"It was nice seeing you again, Bee!" Halata ang pagka gulat sa mukha ni Brent. Mas bumata pa yata sya kaysa sa huling naalala ko ang mukha nya.
Tumayo ako at nakipag beso sa kanya. He was wearing a plain green polo at maayos na maayos ang buhok nya. "Nicee seeing you again, Brent."
Bigla ako'ng hinawakan ni Brent sa pisngi at pinisil iyon. "Still very pretty. Kamusta sila Tito?"
"Thanks." He used to do that to me before. "Okay naman sila Dad. I'll tell them na nagkita tayo at pinapakamusta mo sila. I hope okay lang rin sila Tito at Tita? Si Briana?"
Tumawa si Brent. "You wouldn't believe, Briana's engaged. Naunahan nya pa ako. They are all fine. I'll also tell them na nagkita tayo. After so many years."
After our break up ay nagkita pa rin naman kami twice that year. Same circle ang ginagalawan namin kaya understandable. Isa pa, isang taon kaming naging steady ni Brent kaya di ganoon kadali maka iwas sa mga common friends namin.
Nilingon ko si Ram na nakatingin lang sa amin.
Agad ako'ng lumapit kay Ram at humarap kay Brent.
"By the way, this is Ram, my boyfriend. Honey, this is Brent." Pagpapakilala nya.
Lumapit si Brent at tumayo naman si Ram. "Nice meeting you, man. You two look good together." Nagpalipat lipat ang tingin ni Brent sa amin.
Ram's hand snaked through my waist at bahagya iyon na pinisil. "Care to join us?" Aya ni Ram.
Gulat na napatingin ako sa kanya.
Tumawa si Brent. "I would love to, pero napadaan lang ako rito. A friend own's this place and I am here to pick him up."
Tumango ako. Ramdam na ramdam ko pa rin ang higpit ng hawak ni Ram sa akin. "Alright. See you again." Sabi ko na lang.
"You take care too, alright?" Nakipag beso sya ulit sa akin at nakipag kamay may Ram. "You got a good catch, man. Take care of her." Tapos mabilis rin itong naglakad papasok.
Huminga ako nang malalim nang mawala na si Brent, pero hindi pa rin ako binibitawan ni Ram, Nakatayo pa rin kaming dalawa.
"Ram.."
Tsaka pa lang sya nito binitawan. "Sino sya?"
"Family friend." Mabilis na sagot ko. Sa tingin ko naman kasi, hindi na importante na malaman nya pa na ex ko si Brent. Apat na taon na ang nakaka lipas, and we parted our ways cleanly. Bumalik ako sa pag kain pero napatigil ako nang mapansin na nakatingin pa rin sa akin si Ram. "What?"
"Wala na ako'ng gana." Mahinang sabi nya. Sumandal sya sa upuan at uminom na lang ng tubig.
Tumaas ang kilay ko. "Why?"
"I'm already full, Beatriz." Masungit na reply nya. Walang lambing o kung ano.
Napa maang na lang ako sa biglang pag iiba ng mood nya. Nagkibit balikat na lang ako at tinapos ang pagkain ko. Wala syang imik the whole drive na pauwi kami. Pero nagulat na lang nang makapasok na kami at agad nya akong sinandal sa pintuan at mariin na hinalikan.
I welcomed his kisses at napa ungol ako nang idiin nya ang sarili nya sa akin. Bumaba ang halik nya sa leeg ko habang ang dalawang kamay nya ay nasa bewang ko.
"Ram.."
"I'm gonna miss you so bad." He answered in between his kisses.
Mariin ako'ng napa pikit. Iyon rin ang siguradong mararamdaman ko. Sa dami ng pinaramdam at ginawa para sa akin ni Ram habang nasa Hacienda Esquillo ako, I don't think na makaka get over pa ako sa mga iyon. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag umalis na bukas si Ram.
Kinapa ko ang katawan nya at isa isang binuksan ang butones ng suot nyang polo. Hinila koi yon mula sa pagkaka tuck in. Ang sexy sexy tingnan ni Ram habang bukas ang suot nyang polo. Nag hello na naman sa akin ang six pack abs nya.
Ram squeezed my butt at patuloy pa rin sya sa pag halik sa leeg ko. Napapakagat ako ng labi dahil medyo nakikiliti ako.
Napatigil sya sa ginagawa nya nang makarinig kami ng katok. Tiningala nya ako na parang nagtatanong kung sino iyon.
Nagkibit balikat ako na humiwalay sa kanya. "Sino yan?" Nagtataka na tanong ko.
"Bee! This is me!" Agad ko'ng nabosesan ang boses ni Beks sa likod ng pinto.
Bahagya ako'ng napa tanga bago ako nag panic. Tiningnan ko si Ram na nakatingin lang sa akin.
"Fuck." Mahinang mura ko.
Nagsalubong ang kilay ni Ram. "That wasn't very nice." He curled up his arms into his chest.
"Fine. Sorry. Nandito kasi yung kaibigan ko." Nagpapanic na sabi ko sa kanya.
"Bee? Ang tagal mo buksan! Ano bang ginagawa mo?" Tawag uli ni Beks. Kumatok sya ulit.
Ang bilis ng t***k ng puso ko. Si Beks. Si Ram. Maaabutan ni Beks si Ram. Paano ako maeexplain kay Beks bakit nandito si Ram? Dalawang lingo lang ako umuwi, may boyfriend na ako at kasama ko pa ngayon sa apartment ko. Hindi ko alam ang gagawin.
"Bee! Haller girl! Paghihintayin mo ba ako rito hanggang-" Natigil sa pagsasalita si Beks.
Hindi ko namalayan na nalampasan na ako ni Ram at sya na ang nagbukas ng pintuan. Sobrang nanglalamig ako. Nakita ko na parang natulala si Beks nang makita si Ram. May dalang plastic bag at isang bote ng softdrinks si Beks.
"B-beks." Tawag ko sa kanya. Tumabi ako kay Ram na nakasandal sa pinto.
Bumaba ang tingin sa akin ni Beks. I gave him an apologetic smile. "B-bee?" Hindi makapaniwala na tanong nya bago muling tiningala si Ram. Bumaba ang tingin nito sa katawan ni Ram. Nakabukas nga pala ang polo nya.
Napabuga ako ng hangin at kinuha ang dala dala nya. "Pasok ka Beks." Nauna akong pumasok.
Niluwagan ni Ram ang pagkaka bukas ng pinto. Narinig ko na lang na nag click iyon nang mailagap ko na sa dining table ang mga dala ni Beks. Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. Speechless pa rin sya. Ako rin naman. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Beatriz. Aren't you gonna introduce me to your friend?" Kunot ang noo at seryosong seryoso ang mukha na sabi ni Ram.
Bahagya lang syang nilingon ni Beks tapos tumingin ulit sa akin.
"Okay, alright. Honey, this is Beks. My friend and co worker. Beks, si Ram." I paused. Lumunok muna ako bago muling nagsalita. "B-boyfriend ko."
Beks gasped. Iyon rin ang naisip ko na magiging reaction nya.
"Pero bago ka mag freak out, let me explain, okay?" Pinilit ko ngumiti.
Dramatic na napahawak pa si Beks sa dibdib nya. Awang pa rin ang mga labi nya. Now, hindi ko na alam kung saan sya nagulat. Sa katotohanan na isang hunk ang nag bukas ng pinto sa kanya o ang katotohanan na boyfriend ko ang hunk na iyon.
Lumapit sa akin si Ram Hinapit ako at bumulong. "Magbibihis lang ako." Sabi nya at hinalikan ako sa noo bago pumasok sa kwarto ko.
Sinundan namin sya ni Beks ng tingin. Parang nagkaroon ng magic sa paligid at agad na gumalaw si Beks. Lumapit sya sa akin at hinila ako.
"Bruha ka! Ano'ng boyfriend?! Saan mo nahugot ang papalicious na yon?!" hindi ko malaman kung gulat o nakangiti si Beks.
Hinila ko sya para maka upo kami sa couch. "Beks, nakilala ko si Ram sa Isabela."
"Good gracious! Sa Isabela pala nagtatago ang mga ganyang papalicious!" nag sign of the cross pa ang bakla.
Pero mahina ko syang pinalo sa kamay. "Beks ano ba? Makinig ka nga." Napu frustrate na sabi ko.
"Okay, sorry. You've only been in Isabela for a week, tapos uuwi ka ng may boyfriend?" Nag quote pa ito sa hangin.
"Actually.. Yung one week na vacation ko, sa Isabela ko rin sya in-spend." Mahinang pag amin ko. "Almost two weeks na kaming magkasama ni Ram. Doon ako tumuloy sa Hacienda nila." Nahihiya na sabi ko pa.
"Holy cow! Hacienda? Haciendero ang boyfriend mo?!" Nanlalaki ang mga mata na sabi ni Beks.
Nilingon ko ang pintuan ng kwarto ko. Dinadasal ko na sana makaramdam si Ram at huwag muna lumabas. Gusto ko mag explain sa kaibigan ko kung bakit may nadatnan syang lalaki rito at bakit may boyfriend ako bigla.
Nang hindi pa naman iyon bumubukas ay hinarap ko ulit si Beks.
"Y-yes."
"Wow. Just wow, girl." Hindi pa rin makapaniwala si Beks. I know it's a lot to take in. Pansin ko rin na hindi nya alam ang sasabihin.
"But we are taking it slow, you know. K-kaya sya nandito kasi ihinatid nya ako. Bukas ng umaga babalik rin sya sa Isabela." Sabi ko na lang.
"Wow."
Hindi na ako ulit nakapag salita dahil bumukas na ang pinto. Iniluwa no'n si Ram wearing his signature white v neck shirt. Nakapantalon pa rin ito. Dumiretso si Ram sa kusina at tiningnan ang plastic na dala ni Beks. Sinusundan lang namin sya ng tingin habang parang model na naman syang naglakad.
"Ano'ng lulutuin nyo?" Agad na tanong nya.
Tiningnan ko si Beks.
"Ahm. Ano." Hinahapuhap ni Beks ang sasabihin hanggang sa siniko ko sya at bumalik sya sa sarili. "Ano, ipagluluto ko sana si Bee ng pork curry."
Tumango tango si Ram. "Would you mind kung ako na lang ang magluto? You two should catch up." Swabeng pagkaka sabi ni Ram.
Tiningnan ko ulit si Beks. "Ah o-oo naman. Sige."
Ngumiti si Ram sa amin. "Alright." Tapos tumalikod na at dinala sa sink ang plastic.
"What the hell. Marunong sya magluto?" Parang anytime ay gusto na magwala ni Beks. Gusto ko nang matawa sa mga reaction nya. Mabuti at hindi nya ao pinag isipan ng kung ano after learning na wala pang two weeks kaming magkakilala ni Ram.
I don't want to be judged. Proud ako na boyfriend ko si Ram pero hindi lahat ng tao maiintindihan kung ano ang pinag usapan, pinagdaanan o plano namin sa relasyon namin. It is a whirlwind romance, yes. Pero ang importante ay totoo kami sa mga feelings namin.
I had to tell Beks everything kung paano kami nagkamabutihan ni Ram. Alam ko na naiintindihan nya ako at hindi naman sya tutol. Speechless lang daw talaga sya nang makita nyang si Ram ang nagbukas ng pinto kanina, naka bukas ang polo at kitang kita ang abs.
"Total package sa physical attribute, rich, magaling magluto, nag effort na ihatid ka dito at nangako na dadalawin ka ng madalas. If he isn't perfect, hindi ko na alam kung ano. You've hit the jackpot, my friend. Sa tagal mo'ng single, sa Isabela ka lang pala magkaka love life." Natatawa na sabi ni Beks.
Sinimulan na namin na inumin ang dalang softdrinks ni Beks. Naglabas ako ng biscuits since iyon lang ang pagkain na meron ako habang hinihintay namin na magluto si Ram. Kita ko na nagsaing na rin sya since tinuro ko sa kanya kanina kung nasaan ang supply ko ng bigas at nasa plain sight naman ang rice cooker sa kusina.
"I know. Ang sweet sweet nya pa. Minsan nga parang panaghinip lang. Hindi ko alam kung bakut deserve ko 'to but I'll take care of him." Dreamy na sabi ko.
Sa wakas ay mayroon na akong makakausap tungkol kay Ram. Isa kasi ito sa mga worry ko. Paano kung kailangan ko lang kimkimin lahat kasi ayoko na mahusgahan kami? I am really lucky to have Beks. Blessing in disguise na rin ang biglang pagsulpot nya rito.
"Oh, God. That smell. Ang sarap na!" Pumikit pa si Beks habang inaamoy ang linuluto ni Ram na kumalat na ang amoy. "Wala bas yang kapatid, Bee? Reto mo ako." Biro nya.
"Unico hijo, peo may pinsan na gwapo rin." Sabi ko naman. Agad ko kasing naalala si Heron.
"Swerte ko nga naman." Malakas ang tawa na sabi ni Beks.
In ten minutes ay gusto ko'ng sugurin ng yakap si Ram nang tawagin nya kami para sabihin na kakain na daw. Kumain na kami ni Ram, pero mabuti na rin na maaga pa kami kumain kanina. Hindi namin ini expect na darating si Beks. Kita namin na handa na nga ang lahat sa mesa.
Lalo ako'ng naiinlove kay Ram sa bawat oras, if that's possible.
Pasimple ko syang yinakap at binigyan ng mabilis na halik bago kami umupo sa hapag kainan.
"Actually nag dinner na kami, pero nagutom ako ulit." Natatawa na sabi ko.
"Really? Hindi na kasi ako nagtext para I surprise ka. Ako pala ang masusurprise." Tiningnan ni Beks si Ram tapos sa akin naman.
Ngumuso na lang ako. "I was gonna tell you naman, eh. Kumain na tayo, tikman mo luto ni Ram." Proud na sabi ko.
Hindi naman ako napahiya dahil paulit ulit sa pagsabi ng "masarap!" si Beks the whole duration ng pagkain namin.
Kakatuwa na marami pa rin ako'ng nakain kahit kumain na kami ni Ram. Si Ram ay tumikim lang, isang luwag lang ng kanin at nagpapak na lang.
Pasado alas nueve nang umalis si Beks.
Agad ako'ng yinakap ni Ram nang maka alis na si Beks.
"Mukhang kailangan mo na talaga ako'ng ipakilala sa mga kaibigan mo." Natatawa na sabi nya habang yakap ako.
Lumayo ako sa kanya. "Wala na ako'ng choice." At nginitian sya.
"I know you got nervous a while ago." Bigla ay naging seryoso si Ram.
"Well.."
"Alam ko. Naiintindihan ko." Ngumiti sya pero lumamlam ang mga mata nya.
Bigla ako'ng nag panic. Hindi ko alam kung bakit. "R-ram."
"M-matulog na tayo." Linagpasan nya lang ako at naglakad sya pabalik sa kwarto ko.
Hinabol ko sya. Hindi ko alam kung bakit na naman sya nagkakaganon. Sumunod ako sa kanya sa kwarto. Inopen nya ang aircon, tapos naghubad sya ng shirt at pantalon. Boxer lang ang tinira nya at dahan dahan syang humiga sa kama.
"Ram." Tawag ko sa kanya.
Hindi sya sumagot. Lumapit ako sa kanya, umupo ako sa tabi nya at hinaplos ang braso nya.
"Ram may problema ba?"
Nakapikit sya at umuling. Inilagay nya ang braso nya sa mga mata nya. I bit my lower lip. Hindi mawala ang panic ko sa dibdib ko, I wanna know kung bakit kanina pa nag iiba ang mood nya. Mula nang dumating kami, about sa delivery, kanina sa resto at ngayon.
"Ram naman. I thought we have to be honest with each other?" Malambing na sabi ko sa kanya.
Dahan dahan na gumalaw si Ram at umupo mula sa pagkaka higa. Humarap sya sa akin. "You lied when you told me na family friend mo lang si Brent, Beatriz." Mahina, kalmado pero may diin na sabi nya.