20 - Something

2560 Words
Naramdaman ko na gumalaw yung kama after sometime. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. I did not replied to Raisa's message. Kinakalma ko ang sarili ko. I should act maturely kahit gustong gusto ko na umiyak at mag wala. My hands are shaking. I can feel the lump in my throat. Ramdam ko maya maya na pumulupot ang mga kamay ni Ram mula sa likod ko papunta sa bewang ko. I can feel his warmth. His body pressed into my back. He rested his head into my shoulders and his legs next to mine. I froze. Gusto ko syang itulak palayo at sigawan, but I am having all my will power not to. Baka naman hindi si Ram yon? Baka naman nagkamali lang yung naka kita? Baka naman mali yung nasabi kay Raisa? s**t. Pumikit ako ng mariin at hindi ko na napigilan ang umiyak. No, I shouldn't be crying now. Dapat tanungin ko na muna si Ram about it. Pero hindi ko maibuka ang mga labi ko. I feel like a mute. I can't even move. Hanggang sa humikbi na ako. Ramdam ko na inangat ni Ram ang ulo nya mula sa balikat ko. "Honey?" Lalong lumakas ang pag iyak ko when he called me that. Ang daming pumasok sa isip ko. Paano kung naghihintay na lang ng panahon si Ram para makipag hiwalay sa akin? "Hey, are you crying?" Mabilis syang tumayo at humarap sa akin. Nagpunas ako ng luha at umiling. "You are! Bakit?" Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha nya. He cupped my face pero marahan ko iyon na tinanggal. Nakatitig lang sya sa akin, Umiwas ako ng tingin at tumayo. "W-wala. May naalala lang ako." Yeah, right! Imbes na tanungin ko sya about it ay nag deny pa ako. Bigla akong natakot na aminin ni Ram iyon at iyon pa maging dahilan para hindi kami maging okay. Stupid, but sino ba ang sisisi sa akin na gusto ko lang naman makasama si Ram ng maayos ngayong lumuwas sya? Mabilis rin sya tumayo. Akmang hahawakan nya na ako pero mabilis ako naglakad palabas. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig mula sa ref. He immediately followed me. Nang matapos na ako uminom ay hinawakan nya ako samga balikat ko at pilit pinapaharap sa kanya. "C'mon, Beatriz. What's wrong?" He was looking me in the eyes pero hindi ko nakaya ang intensity ng tingin nya kaya umiwas na naman ako. "B-bad dream." Mahinang sagot ko. Lumapit sya sa akin at mabilis nya akong naikulong sa mga braso nya. I melted the instance na naramdaman ko ang init ng katawan nya. Mariin akong napapikit at yinakap sya pabalik. He caressed my hair and I felt him kissed me on my hair. "It's alright, honey. I'm here." He whispered. Pinigil ko ang maluha ulit. Paano na lang kung mawala sa akin si Ram? Paano na lang kung makipag balikan yung ex nya at sya ang piliin? Paano na ako? Lumayo sya sa akin at ikinulong ang mukha ko sa mga palad nya. "C'mon, it's just a dream. Don't cry." Tumango na lang ako at pilit na ngumiti. Inaya ko sya na mag jogging kami saglit. I needed a distraction. Nang makabalik kami ay nagpapak lang kami ng ginisang gulay na luto rin ni Ram. Hindi ko maiwasan ang bigla na lang syang titigan ng hindi nya alam. We have come to this. At kung nakikipag balikan nga yung Sylvia na yon, pwes, wala na syang babalikan. Hindi ko isusuko si Ram. I feel stupid because I felt so damn emotional nang dahil lang sa isang text ni Raisa. Naliligo na si Ram when I decided to call her. "Hey! Bee! Did you received my message?" May panic sa boses nito. "Y-yeah. Confirmed ba yung sinabi ng kakilala mo?" Mabilis na tanong ko. "Yep. Sinabi ko yun sayo not because gusto na mag away kayo ni Tito. Alam ko kasi na hindi nya pa naman nasasabi o nababanggit si Sylvia before." I bit my lower lip. "Umalis nga sya kahapon but he told me na kailangan sya ng kabigan nya." "Well.. But I don't think naman na ginusto nya mag lihim sayo. The best thing to do ay ikaw na ang mag open about Sylvia, Bee. You have to know." Gusto ko bigla yakapin si Raisa. Alam ko naman na malinis ang intention nya, and I can feel her concern for our relationship. "Thank you, Raisa." "Please don't do anything harsh. Mag usap kayo, alright? Promise me na hindi mo aawayin si Tito Ram." Bigla ay parang bata na sabi nito. Natawa sya kahit mabigat ang pakiramdam nya. "Yeah. I promise. Kakausapin ko sya later. Thank you." Nang matapos na kami mag usap ni Raisa ay nanuod na muna ako ng TV. When Ram came out from the room, naka board shorts lang ito, walang damit pangtaas. Napako na naman ang mga mata ko abs nya na parang gustong gusto nya naman na tingnan ko. Nagpupunas sya ng maliit na towel sa buhok nya na basa pa. Tumabi sya sa akin after a while. Agad ko na nalanghap yung amoy ng after shave nya. "Ram." "Yep." "I want to ask you something. I mean, about someone." Hindi ko pa rin sya nililingon. Nakatutok lang ako sa TV kahit hindi ko na alam ang nangyayari sa pinapanuod ko. "Who? What is it?" Kita ko sa peripheral vision ko na liningon nya na ako. Lumunok muna ako. "About S-sylvia." Bahagya akong yumuko. Napatigil sa ginagawang pagpunas ng buhok nya si Ram. I felt him froze at ikinuyom ko naman ang mga palad ko. "How do you know her?" Maya maya ay mahinang tanong ni Ram. Nilingon ko sya. Seryosong seryoso ang mukha nya na nakatingin sa akin. "Importante pa ba yon? When are you gonna tell me about her?" Bahagyang tumaas ang boses ko. Umiwas sya ng tingin. "She's from the past. Importante pa ba na malaman o makilala mo sya?" Humarap ako sa kanya. We were just inches away pero pakiramdam ko ay napakalayo naming dalawa ngayon sa isa't isa. "Mabuti sana kung past na lang talaga eh. Mabuti sana kung hindi kayo nagkikita." Matigas na sabi ko. Mabilis syang lumingon sa akin. "What? Saan mo naman nalaman yan?" "Magdedeny ka ba, Ram? Someone saw you with her." Puno ng tanong ang mga mata ko while looking at him being confused. Hindi sya sumagot. Uminit ang mga mata ko. I want him to deny it. I want him to say na hindi sya iyon, na ibang tao dahil iyon ang totoo. "Ram.." Maiiyak na sabi ko. "It's true." Bigla ay sabi nya. "But we are not doing anything stupid, Beatriz." Bigla akong tumayo. "So sya yung kinita mo kahapon? Yung kaibigan mo na kailangan ng tulong mo?" Tumayo rin sya at hinarap ako. "Honey. listen. It's not what you think. She just called me because she really needed my help. Hindi ko na sinabi sayo because I don't think it's important. But that's it. We're done. Natulungan ko na sya at wala na akong balak na makita sya ulit." Tinitigan ko sya. "Anong tulong naman yung kinailangan nya sayo?" "Beatriz.." "I want to know!" Singhal ko sa kanya. "You were the one who told me na maging honest tayo tapos ikaw maglilihim? This is so f****d up." Bumuntong hininga sya. "Alright, alright. Just don't be mad." He raked his fingers through his hair. "She's sick. Sylvia's sick. She's been wanting to meet me last month but I told her na wala akong panahon. Besides, wala naman ibang reason para I meet sya. At ayoko isipin mo na gusto ko pa makipag kita sa kanya. Then two days ago tumawag sya ulit, telling me she's sick and she needed my help." "Then what?" I asked when he paused. "I don't want to believe it. But she sounded sick so sinabi ko na luluwas ako kahapon. Look, Beatriz. I am really sorry. I really don't think na kailangan mo pa malaman ang tungkol sa kanya kaya hindi ko sinabi. But I wasn't doing anything wrong." Akmang lalapit sya para hawakan ako pero umatras ako. I saw the pain in his eyes dahil sa ginawa ko. "What help did she asked?" I saw him pressed his lips before he spoke. "F-financial." "What? Ano bang sakit nya?" "She got diagnosed with liver infection." Hindi ako nagsalita. Looking at Ram, alam ko naman na nagsasabi sya ng totoo. There's no reason to lie anymore. Pero nakakainis pa rin na kung anu ano na ang naiisip ko kahapon tapos totoo naman pala na naglilihim sya. "So that's it? Hindi na kayo magkikita ulit?" Kahit papaano ay kumalma na ako. Tumango tango sya na parang maamong tupa. But a half naked one. "Yes. I swear." "Baka may hindi ka pa sinasabi sa akin? Ngayon mo na sabihin." Tinaasan ko sya ng kilay. "Honey, wala na. That's it. I swear." Tinitigan ko si Ram. Ngayon kaya ko na aminin na mahal ko sya. Mahal na mahal. I have never felt this kind of feeling before. Kahit kay Brent. Ngayon ko naisip kung gaano kababaw nang feelings na naramdaman ko para sa ex ko pero while looking at Ram now, I know na sobra sobra at nag uumapaw ang pagmamahal ko para sa kanya. Ano pa ba ang reason bakit takot na takot ako na mawala sya? Na sya na ang naiimagine ko na kasama ko in the future? Na wala na akong ibang tao na madalas iniisip kung hindi sya? Na sa kanya ko binigay ng buo ang sarili ko. No inhibitions, no thinking. I just did. Everything felt alright knowing Ram's with me. It felt like I'm home whenever we're together. Sabi nga nila, you know you're in love when HOME is becomes a person, not a place. And I found my home in this guy in front of me. "Honey.." Kita ko ang pag aalala pa rin sa mukha ni Ram. I sighed. Walang gumagalaw sa amin. Hindi na ako galit, wala na ang inis ko. All I wanted to do now is hold him. Pero sa tingin ko ay ngayon na rin ang oras para malaman ko ang lahat tungkol kay Sylvia with his own mouth. Past is past? That can't be in this case. "C-can you tell me