18 - Past Catching Up 1

2643 Words
My first off since bumalik ako sa trip ko sa Isabela at two days nang nakauwi si Ram. Huling text nya sa akin ay baka hindi muna sya maka tawag o text dahil magiging abala sya. Hindi naman problema sa akin iyon. Alam ko na madami sya kailangan asikasuhin. Ilang araw syang nawala at kasalanan ko naman. Nakipag kita ako kay Raisa after her class. Nakakatuwa na kahit seventeen pa lang sya and she may seem childish at first, kapag nakakausap mo na ng matagal ay masasabi mo na matured at smart talaga si Raisa. Kaya nya ako'ng sabayan sa mga interes ko. Kumakain kami ng ice cream sa isang ice cream shop habang nag uusap. Nag plano kami na manuod ng sine at since may isang oras pa bago ang nakalagay na oras ng panunuod namin ay nagpasya kami na kumain muna ng ice cream at mmag kwentuhan. "Can you tell me about Sylvia?" Sa wakas ay tanong ko. Napatigil sa pagsubo si Raisa at maang na napatingin sa akin. "Why?" Nagbigay sya ng alanganin na ngiti bago tuluyang isubo ang ice cream. "I don't know. I have this feeling na may kinalaman sya bakit kakaiba si Ram." "H-hindi nag kwento sayo si Tito?" Kunot ang noo na tanong ni Raisa. Nahihiya na umiling ako. I know, I should have asked. Hindi naman na kami katulad ng dati na bawal magtanong sa kanya about personal things dahil may pagkakaunawaan na kami pero everytime na naiisip ko na magtanong, natatakot ako na masira ang mood namin. Na baka magalit lang si Ram. Na baka isipin nya na masyado ako'ng matanong. Hindi nakapag salita si Raisa. "I really wanna know, Raisa. Hindi ko sya matanong." Malungkot na sabi ko. Napalunok si Raisa. "Alright. I'll tell you a few things, pero sana wag na makarating kay Tito. Sylvia is a bad news to the family dahil sa nangyari sa kanila ni Tito. We don't even talk about it. Sylvia was Tito Ram's second girlfriend." Halata na ninenerbyos si Raisa habang nagkukwento. Nakikinig lang naman ako at hindi ko alam kung bakit bumilis ang t***k ng puso ko. "Like you, Sylvia came from Manila. Pretty, smart, laking maynila and very witty. Pinsan sya ni Tita Veronica. Sya rin naging reason paano sila nagkakilalang dalawa. Hindi ko nga alam how it happened kasi ang alam ko, may gusto si Tita Veronica kay Tito Ram. Anyway, nalaman ni Sylvia na naghahanap ng secretary si Tito tapos nag apply sya. At first, inaasar asar lang sila tapos nagulat na lang kami, sila na pala." Ex na ni Ram si Sylvia pero nagseselos pa rin ako. Parang ayoko na marinig pa pero alam ko na kailangan ko malaman. "Lumaki si Tito Ram sa Miami, pero nang mamatay si Lolo, pinauwi sya ni Lola tapos tinuruan ng gawain sa Hacienda hanggang sa sya na namahala. Twenty pa lang si Tito nang magsimula sya mag training. Bata pa lang ako, I remember how he complains to mama and Lola how it was hard managing the Hacienda pero natutunan nya na rin. Palaging ganon, tapos nang dumating si Sylvia, naging masaya sya. Sa isip namin, mukhang sa kasal na matutuloy." Okay, that hurts again. Hindi ko maimagine na kasal na si Ram. Hindi ko sigurado kung saan kami hahantong pero mas magaan para sa akin ang isipin na akin pa rin si Ram hanggang sa huli. "But they started fighting. Mag iisang taon na sila when Sylvia left Isabela. Sinundan sya ni Tito Ram, pero sinabi lang ni Syvia na hindi daw para sa kanya ang buhay probinsya, na sawa na daw syang intindihin si Tito na gusto ang simpleng pamumuhay, hurtful and rude things. Pero hindi sumuko si Tito. Kung anu ano ginawa nya. Nagulat na lang sya kinasal na lang daw bigla si Sylvia sa isang Australian." Kibit balikat na tinapos ni Raisa ang kwneto. Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin. "I just cut the story short. Masyadong maraming nangyari between them that after that, Tito Ram became really broken. He despised Manila girls like plague. Kaya alam mo na, nung una ilag sya sayo. But you let him be free. Sure, siguro may mga sugat pa sya from Sylvia but you can be the medicine now, Bee." Pinilit ko ngumiti at umakto na okay lang. Hanggang sa manuod na kami ng sine, wala ako sa sarili ko at hindi ako maka focus sa pinapanuod namin. I care so much for Ram na sobrang na bother ako dahil sa past nya with Sylvia. Inisip ko na siguro, kailangan namin iyon pag usapan. Uunti untiin ko na lang na I pursue sya na mag open sa akin. I want him to tell it rather than ako ang mag open. Malalaman nya na sinabi sa akin ni Raisa ang kwento. Hinatid ko si Raisa para makita ko ang bahay nila. Inaaya nya ako sa loob pero tumanggi ako. Sabi ko, next time na lang. Gustong gusto ko na umuwi dahil hindi maganda ang timpla ko for the rest of the day. Pasado alas kwatro ng hapon ay naka uwi na ako. Ilang minute ako'ng naka tunganga lang bago ko naisipan na tawagan si Ram. Ilang ulit ko syang tinawagan pero cannot be reached daw. Nagtataka na ako pero hinayaan ko na lang. Umabot sa limang araw nang hindi tumatawag o nagtetext man lang si Ram. Hindi ko alam kung bakit, pero hinayaan ko na lang rin since nagsabi naman sya before. Nahihiya naman ako magsabi kay Raisa na kung pwedeng kamustahin nya sa Hacienda. "Next week na ang annual summit. Ano isusuot mo? Dapat mas bongga last year ha." Sabi ni Beks bago sumubo ng kinakain na chips. Ang annual summit ang pinaka malaking event sa company every year, kaya talagang pinaghahandaan. Whole day ang event pero pinaka hihintay ay ang after event party kung saan lahat ng employees under the company can enjoy unlimited drinks, good music and good food. Kung dati ay excited ako sa event, ngayon ay hindi ko magawang maging interisado dahil si Ram ang iniisip ko. Kahit man lang isang text message or tawag para kamustahin ako o malaman ko kung ano ang balita sa kanya. Pero as much as possible ay hindi ko pinapahalata kila Beks or Will ang sitwasyon ko. "Wala pa ako'ng maisip. Kayo, meron na?" Wala sa loob na sagot ko. "Of course! I am so ready this year." Ginalaw galaw pa ni Beks ang mga balikat nya. "Bibili pa lang ako. Tinitingnan ko pa kung ano ang design na pinaka gusto nila para hindi iyon ang bibilhin ko." Kaswal naman na sagot ni Will. "It is vey unlikely na wala ka pang isusuot at this time, huh. Ikaw pa ang madalas na nangunguna sa pagpapa design. Ano meron?" Mahina ako'ng bingga ni Beks sa balikat. "Hindi ko pa alam ang design na gusto ko. Nawala sa isip ko." Sagot ko na lang. "Nako, ganyan na kapag may hunk at hot na hot na boyfriend. Nakakalimutan ang mga bagay bagay." Panunukso ni Beks. Pinilit ko'ng tumawa. "Sira." "So, kailan ulit luluwas si Ram?" Si Will naman iyon. "Hindi ko alam, eh. Sabi ko wag muna kasi nagtagal sya nung last time." Mahinang sagot ko na lang. Umiiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. "Nagka boyfriend ka nga, long distance naman. Pero ayos lang yan, Bee. Kapag nagkatuluyan kayo ni Ram, wala ka naman na hahanapin sa kanya." Si Will ulit. Kumuha sya sa chips na kinakain ni Beks. "Yeah." Mahinang sagot ko. Tumingin ako kunwari sa oras sa cellphone ko. "Tara na? Sa office na tayo tumambay." Aya ko sa kanila. Baka humaba pa kasi ang usapan na kasama si Ram. On the sixth day ay nakahinga na ako ng maluwag dahil tumawag sya habang papasok ako. "I'm really sorry, madami ako'ng hinabol na gagawin. You must be really worried." Sabi nya sa kanilang linya. Gusto ko'ng yakapin ang cellphone ko sa sobrang tuwa nang marinig ko ulit ang boses nya. "O-okay lang, Ram. At least nalaman ko na okay ka." Tumawa sya at lalo ako'ng napangiti. "Why woudn't I be? Papasok ka na ba?" Tumawa rin ako. "Oo. Good thing tumawag ka, baka buong araw na naman ako maghintay sayo. Okay naman ba lahat sa Hacienda? Baka nagalit na naman mama mo." Hindi rin mawala sa isip ko yung mama ni Ram. Ayoko naman na isipin nya na talagang pinapabayaan na ni Ram ang Hacienda dahil sa pagluwas nya. Pumunta na nga sya mismo sa Hacienda dahil sa hindi pagpunta ni Ram sa usual schedule nya. At alam na alam ko na doon pa lang, hindi na maganda ang tingin sa akin ng mama ni Ram. Idagdag pa na taga Maynila ako. Si Raisa na ang nagsabi na bad news sa family nila si Sylvia, so talagang malala ang nangyari. Gusto ko pa sana malaman ang lahat but I don't want to press Raisa for information any further. I will wait for Ram. "Hey, honey. It's okay. Wag mo masyado isipin si Mama." Nakakatuwa rin na parang ang sigla ng boses nya. Ilang minute pa kaming nag usap bago ko ibinaba nang pababa na ako ng bus na sinasakyan ko. Tatawag na lang daw sya ulit pag naka uwi na ako. One call and I am back to my normal self. Naasikaso ko na ang isusuot ko sa annual summit at naging natural na ang pagka masigla ko. Sa labas kami kumain nila Beks at Will after that shift, nag text naman ako kay Ram na malelate ako ng uwi ng kaunti, nag reply lang sya ng OK. Everything is going smooth for more weeks until we're close to our second month at nagsabi si Ram na luluwas sya for three days. Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko. Sobrang gusto ko na sya makita ulit. For a few times, we tried to be daring on the phone dahil sa pagka miss namin sa isa't isa. Because of this, the annual summit became a blur to me. Mas excited ako umuwi that night dahil tatawag si Ram. I guess it's safe to say na kay Ram na halos umiikot ang mundo ko, and I love every bit of it. On our third month, dalawang beses lumuwas si Ram, tig two days. I guess, safe to say na wala talagang nabuo noong first time na may nangyari sa amin. And since we are really active, nagpa consult ako and now nagpi-pills ako as a contraceptives. After a few days ay nakatanggap ako ng invitation from Brent dahil birthday ng mama nya. Pupunta rin daw sila Daddy at Mommy. Hindi ko alam ang magiging reaction ko. I wanted to come, miss ko na rin naman sila, pero sigurado ako na magiging awkward lang because my parents and Brent's parents are really rooting for us to be together. Alam ko na sobrang disappointed sila Mommy at Daddy nang mag break kami four years ago. Hindi sila nagsawa na ipaalala lagi sa akin na iyon ang nararamdaman nila. Kahit na naging maayos naman ang naging paghihiwalay namin ay ang mga parents namin mismo ang hindi maka get over. Nakuha daw ni Brent ang number ko kay Mommy nang ininvite nya ng personal sila Mommy at Daddy sa main house namin. Sinabi ko na titingnan ko. Isa pa, naisip ko na sasabihin ko na muna kay Ram. Malakas ang kutob ko na hindi sya papayag but I will still try. He might say yes. Gusto ko na rin naman makita sila Mommy at Daddy, titiisin ko na lang kung sakali man na magpahaging pa rin sila tungkol sa amin ni Brent. I'll just tell them about Ram. Sinabi ko kay Ram first thing ang tungkol sa invitation nang tumawag sya that night, at hindi ako nagkamali sa magiging desisyon nya. "Hindi ka pupunta, Beatriz." Matigas ang pagkakasabi nya at may diin. I bit my lower lip. Hindi ako nagsalita. "Nagkakaintindihan ba tayo?" Tanong nya pa. "Pero honey-" Gusto ko sana mag reason out na hindi naman si Brent ang ipupunta ko. "No." Mabilis na putol nya. "Magpadala ka na lang ng card, o regalo. Sabihin mo na hindi ka pwede." Bumuntong hininga ako. "Okay." "Good." It was the first time na naging medyo mahigpit si Ram sa akin. I mean, trabaho, bahay o kain sa labas lang naman ang usual routine ko. Ngayon na lang ako ulit nagkaroon ng event na pupuntahan sana pero naiintindihan ko naman si Ram. "Beatriz. I'm sorry. Ayoko talaga. Wag kang pumunta." Maya maya ay sabi nya pa. "Yep, I know. Promise, hindi ako pupunta. I'll just send a gift." Pinasigla ko ang boses ko. "I'll see you next week. Alright?" May paglalambing sa boses ni Ram ngayon. "See you. I miss you." "I miss you so damn much, Beatriz. I can't get enough of you." Halos bulong lang na sabi nya. Ganoon na ganoon rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Habang tumatagal ay parang lalo kaming na a attach sa isa't isa. At hindi ko alam kung masama ba iyon o mabuti. I told Brent na hindi ako pwede, magpapadala na lang ako ng gift. He still insisted, pero nagdahilan talaga ako. Hanggang sa tumigil rin sya. He told me I owe him one dinner because of it, hindi na lang ako nag reklamo. Dadating si Ram at off ko, kaya nag linis lang ako ng bahay habang hinihintay sya. Nag agahan lang rin ako, for sure ay sya na ang magluluto ng lunch. Nakapag pahinga na ako at naligo na nang may kumatok. Nagtaka ako dahil may susi si Ram. Nawala ang ngiti ko nang mabuksan ko ng pinto si Brent. Malapad ang ngiti nya. May dala syang dalawang box ng krispy Kreme donuts sa isang kamay nya. Ayos na ayos ang buhok nya. Naka green na lacoste polo sya at naka slacks. "B-brent?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ko. "Hey! I bought some donuts!" Itinaas nya ang hawak nyang boxes. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko'ng maglaho na lang bigla. Darating na rin si Ram any minute, sigurado ako. "Uh can I come in?" Untag sa akin ni Brent. Wala ako'ng nagawa kung hindi lakihan ang pagkaka bukas ko ng pinto at mabilis iyon na sinara nang makapasok na sya. Iniapag nya sa mesa ang dala nya at luminga linga sya. "Nothing changed a bit since the last time I came here." Nakangiti na sabi nya. Lumapit ako sa kanya. Titiyempo ako ng pagsabi na darating si Ram from Isabela at sana ay ma gets nya naman agad iyon. "Yeah, w-wala naman ako kailangan baguhin." Sinusundan ko lang sya habang naglalakad lakad sya. "So.. what brought you here?" Humarap sya sa akin at ngumiti. "Dinadalaw lang kita. I learned na today ang off mo kaya I thought it's the best time to catch up with some donuts." "Yeah, actually.." Pinaglalaruna ko ang mga daliri ko. "It's really not a good time, Brent. I really like to catch up with you pero sana, I schedule natin. Ram's coming any moment so.." I trailed off. Hinayaan ko na syang maka kuha. "Oh." Nawala ang ngiti nya. "I'm really sorry. I really do want to catch up with you-" "Hey." Ngumiti sya ulit. "It's fine. I can come back again." Kibit balikat na sabi nya. He headed to the door at mabilis ko syang sinabayan. "I'm really sorry, Brent." Sobrang nakakahiya. Well, bigla na lang syang dumating without any notice at kung hindi siguro darating si Ram, I can at least entertain him. Pero hindi ngayon. "It's okay. I'll be in touch." Binuksan nya ang pinto at kapwa kami napatigil nang mabungaran namin si Ram na halatang ipapasok pa lang sana ang susi sa seradura ng pintuan. Pakiramdam ko ay nalaglag sa sahig ang puso ko nang makita na papasok na sana si Ram hawak ang susi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD