1 - Zipper
"Please Via. I badly need this vacation now. Sobrang stressed na ako at wala na ako maisip sa mga upcoming articles ko." Kung kinakailangan na lumuhod pa ako sa boss ko na nagkataong childhood friend ko ay gagawin ko.
For three years ay hindi ako nag leave o nag absent because I love my job so much. Pero lately ay parang nabablangko at naiirita na lang ako ng wala sa oras. I feel like sleeping all day. Tinatamad na ako bigla sa mga bagay na dati ay gustong gusto ko gawin.
One time I was browsing the internet and found a travel blog that blew me away and gave me the urge to have a vacation. Malaki ang chance na ma refresh ang utak ko at magka gana ulit ako.
I made a request yesterday at ngayon lang ako pinatawag ni Via to tell me na baka hindi nya ma approve ang request ko.
"Bee, you know how I would want to approve your request right now, pero we need you here at least until ma sort na natin ang lahat ng mga kailangan para sa annual company summit. We need you now more than ever." Tinanggal ni Via ang suot na eyeglasses at tumayo mula sa kinauupuan na swivel chair.
"But I am useless at this state. I am so... Ugh! This frustrates me. My artistic juices aren't flowing." I curled up my arms into my chest. I am not being demanding, I just have my tendencies at alam ko naman na naiintindihan iyon ni Via.
Via pressed her lips together. Tapos huminga sya ng malalim.
"Alright, I understand. Ganito na lang ang gawin natin. I will try to pull some strings and babalitaan kita agad." She squeezed my left arm and looked at me softly.
Ako naman ang napa buntong hininga. "Okay, thanks Via. Alam mo naman na kung ako lang, walang kaso sakin ang trabaho. I just feel so down these past few days at hindi ako makapag isip ng matino."
I went back into my cubicle and continued working. I was proof reading some articles passed by our interns at laking ginhawa ko nang dumating na ang oras ng lunch. I went to lunch with Will and Beks. Parepareho kaming senior na dito sa company.
"If ever na payagan ka, saan mo ba balak pumunta?" Beks was munching on his fries. Patapos na kami at nag uubos na lang ng oras when I opened my endeavour to them.
"I read a travel blog, and I feel like coming to Cebu. Or Puerto Galera. It's not peak season so I don't have to worry na makikipag siksikan ako sa dami ng tao. I just feel like getting out of the city." I played with the straw of my red tea.
"Do you really think that could work? Baka naman kasi kailangan mo lang magpa spa, or mag shopping." It was Will. Nakatunghay lang sya sa aming dalawa ni Beks.
Sabay sabay kami na natanggap sa trabaho namin when Osiris Media Corporation opened a new company, ang Places and Faces travel and lifestyle magazine three years ago. We are all article writers as well as editors.
Will looked like a nerd in his wavy and messy hair plus the thick rimmed eye glasses, pero napatunayan nito ang kasabihan na do not judge the person by it's look dahil kalog at makulit si Will.
Si Beks naman, na ang real name ay Samuel ay well, obviously gay. We call him Beks at okay lang naman sa kanya. Rich kid na may gusto patunayan sa mga magulang at kapatid nya na hindi masyado tanggap ang gender nya.
All of us have different personalities, pero may isang bagay na parepareho kami. All of us are achievers and competitive when it comes to our job and well, being indipendent. But we never play dirty, and that's what makes us closer.
"It's not. There's this urge inside me na nagsasabi na I have to go outside the city. Yung parang kailangan ko ng hangin ng probinsya."
"Yeah, right. Sana talaga payagan ka. Mukhang mawawala ka sa sarili kapag hindi ka pa naka alis." Natatawa na sabi na lang ni Beks sa akin.
Napanguso ako. "Seriously. I ferl stressed. Mas lalo akong walang magagawa nito, eh."
We went back to our cubicles and I found a sticky note in the monitor of my computer. It was saying na puntahan ko si Via sa office nya. This was probably written by her secretary.
Hindi ko alam pero maganda ang pakiramdam ko. Malakas ang pakiramdam ko na makakarating na ako sa Cebu at Puerto Galera. I am mentally, emotionally and well, financially prepared for this trip. My parents gave me the condo where I live as a gift on my graduation day kaya hindi na ako umuupa. Less gastos.
Dumaan muna ako sa lady's room bago dumiretso sa office ni Via. Most of us don't call her boss. We're like a family in here, but we respect her and everyone in the company. Isa pa, inaako ni Via ang lahat kapag may pumapalpak na iba. That is how our company roll.
"Hey. I read the sticky note." Bati ko sa secretary nya.
"Yep, I posted that. I'll just inform Miss Via na nandito ka na."
"Thanks."
She told Via about me on the phone at mabilis naman ako na pinapasok. I was all smiles when I came in at binati rin ko ng ngiti ni Via.
"So...?" Parang bata na tanong ko agad. My hands are at my back, excited ako since positive ang nararamdaman ko na sasabihin nya sa akin.
Tumawa sya habang naktingala sa akin. "Wow. You look happy already."
"Pakiramdam ko, pinayagan ako. Please say na tama ako." Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa harap nya na parang nagdadasal.
"Well, technically, I would say yes.." She trailed off habang nawala naman ang ngiti ko.
Nangunot ang noo ko. "Technically? What does it mean?"
"Well, I was about to tell the superiors your request when an email came. The local government of Isabela requested na gumawa tayo ng special feature sa kanila. Like, ten pages spread sa magazine. They have this campaign for local tourists to visit Isabela for a provincial experience." Paliwanag nya. She was looking at me the whole time, probably to see my reaction.
I groaned. "Seriosuly, Via? I was asking for a vacation, not more job-"
"Hey, wait." Agad na putol nya. Itinaas nya ang dalawang kamay nya. "Before you react, I am gonna offer you a deal you can't refuse. Can I?" May ngiti na naman sa labi nya.
I cleared my throat. "Okay, fine. What is it?"
"All expense paid nila ang one week stay ng crew na ipapadala ng company for the feature. One week, Bee. One week na wala kang gagastusin."
"But again, that's more job!" I hissed. Parang gusto ko maglupasay sa sahig. Napufrustrate na ako. Parang gumuho ang Cebu at Puerto Galera sa isip ko.
"No, listen. I thought of this idea. Imbes na isang crew ang ipadala ko, why not ikaw na lang? I can give you one more week para sa vacation na hinihingi mo. I can't turn down this offer. Mas lalo naman na mababawasan ang man power dito kung tatlong tao pa ang ipapadala ko. You have a background in photography, you're an article writer and an editor. You are a crew your self."
Napakurap kurap ako.
May point si Via. We can't turn down this offer. I bit my lip and played with it for a while. At least parang two weeks ako na wala sa city kahit pa one week worth of job yung kalahati noon.
"What do you think, Bee?" Via called me again.
Napabuga ako ng hangin. "Fine. Kailan 'to?" Walang gana na tanong ko.
Tumawa si Bee. "According sa napag usapan namin, I can send you there as soon as the next day. Your choice."
Wala na akong nagawa kundi sabihin kila Will at Beks ang pagpayag ko sa offer ni Via nang nasa kotse na kami ni Beks. Mula sa office namin sa Mandaluyong ay ida drop namim si Will sa Estrella dahil nandoon ang apartment nya. Sa Ortigas naman ang condo namin ni Beks kaya honahatid nya na muna ako bago sya dumiretso.
"It's a literal business with pleasure. And honestly, kung ako ang inofferan ni Via nyan, hindi na ako magdadalawang isip pa. All expense paid ang one week mo, eh for sure parang bakasyon na rin iyon." Agad na sabi ni Beks.
"Beks is right. I don't see anything wrong with it." Sang ayon ni Will sa likod.
"Maybe I am just afraid. After pa ng trabaho ang bakasyon ko eh sa office pa nga lang, pakiramdam ko nasasakal ako. There is really something wrong with me."
Tumawa ang dalawa.
"Daan ka muna mental." Pang aasar ni Will.
"Daan ka na ba namin? Hindi pa tayo nakakalabas ng Manda." Dagdag pa ni Beks.
"Eh kung pag untugin ko kaya kayo?" Inirapan ko sila at sabay lang silang natawa.
When I arrived home, nagpahinga lang ako saglit at nagsimula na ako mag ayos ng gamit. At least dalawang trolleys at isang backpack ang estimate ko na kailangan ko dalhin. Hindi naman ako maarte pero I feel like bringing something for emergency situations.
After an hour, naayos ko na ng mga damit na dadalhin ko. Bukas ko na aayusin mga toiletries and such dahil papasok pa naman ako bukas. Pinilit ko matulog ng maaga thinking na eight or more hours of sleep can make a difference at baka maging maganda ang mood ko kinabukasan.
Pero nainis lang ako dahil masyado akong maaaga nagising. I slept around nine pm and woke up six am while nine am pa ang pasok ko. Nag alarm pa naman ako.
Nagbabad na lang ako sa bathtub habang iniisip ang mga pwede mangyari sa pag i stay ko sa Isabela. And where should I go sa one week vacation ko. I wanna enjoy Cebu or Puerto so I have to decide kung saan na muna ako pupunta.
The day went by fast. Hindi na muna kami umiwi nila Beks at Will dahil nag request sila na kumain kami sa labas since maaga ang alis ko bukas. Quarter to ten am ang flight ko at one hour lang naman ang tagal.
May susundo raw sa akin mula sa Cauayan airport para ipakilala ako sa Governor nila. Via said na kinausap na nila ang mga coordinators at ipinaliwanag bakit ako lang ang pinadala. Medyo kinakabahan ako. May mga nakilala na rin naman ako na artista. Actually, I have two celebrity friends, pero ngayon pa lang ako makakakilala ng politiko.
Pasado alas siete ako nai drop off ni Beks sa condo ko. Tinapos ko ng mabilisan ang pag iimpake. I have the company's equipments with me. Well, this is one of the hard part. Dahil ako rin ang photographer, ako ang may dala lahat ng equipments.
Pero nag arrange naman si Via ng service ko from the company para maihatid ako sa airport. One of the many things I like about my work are things like these. Perks and well, alaga kami ng company. Kapag work related, ayaw kaming pinaglalabas ng pera ng company as much as possible. They wanted it covered.
Nagising ako ng pasago alas singko. Alas sais daw dadating ang sundo ko. I have to be at the airport by seven. Ininit ko na lang ang pizza na nasa ref at naligo. I told the driver of my service na umakyat para matulungan ako sa mga dala ko.
Inabala ko sa pagbabasa ng mga blogs at sa pinterest ang sarili ko habang nasa airport hanggang sa tawagin na kami para sa flight.
Agad ko naman na nakita ang sundo ko when I arrived at Cauayan airport. The charming middle aged lady's name is Daisy. Naka suot sya ng puting damit na may logo ng Isabela.
She helped me with my things and all lalo na ng makarating kami sa hotel na tutuluyan ko.
"Four days ka na naka book dito. Yung last three days mo, sa Hacienda Esquillo ka mag i stay kasi bukod sa kasama sya sa iko cover mo, may mas malalapit na attractions doon at mapapagod ka pa sa byahe kung dito ka pa uuwi. Nakausap na namin si Mr. Esquillo at payag naman sya na doon ka mag stay." Paliwanag ni Daisy habang nasa elevator na kami paakyat sa kwarto ko.
"Okay lang. Sige. May service ba ako sa pagpunta ko from places to places?"
"Oo naman. Naka arrange na iyon." Jumpy pa na sabi nya. "Excited na nga kami lahat sa project na ito. Sabi pala ni Gov. magpahinga ka muna saglit tapos tsaka na kita ipapakilala sa kanya."
Nagpasalamat ako sa kanya. Babalikan nya raw ako for lunch tapos didiretso na kami para makilala ko ng personal ang Governor nila. Tumanggi rin kasi ako nang ayain ako ni Daisy na kumain kanina dahil busog pa naman ako.
I took a nap then nag ayos ng sarili. Tamang tama nang tawagan ako ni Daisy dahil handa na ako. Medyo kinakabahan ako dahil may ilang media at bloggers ang darating mamaya para kunan kami ng pictures para maibroadcast ang project.
Daisy was very accomodating. I don't usually like talkative people pero hindi ako na bored sa byahe dahil sa kanya. Naisip ko tuloy na mukhang meenjoy ko ang trabaho ko rito.
"Ang puti puti mo naman hija. Nakakasilaw ka. Kanina pa ako nasisilaw lalo na ngayon na naka sleeveless ka." Biglang sabi ni Daisy sa akin.
Tumawa lang ako. I don't know but I don't take compliments well. Nasanay ako na normal lang ako kapag itinabi na ako sa mga kapatid at pinsan ko, so when people in the outside world started giving me compliments, hindi ko alam ang gagawin.
"Ang kinis kinis mo pa. Para kang model."
"S-Salamat po." Ang tangin kong nasabi.
Sya naman ang natawa.
"Halika na nga, para after mo ma meet si Gov masimulan mo na i cover ang munisipyo. Nasa iyo naman ang intenirary diba?"
Tumango ako.
We were talking while walking.
The meeting went well. Hindi naman ako nagkalat at friendly ang mga tao kaya hindi na ako kinabahan. After ko makuhaan ng pictures at makuha ang ilan pang details ng munisipyo ay ihinatid na ako pabalik sa hotel. Iyon lang naman ang schedule ko for that day at maaga pa naman kaya nag decide ako na mag ikot ikot.
I have a map with me.
Naglalakad lakad ako hawak ang personal camera ko when I noticed someone looking at me. Hindi ko matingnan yung lalaki pero ramdam ko na nakatingin lang sya sa akin from afar. He was just standing there and I can feel his gaze. Kinilabutan ako.
Hindi ako nagpahalata na nararamdaman ko ang pagtitig nya. I still stayed at my position and took some more photos. Unti unti akong naglakad lakad kunwari pero napansin ko na naglalakad rin sya ng kaunti.
I was already mentally counting para sa pagtakbo sana nang marealize ko na naglalakad na sya palapit sa akin.
"s**t. Please no." Mahinang usal ko. I was frozen, di ko alam ang gagawin.
Unti unti ko syang nilingon at ang matangos nyang ilong at deep set of dark eyes ang unang nakita ko.
Napapikit ako bigla nang mabilis na syang nakalapit at bumulong sa akin.
"Miss, bukas yung zipper mo." Rinig ko na mahinang sabi nya.