about Sylvia now?" Mahinang tanong ko. Nagtama ang mga mata namin at unti unti syang tumango. "Come here." Sabi nya. Seryoso ang mukha nya habang nakatingin sa akin. I bit my lower lip and walked into him. Mabilis nya akong sinalubong ng yakap. I hugged him back. And I don't think na makakalimutan ko pa ang amoy ni Ram. He pulled me into the sofa at sabay kaming napa upo. Naka akbay sya sa akin when he started talking. "Sylvia's my second girlfriend but she's my first love. Sobrang intense ng nararamdaman ko sa kanya that I became a different person. When I went home from Miami, I got a bit uncomfortable living in a ranch. Hindi ako sanay. I don't know what to do. Pero naging pasensyoso ang mga tauhan na turuan ako paano ko palakarin ang Hacienda. That's when Sylvia came. She became my assistant." Pareho kaming nakatingin sa glass walls ng condo ko. I promised myself not to be jealous anymore at pakinggan na lang si Ram. "I don't know why, but I saw her so vibrant. Madalas ko syang napapansin, napapatingin na lang ako bigla sa kanya. Parang nawawala ang pagod ko when she's around. Matagal na kaming tinutukso, but I did not dare to make a move on her. After a while of being in a professional relationship, Sylvia just came out of nowhere and confessed. She said she really liked me. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin. It wasn't in my intention na magkaroon ng relasyon with my assistant. But the inevitable happened. Habang tumatagal, I feel pampered. Nahulog na rin ako sa kanya to the point na hindi ko na kilala ang sarili ko." "Naging masaya kami. My stay with Hacienda became more meaningful. But it just lasted for quite sometime. I became aggressive in wanting to be with her so I asked her to marry me. Pero hindi pa daw sya handa. I waited and I waited. Pero hindi ko alam kung anong nagyari. Umalis na lang sya bigla. I looked for her hanggang malaman ko na umalis na sya ng bansa at nagpa kasal sa iba. I became really bitter after that. Nasanay ako na ang saya saya ko bawat gising ko pero bigla na lang nag iba ang lahat." Pinisil nya ang balikat ko at tiningala ko sya. He was looking at me back. "But it's all over now. Wala na yung bitterness. You're with me now and I don't think I still have to look for anyone that can fulfill me." Masuyo na sabi nya. "Is she the reason why.." Hindi pa ako tapos sa tanong nang tumawa sya. "Yes, I got mad for the wrong reasons. Kung anu ano na lang ang pinagbubuntunan ko ng galit. You reminded me of Sylvia the moment I first saw you in the park." Yumuko ako. "Yeah, right. Bukas yung zipper ko." Nahihiyang sabi ko. Tumawa sya ulit. "But you look so cute though." "Cute, pero nakasimangot ka nung nilapitan mo ako." Napanguso ako. "I told you, I got mad for the wrong reasons. Sylvia's very modern. One thing kaya ko sya tinanggap bilang assistant is because she's capable. She can talk in English fluently, she's fast on her feet, her ideas are very fresh. Very independent. Parang ikaw. So I'm sorry if we met on the wrong foot. But here we are now, right?" Tumango ako. "But you just don't see her in me that's why you liked me, right?" Mahinang tanong ko. "What? No! That's insane. I saw Sylvia in you at first because you have a lot in common, coming from the city, being modern, being independent. That's why I tried to hate you. But you're just irresistible like that. And I don't hate talking in English again. It feels new!" Tumawa ako. "The what made us different then?" He was looking at me tenderly then caressed my cheek using his finger. "Well, for one, you don't have to try to be adorable because you already are." Then he pinched my nose. Tinabig ko ang kamay nya at tumawa lang sya. I felt so much better after that. Namasyal kami kinahapunan then made love at night. Kagaya ng dati ay sabay kaming umalis. Ako papasok at sya naman sa airport. Ilang linggo na naman kaming hindi magkikita so I decided na magpaalam ng leave kay Via for a week but I will do my work accordingly by email. I wanted to surprise Ram at medyo gusto ko na ako naman ang mag effort. Hindi biro ang pag travel nya ng malayo para lang magkita kami. And when Via said yes the next Monday, agad akong nagpa book ng flight the next week without telling Ram. I called Heron para kasabwatin sya. He got my number first when he called me one time na hindi nya ma contact si Ram, so I saved his number. And kahit na nakakapagtaka na napaka enthusiastic nya na papuntahin ako doon ay nag kibit balikat na lang ako and packed my bags earlier before the flight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD