Ngumiti sya at itinaas ulit sa tenga nya ang cellphone. "Hello, Heron? I'll call you again. Bee's already up." Tapos mabilis nya na pinatay ang linya. Huminga ako ng malalim. "You've been sneaky since yesterday. May dapat ba ako malaman?" Mahinang tanong ko. Tumaas ang kilay nya. Inilapag nya ang cellphone nya sa kitchen aisle. "What? What do you mean?" Sinundan ko ng tingin ang cellphone nya bago sya ulit tiningnan. I am still a bit dizzy gawa ng alak at kulang sa tulog pero naisip ko agad na galawin ang cellphone ni Ram kapag may pagkakataon. It wasn't me to do something like that pero hindi ko maintindihan kung bakit iba ang kutob ko. "I don't know. I feel like may tinatago ka sa akin." Tinitigan ko sya. Saglit syang napa tigil bago tumawa. "What would I keep from you?" Lumapit sya ulit sa akin. He was about to pull me in for a hug pero pasimple ako'ng umatras. Agad ko'ng nakita ang pagbabago ng reaction nya. "Bee, what is wrong?" "Ewan ko. Ikaw. What's wrong with you? Para kang naglilihim sa akin." Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko bago sya muling tiningnan. "Nothing's wrong. Lasing ka pa rin ba?" Puno ng pagtataka ang mukha nya. Napabuga ako ng hangin at sinapo ang noo ko. "Yeah, I'm still probably drunk. Whatever." Naglakad ako papunta sa ref at uminom ng tubig. Sinundan nya ako. Nasa likod ko lang sya. I feel the heat coming from his almost naked body at honestly ay na bother ako. Naiinis ako sa kanya but parang gusto ko rin sya dambahin at yakapin ng mahigpit. I miss his touch and the feeling of him inside me, filling me up. But when we were getting intimate yesterday, kinailangan nya umalis. Wala na rin ako sa mood pagbalik nya. I felt his hand on my shoulder. "Beatrice.." Sinara ko ang pintuan ng ref at humarap sa kanya. "Sorry. I don't know why I said that. Bumalik na lang tayo sa kama." Walang gana na sabi ko. Dahan dahan na inalis ko ang pagkakahawak nya sa sa balikat ko at nauna ako na bumalik sa kama. After a few seconds ay bumalik sya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at patalikod na natulog sa kanya. Naramdaman ko na yinakap nya ako mula sa likod but I'm too sleepy to fight it. Kinapa ko agad ang cellphone ko nang maalimpungatan ako. Naalala ko na may message nga pala ako na natanggap. Baka si Via yon or someone from the office. I opened my eyes then got up. It's Raisa. Napangiti ako. Pero agad iyon nawala nang mabasa ko kung ano ang laman ng message nya. Raisa: Hi Bee! I know I shouldn't be meddling but someone saw Sylvia yesterday. And he's with Tito Ram.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD