13 - The Ex

2535 Words
Napako rin ako sa kinatatayuan ko ng ma realize ko ang sitwasyon. Unti untong bumitiw mula sa pagkaka akbay sa akin si Ram at naglakad palapit sa Mama nya. The woman was old, naka updo ang buhok nito at naka suot ng bulaklaking dress. Agaw pansin ang suot nyang gold dangling earings at gold wrist watch. But she looks very regal. Naka postura talaga ito. Nakita ko na hinalikan ni Ram sa pisngi ang Mama nya bago ito kinausap. "Mama, hindi kayo nagpasabi na dadalaw kayo." Imbes na sumagot ay lumanding ang tingin ng Mama nya sa akin. I froze. Pakiramdam ko ay jina-judge nya na ako sa tingin nya. Hindi ko alam kung saan ako titingin, imbes ay ngumiti ako. Pero tinaasan nya lang ako ng kilay matapos ako tingnan mula ulo hanggang paa at humarap ulit kay Ram. "So, Heron was right. May babaeng taga Maynila ka nga na tinatago rito." Halata ang pagka disgusto nya sa boses nya. Nawala ang ngiti ko. Uh oh. Katapusan na yata ng maliligayang araw ko. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko. Hindi ko alam ang gagawin. "Mama, sya si Beatriz." Nilingon ako ni Ram bago muling tumingin sa Mama nya. "At hindi ko po sya tinatago." "Then what is she doing here? Sino sya, Ramiel?" This time ay matalim na sabi nya. Napa pitlag ako dahil sa gulat. "Ilang araw ka nang hindi dumadaan sa tubuhan sabi ni Pedro. Ano'ng kalokohan ba 'to Ramiel? Don't tell me na dahil yon sa babaeng yan?" She shoot me a sharp glare. I bit my lower lip. s**t. Hindi lang pala mukhang kontra bida Mama ni Ram, pari pagsasalita pang kontrabida rin. At halatang ayaw nya sa akin. "Mama." I heard Ram said sharply too. "Let's talk. Wait for me at the library." Sabi nya at naglakad pabalik sa akin. "What? Ano'ng kailangan nating pag usapan?" Confused pero halata ang disgusto sa boses nya. Patingin tingin sya sa akin at kung nakaka tusok lang ang talim ng tingin nya sa akin ay baka natusok na ako ng ilang ulit. It was so awkward. Di ko alam ang gagawin ko. "Please, 'Ma." Iyon lang ang sinabi ni Ram at inakbayan nya na ako. Kita ko ang pag awang ng labi ng Mama ni Ram na parang hindi makapaniwala sa inasal ng anak nya. Wala akong alam tungkol sa kanila kaya hindi ko rin alam kung paano ang mother and son relationship nila. Pero isa lang ang alam ko, ayaw ng Mama nya sa akin. It doesn't take a genius to know. Tiningala ko si Ram. Seryosong seryoso ang mukha nya at inakay ako paakyat. Kita ko pa ang pag ismid ng Mama nya habang sinusundan kami ng tingin. Para akong nakahinga ng maluwag nang makapasok na kami sa kwarto ni Ram. He opened the aircon tapos humarap sa akin. "Pasensya ka na, hindi ko rin alam na pupunta ang Mama. She rarely visits me. Mukhang naikwento nga ni Heron ang tungkol sayo." He was making the mood lighter, pero hindi iyon effective. Para akong nanghihina na napaupo sa gilid ng kama nya. "She doesn't like me." Ang tangi ko'ng nasabi. Lumapit sa akin si Ram. "Beatriz, ganoon lang talaga si Mama. She doesn't do well with most people." Umupo sya sa tabi ko at ginagap ang kamay ko. Liningon ko sya. "Uh I think bumalik ka na at kausapin na sya." I tried to smile pero pilit ang lumabas. I wasn't really feeling well about this. Imbes ay hinawakan nya ang mukha ko habang nakatitig sya sa akin. "Ayoko ng malungkot ka." Napangiti ako. "I'll be fine." I assured him, kahit hindi ko naman talaga alam kung magiging okay lang ba talaga ako. Imagine, biglang sumulpot yung Mama nya dito? Hindi ko naisip 'yon. Hindi ko naisip na mas marami pang bagay ang dapat i consider bukod sa aming dalawa lang ni Ram. And there's a churning feeling in my stomach na kahit ayaw ko'ng i entertain ay hindi ko maisawalang bahala. "Babalik ako. Kakausapin ko lang ng mabilis si Mama." Nakatitig pa rin na sabi nya sa akin. Tumango ako. When his hand left my face, I feel naked all of a sudden. I needed his warmth. But I never said a thing. Tumayo sya, dumukwang sa harap ko para bigyan ako ng mabilos na halik sa noo at parang apologetic na lumabas ng kwarto nya. When he left, napahiga na lang ako. I looked at the ceiling for a few minutes bago ako nagpasya na bumangon at pumunta sa kwarto ko. Inipon ko na ang mga damit ko para isasalansan ko na lang bukas. Then I checked my messages on my phone. Binabalitaan ko lang sila Beks ng mga ginagawa ko. Sinabi ko sa kanila in all honesty na hindi ako umalis ng Isabela. And now excited na raw sila sa pagbabalik ko. Of course, hindi ko pwede kalimutan ang pasalubong. Magpapasama na lang ako kay Ram bukas. Baka sa Cauayan na ako matulog bukas ng gabi para diretso na lang ako airport the next morning. Pero naisip ko na ihahatid nga pala ako ni Ram sa Manila at na excite na lang ako sa idea. Kung maihahatid nya pa nga ako ngayon na nandito na ang mama nya at nalaman na may kasama si Ram dito. Maya maya ay nakarinig ako ng ugong ng sasakyan, kaya napasilip ako sa bintana. Kita ko na binuksan ni Ram ang pintuan ng isang itim na honda at pinapasok ang Mama nya. May driver ang sasakyan. Unti unti akong naglakad pabalik sa kama. My ex knew my parents, as well his parents knew mine. Golf buddies ang mga Daddy namin at nagkakilala kami ni Brad when we bumped into the sports club our fathers frequent to. So everything was smooth for me before. Mukhang mahihirapan ako sa Mama ni Ram. Malay ko ba kung Mama's boy si Ram? Tapos iiwan nya ako sa ere kasi ayaw ng Mama nya sa akin? "Fuck." Mahinang usal ko. "Well, that wasn't very nice." Lumingon ako at di ko na namalayan na nakapasok na pala sya. He was holding the door handle at nakatingin lang sa akin. Kunot ang noo nya. "Sorry." Apologetic ko syang tiningnan. Umiling iling lang sya bago isinara ang pinto at tumabi sa akin sa pag kaka upo sa gilid ng kama. "What happened?" Kunwari ay tanong ko. Lumunok si Ram. "Nag usap lang kami tungkol sa tubuhan." Matipid na sagot nya. "H-hindi na raw pumupunta?" "Ngayon lang naman, at may katiwala naman kami doon." Tiningnan ko lang si Ram. "Sorry. Dumagdag pa ako sa dami ng responsbilities mo." Tapos yumuko ako. Tumawa sya. "Don't be sorry. You're currently the best that ever happened into my life, Beatriz. There's nothing for you to feel apologetic." I smiled at him. "Ikaw rin naman." Amin ko. He pulled me into his arms and gave me a deep kiss. "So we still have some time today and tomorrow." Nakatitig sa akin na sabi nya. "Let's just make the most out of it." Tumawa ako. "Aba. Tuwang tuwa ka na mag English ngayon ah?" Imbes ay sabi ko. He licked his lower lip, bit it then smiled. "The things you do to me." Husky ang boses na sabi nya. That afternoon ay inaya nya ako na pumunta sa barn. May alaga silang baka, kabayo, kambing at baboy. Yung mga nasa malapit sa kubli ang nag aalaga sa sampung kalabaw na sa malapit lang rin doon naka stay. I watched Ram feed the animals half naked. May katulong syang dalawang lalaki na halos ka edad nya lang din. Hindi ko alam pero parang nakikita ko na in the future, kung kami nga ni Ram sa huli, which is still very early to say, magiging ganito ka simple ang buhay namin. And surprisingly, I find it comforting for a city girl like me. Sa laki ng main house, I am sure na mag eenjoy ang magiging anak namin. Wow. Where did it all came from? "I would hug you and kiss you pero madumi ako." Hindi ko namalayan na nasa harap ko na ulit si Ram. May ilang dumi sa katawan nya dahil sa pagpapakain sa mga hayop but nevertheless, he still look dayum hot. Kitang kita ang v-line nya dahil sa naka hung low na pants nya. Tumawa lang ako. "Hot ka pa rin tingnan." Ngumiti lang sya. "Ano'ng iniisip mo?" "Wala naman. Nakakatuwa ka tingnan habang nagpapakain sa kanila." "Nakakatuwa? Are you sure?" Kunot noo pero natatawa na tanong nya. "Baka naman na turn off ka na bigla?" Ngumisi sya. Umiling iling ako. "No, never." Tinitigan nya lang ako at sinalubong ko ang tingin nya. Nahihiya na akong tumawa. May mangilan ngilan sa mga trabahador nya ang patingin tingin sa amin. Nang matapos na sya sa ginagawa nya ay bumalik na rin kami sa main house. Once again ay ipinagluto ako ni Ram. Hinding hindi ako magsasawa kumain ng niluto nya. Once again ay busog na busog ako sa huling gabi ko sa hacienda. May kinausap lang sandali si Ram sa telepono at hinintay ko sya sa kwarto nya. Pinagsasawa ko na ang tingin ko sa kabuoan ng kwarto. Siguradong mamimiss ko ang lugar na ito. This is where Ram and I first made love, dito rin ako natutulog at nagigising na sya ang una ko'ng nakikita. "Hi." Nilingon ko sya nang pumasok sya. Agad nyang ini lock ang pinto at sinamahan ako sa kama. Automatic nya akong yinakap at hinila pahiga. Malamig ang paligid but there's nothing like the warmth that Ram can give me whenever he is near. "Pakiramdam ko miss na agad kita kahit magkasama pa rin tayo." He murmured. Tumawa ako at tiningala sya. Nakahiga ako sa dibdib nya habang yakap yakap nya ako. "Me too." Bumuntong hininga si Ram. "Parang ayoko nang lumayo sayo." Tumawa ako ulit. "Ram, stop it. Ihahatid mo naman ako diba? At sabi mo dadalaw ka ng madalas." "Nangako ako sayo, Beatriz." Tumango ako. "You can stay for the night tomorrow kung wala ka naman gagawin. Pero kung busy ka naman, okay lang." Tumingin rin sya sa akin at pinisil ang balikat ko. "I can stay." Ngumiti sya at hinalikan nya ako sa noo. We sleep cuddling. Si Ram pa ang gumising sa akin kinabukasan. Walang kasing sarap ang tulog ko, pero kailangan ko na bumangon dahil nga sa flight namin. Naka ayos na sa sasakyan ang lahat ng mga dadalhin namin. Sa Cauayan na daw kami mag aagahan at ayos lang naman dahil pakiramdam ko ay busog na busog pa ako mula sa kinain namin kagabi. Dahil may driver ay magkatabi kami sa likod ni Ram. Natulog lang ako buong byahe sa balikat nya. Nakasuot sya ng itim na polo na naka tucked in sa suot nitong slacks. He looked so damn edible pero kailangan ko pigilan ang sarili ko. Hindi nakatulong ang mabangong amoy nya sa pagpipigil ko. Kumain kami sa isang restaurant at magkahawak ang kamay na sumakay sa eroplano. Mas nalulunod ako sa pakiramdam na may kasama ako'ng importante sa akin bumyahe kaysa sa mismong pag lipad ng eroplano. Ngayon ko na appreciate ang pag hatid sa akin ni Ram. "Bakit ba antok na antok ka? Sabay lang naman tayo natulog kagabi." Amused na tanong ni Ram nang nasa eroplano na kami. Napanguso ako. "I don't know, I jist feel sleepy." Tapos ay humilig ako ulit sa balikat nya. Inayos nya ang pag upo nya para maka hilig ako ng maayos. Nagising ako ten minutes bago mag landing ang eroplano sa terminal. Busy sa pagbabasa ng news paper si Ram nang magising ako at seryosong seryoso sya sa pagbabasa. Tinititigan ko lang sya nang bigla nya akong lingunin ng kunot ang noo. "Masama ang mangtitig, Beatriz." I smiled at him. "Well, you're mine. So I can stare at you anytime. Right?" I leaned into him and gave him a smack on his cheeks. Ngumisi sya at napa iling na lang bago ibinalik ang atensyon sa news paper. Nasa cab na kami papunta sa condo ko nang maka tanggap ako ng tawag kay Via. I told Ram about it, baka kasi bigla nya ako kausapin. Tumango lang sya at tumingin sa dinadaanan. "I was just checking you out, baka hindi ka na bumalik." Masiglang bati ni Via nang sagutin ko na ang tawag nya. "Of course you do. Nasa cab na ako pabalik sa condo." Natatawa rin na sagot ko. "Alright then. Aasahan kita bukas, Bee?" "Yes. And thank you, Via, You really don't know how it means to me." "Sus. Wala yon. See you." Pinutol ko na ang linya at nakangiti na tiningnan si Ram. Nakatingin pa rin sya sa bintana ng sinasakyan namin at tahimik lang sya. Seryoso ang mukha nya nang lingunin nya ako. "Malayo pa ba tayo?" Tanong nya. Tiningnan ko ang paligid. "Malapit lapit naman na. Naiinip ka na ba?" Huminga sya ng malalim. "Hindi naman." Tumawa ako. Halata kasi na naiinip na sya, pero nasa Guadalupe pa lang kami at medyo traffic pa. Hindi ko alam pero excited ako na maisama si Ram sa condo ko. We are really getting deeper in this, kahit na halos dalawang lingo pa lang ang pagkaka intindihan namin. He made me realize that It's really not the length of time that's important but the feelings that people feel for each other. Dala ni Ram ang dalawang luggage ko at ang sling bag na dala nya. Ako naman ay ang travelling bag ko. Sumakay kami sa elevator at tahimik kaming pumasok sa condo ko. Isinukbit ko sa lagayan ko ng susi ang susi ng condo at pasalampak na naupo sa sofa. Binuksan ko ang cooler at ihinarap sa amin ni Ram. Ang kwarto ko lang naman kasi ang aircon. "Gutom ka na ba?"I slid my hand into his at hinolding hands sya. Si Ram ang unang pumisil ng kamay ko. "Mag isa ka lang ba dito?" Lumilinga na tanong nya. "Oo. Regalo sa akin 'to ng Mommy at Daddy ko when I graduated college almost five years ago." Tumango tango sya at tumingin sa akin. "Sigurado na wala kang supplies. Saan ang pinaka malapit na palengke rito?" "What? Magpa deliver na lang tayo. Mapapagod ka pa." Nakanguso na sabi ko at hinimas ang braso nya. Bumuntong hininga sya. "Ikaw ang bahala." Halata ang disappointment sa kanya pero hindi ko na iyon sinagot para hindi na lumaki. Alam ko na gusto nyang ipagluto ako, pero ayoko naman na mapagod pa sya wherein pwedeng pwede naman nga na magpa deliver na lang kami. I ordered Amber's at kahit na alam ko na parang nagtatampo pa si Ram ay magana rin ang pagkain nya. We snuggled while watching TV at sabay kaming nag shower nang hapon na. We did a round bago ko sya inaya na kumain sa labas para sa hapunan. Sya ang pinapili ko ng kakainan at isang Thai resto ang pinili nya. Probinsyano si Ram pero halatang maalam rin sya sa Manila. Hindi nya na kailangan magtanong sa akin ng mga bagay bagay. Mas may confidence pa nga sya tingnan kaysa sa mga nakaka salubong namin. Patapos na kami kumain nang may lumapit sa table namin. It was Brent, my ex boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD