Napa awang ang labi ko. "P-pero hindi yon ang intension ko-" Gustong gusto ko bigla magpaliwanag pero pinutol nya ang sasabihin ko.
"Okay lang, Beatriz." He gave me a faint smile it almost looked fake. "Matulog na tayo." Muli syang humiga at ipinikit ang mga mata nya.
"C'mon, Ram! Mag usap tayo. Paano mo nalaman na ex ko si Brent? Wag tayo matulog ng hindi ito maayos." Naiiyak na sabi ko. Nakaka frustrate. Ngayon ko na realize na parang nag iba si Ram nang lumapag na kami sa Manila. "Matagal naman na kasi kaming break ni Brent. Four years na. At totoo naman na family friend namin sya."
Hindi pa rin gumagalaw si Ram. Naiinis na naiiyak na ako. Hindi ba talaga sya makikipag usap sa akin?
"Ram! Ano ba?!" Hinila ko ang kamay nya.
Bigla syang bumangon. Tumayo sya sa gilid ng kama. "You want to talk about it, fine." May gigil sa boses nya. I never want to see this side of him, pero sa tingin ko, maaga talaga ang lahat sa amin. "I saw it with the way he looked at you. The way he touched you. May meaning. And you just confirmed it to me."
"Ram naman, eh. I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na hindi sabihin sayo. Wala namang mangyayari kung babanggitin ko pa na ex ko si Brent."
"Kung sinabi mo, edi sana wala tayong pinag uusapan ngayon." Matigas na sabi nya.
Tumayo ako at humarap sa kanya. "I'm sorry! Bakit ba kanina ka pa galit? Hindi lang yung kay Brent. Kaninang dumating tayo. Tapos pagka alis ni Beks. Ano bang problema?"
Nakita ko na kinuyom ni Ram ang mga palad nya. "Hindi lang talaga siguro para sa akin ang Manila." Mahinang sabi nya.
"So.."
Hindi sumagot si Ram. Tumitig lang sya sa akin.
"Ram."
Hindi na naman sya sumagot.
Nanghihina na napaupo ako sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung bakit napunta kami sa ganitong sitwasyon.
"Hindi ko alam kung bakit ka nagkaka ganyan, Ram." Naiiyak na sabi ko. "Eh ano naman kung hindi para sayo ang Manila? Ako naman yung ipupunta mo rito, eh."
Hindi pa rin sya sumasagot.
Naiyak na talaga ako. Sinubsob ko ang mukha ko sa mga kamay ko.
"I'm sorry." Rinig ko na sabi nya. Naramdaman ko na tumabi sya sa akin. "I just saw how you look so alive in here. Kung paanong paglapag na paglapag pa lang natin sa airport, kitang kita ko na taga dito ka, dito ang lugar mo. Nagpapa deliver ka ng pagkain, mas madalas ka kumain sa labas. Malayong malayo sa buhay ko sa Isabela." Mahinang sabi ni Ram.
Unti unti ko syang nilingon. Nakayuko lang sya.
"When we were in Isabela, you lived an ordinary life. Nakita ko na kahit papaano, nag enjoy ka. Wala kang reklamo. Mas lumaki ang chance ko. I thought, maybe naisip mo na hindi naman masyadong masama ang buhay sa probinsya. For days na magkasama tayo, iyon ang tumatakbo sa isip ko. Sa isang iglap, sinampal ako ng katotohanan na mali ako. Your life is here, Beatriz. Malayong malayo sa buhay ng probinsyano na kagaya ko."
Ginagap ko ang kamay nya. "What the hell are you talking about, Ram?!" Hindi nya alam na all this time ay iyon pa rin ang iniisip ni Ram.
He can be complicated and simple at the same time.
"Hindi ba?" Malungkot syang tumingin sa akin. "You were nervous a while ago kasi makikita ng kaibigan mo na may probinsyano kang kasama. Na may boyfriend kang taga probinsya. I am not like those people here. Not like Brent."
Napakamot ako sa ulo ko. Seriously! Hindi ko talaga maintindihan bakit ganoon na lang ang tingin ni Ram sa sarili nya. Hindi nya ba makita kung gaano sya ka gandang lalaki? Hindi nya ba alam kung gaano syang mas angat kaysa sa ibang taga Maynila na lalaki?
"Damn it, Ramiel Esquillo!" Inis na sabi ko tapos tumayo sa harap nya. "I can't believe na nag away tayo dahil lang dito. Shit." Hindi ko mapigilan magmura. Sobrang napu frustrate ako. "Listen, okay? Listen very carefully. You are so damn wonderful, Ram. Ni minsan hindi ko naisip na probinsyano ka at taga Manila ako. It was never an issue and will never be. Pangalawa, please lang! Hindi ko alam kung saan nanggagaling yang insecurity mo but nakita mo ba ang itsura ng mga kasama nating kumain sa resto? Ram, you were the most good looking man inside that resto a while ago." Halos pasigaw na ang pagsabi ko.
Nagsimula ako'ng magpabalik balik ng lakad sa harap nya. Nakatingin lang sya sa akin.
"And I was nervous not because of the reason you were thinking, okay?" Tumigil ako sa harap nya. Humihingal ako na parang tumakbo. Sobrang gusto sumabog ng dibdib ko. "I was thinking about sa kung ano ang sasabihin ko sa kanya since bigla akong nagkaroon ng boyfriend. Ram, alam mo naman na wala pang two weeks since we got together. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ng kaibigan ko. That's it."
Bumuntong hininga ako. Hindi pa rin sya nagsasalita. Hindi nya siguro agad matanggap na mukha lang syang tanga sa mga bagay na iniisip nya. Na hindi naman talaga ako ganoon kababaw.
Lumapit ako sa kanya at kumandong paharap sa kanya. His body is still tensed, probably dahil sa galit nya kanina pero hinaplos haplos ko ang braso nya. I pressed my body in to him. Hanggang sa maramdaman ko na yinayakap nya na ako.
"I'm sorry, honey." Mahinang sabi nya.
"Ayoko na ng mag iisip ka ng kung anu ano ulit, okay? Pumayag naman ako sa ganitong set up natin, eh. Don't doubt me again, please. Nasasaktan ako kapag naiisip na ganoon ako kababaw sa paningin mo." Nakasubsob ako sa balikat nya.
"No, Beatriz. No. It's just that.."
Bahagya ako'ng lumayo sa kanya at tiningnan sya. Nagsalubong ang mga mata natin. "You can tell me."
Napa awang bigla ang labi nya pero umiwas sya ng tingin. "I'm sorry." Mahinang sabi nya lang.
Tumango na lang ako. Kung ayaw nya sabihin kung ano man yon, maghihintay ako. Ramiel Esquillo is someone worth fighting and waiting for.
Walang make up s*x o goodbye s*x na nangyari. It will be awkward to do so, kahit na gusto ko sana o alam ko na gusto nya rin sana. Alas siete ay gising na kami. Ininit nya na lang ang natira namin na pork curry tapos nag fried rice sya gamit ang natirang kanin na nilagyan nya ng itlog.
"I miss you already." Sabi nya habang hinahalikan ako sa leeg. Pareho na kaming bihis. Papasok na ako at sya naman ay pupunta na sa airport.
"Me too. Mag iingat ka sa flight mo." I cupped his face tapos hinalikan ko sya.
"God, I wanna stay for a night more." Anas nya.
Tumawa ako. "Ram, just come back kung may time ka. Please, don't rush. I can wait, okay?" Iniisip ko rin naman ang Hacienda na pinapatakbo nya.
Hindi biro ang mamahala ng ganoon kalaking lugar. Nagalit na nga ang mama nya nang mapansin na hindi sya pumupunta sa isang dapat pinupuntahan nya at alam nya na dahil iyon sa kanya. Palagi syang sinasamahan ni Ram.
"Ayoko nang papabayaan mo ang Hacienda dahil sa akin, o dahil sa pagpunta rito. We can talk on the phone. Alright?"
Tumango lang sya pero may lamlam ang mga mata nya.
Pinasakay ko sya ng taxi tapos pumasok na rin ako. Napangiti ako nang marating ko na ang office. I missed this place. Ang ingay ng mga Xerox machines, pagtipa sa mga keyboards, chitchats ng mga tao at ang amoy ng papel.
Mas maaga dumating sila Beks at Will at syempre pa ay nasabi na ni Beks kay Will ang balita.
"I feel happy for you, Bee. You're smart, you won't jump in that situation kung alam mo na walang patutunguhan yan." Nakangiti na sabi ni Will.
"Thanks, Will. For not judging me." Yinakap ko sya sa saya. Pati si Beks.
"So when do I got to meet the hunk boyfriend?" Tanong ni Will.
Natawa ako. "Hunk boyfriend?" Tiningnan ko si Beks.
"Bee, that's the right word to describe Ram, okay? The muscles, the tanned skin, the dreamy smile-"
"Okay, alright. Enough. Wag mo pantasyahan si Ram, please lang!" Natatawang biro ko kay Beks.
Umirap kunwari si Beks sa akin.
Hanggang mag lunch ay hindi nawawalan ng tanong ang dalawa sa akin. Fascinated rin kasi si Will sa fact na tumira ako sa Hacienda nila Ram. And proud na proud naman ako sa pag kwento. To think na nahihiya si Ram dahil probinsyano sya, hindi nya alam ang epekto nya sa akin. Sa buong pagkatao ko.
Bago mag uwian ay pinatawag ako ni Via.
"I read all of the articles you made, Bee. Seriously, hindi ako mapapahiya sa Governor ng Isabela dahil sa gawa mo. You just have to furnish it. And be busy with the annual summit again, alright?"
Nag thumbs up ako kay Via at nakangiti na umuwi. Sa sasakyan ni Beks ay inaasar nila ako na Haciendera na daw ako kaya wag ko na pakawalan si Ramiel. At wala naman talaga ako balak pakawalan pa si Ram, haciendero or not.
I feel so empty all of a sudden nang marating ko na ang condo ko. Walang Ram, walang fresh air, walang home cooked meal. Nakatanga lang ako sa harap ng tv na binuksan ko pero hindi naman ako nanunuod talaga.
Nag ring ang cellphone ko at nagmamadali ko'ng kinapa iyon sa bag ko. Gusto ko'ng magsisigaw nang makita na si Ram iyon.
"Hi!"
"I miss you. So much. How's your day?" Agad na sabi nya. Hearing his voice on the phone sent shivers down my spine. Medyo maingay sa paligid nya pero nagkakaintindihan naman kami.
"Miss na miss na rin kita. Okay naman, back to basic." Hininaan ko ang volume ng tv. "Nasaan ka?"
"Nasa Cauayan pa rin ako. Hindi pa ako umuuwi, magpapasundo pa lang ako."
Nangunot ang nook o. "Huh? Bakit di ka pa umuuwi? Di ka ba napagod?"
"Okay lang ako, Beatriz." He chuckled. "Expect my calls every now and then. Sobrang miss na kita agad."
"Ako rin. Pero tandaan mo yung sinabi ko, okay? Unahin mo ang Hacienda. I can wait." Paalala ko sa kanya. Baka kasi topakin bigla si Ram at bigla na lang pumunta rito dahil gusto nya.
Tumawa sya. "Yes, Maam. I remember."
May narinig ako na nagsalitang babae sa background at ang pangalan lang na tinawag nya kay Ram ang narinig ko.
"May kasama ka ba?" Nagtataka na tanong ko.
"Ah, oo. Si Veronica. Nakasalubong ko sya, namimili sya kaya sinamahan ko na."
Hindi ako agad nakapag salita.
"Mamaya kikitain namin si Heron, nandito rin sya sa Cauayan. Sabay na kami uuwi."
Gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko knowing na makakasama nila si Heron. Pero ang katotohanan na nag stay sya sa Cauayan dahil tinutulungan nya si Veronica ang nagpabigat ng nararamdaman nya.
Oo, in-ensure ni Ram na magkababata lang sila ni Veronica. Wala rin ako'ng doubts sa feeling ni Ram para sa akin pero kung anu anong eksena ang pumapasok sa isip ko. Paano kung sa sobrang pagka miss sa akin ni Ram, mabaling kay Veronica ang feelings nya?
"Honey?" Untag ni Ram.
"O-oh. Sige, ingat kayo. Ipakamusta mo na lang ako sa dalawa." Kating kati na ako bigla na putulin ang linya. Gusto ko mag emote. Ayoko I entertain ang naiisip ko pero nawawala ako sa sarili.
"Huh? Busy ka ba? Diba naka uwi ka na?"
"N-nakauwi na ako. Nanunuod lang ako ng tv." Sabi ko na lang.
"Oh, alright. Tatawagan na lang kita kapag nakauwi na ako." Nakakainis na parang ang cheerful ng boses nya bigla.
"Mga anong oras ka ba uuwi?"
"Papunta pa lang yung susundo sa akin. In two or three hours nasa bahay na ako."
"Sige. Mag iingat ka."
Hindi ko na hinintay ang sagot nya, pinutol ko na ang linya sa sobrang inis. Tumayo ako at binuksan ang ref ko. Nilabas ko ang isang bote ng red wine na kalahati pa ang laman. It wasn't my style to get drunk or something pero by the time na tumawag ulit si Ram ay lumulutang na ang isip ko.
Inunti unti ko ang red wine habang nanunuod kasabay ang French fries na pinadeliver nya.
"Hello." Slurry na ang pagkakasabi nya pero wala syang pakealam.
"Beatriz?" Nagtataka na tanong ni Ram.
"Ishpeaking?" Tapos natawa ako saglit.
"Bakit ganyan- Are you drunk?!" Tumaas ang boses ni Ram.
"Kaunti l-lang."
"What? Sinong kainuman mo? Nasaan ka?" I loved the panic in his voice. Parang musika iyon sa akin Napahiga ako sa sofa, pumikit ako nang umiikot na ang paningin ko.
"Nasha bahay lang ako-" Sininok ako bigla. "Ooops." Tapos tumawa ako.
"Sinong kasama mo? Si Beks? Bakit kayo uminom, may pasok pa kayo bukas." There he go again. Siguro, naisip nya na sana hindi na lang muna sya umuwi. Natawa na naman ako sa naisip.
"Wala shi Beks. Ako lang nandit o R-ram." Gusto ko'ng masahihin ang sentido ko pero lumagapak lang sa mukha ko ang kamay ko. My hands are numb, iniipit ko na lang ng balikat ko at tenga ang cellphone.
"Bakit ka uminom?" Bahagyang bumaba ang boses ni Ram pero nandoon pa rin ang pag aalala.
"Ram. Wag mo ako ipagpalit ha." Imbes ay sabi ko. Gusto ko lang ipaalala sa kanya na ako ang gusto nya, na masaya kami.
"What?"
"Ako lang dapat. Walang iba. Kahit malayo tayo. Ha?" Kanina ko pa iyon gustong sabihin. Iyon ang kanina pang ipinagpuputok ng butse ko.
"Beatriz.."
"Sabihin mo!" Sigaw ko.
"Alam mong ikaw lang. Walang iba." Rinig ko ang pag buntong hininga nya.
"Kung lolokohin mo ako.. Maghananap rin ako ng iba dito." Tapos tumawa ako. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa pero tumawa lang ako. Masaya ako na kausap ko si Ram.
"What?! Tungkol ba 'to kanina? Pagsama ko kay Veronica?" Mahinang tanong nya.
Hindi ko na iyon nasagot dahil nalaglag na ang cellphone mula sa leeg at tenga ko at idinuyan na ako ng antok.
Napabalikwas ako nang bangon nang mag alarm ang cellphone ko.
"Oh s**t!" malakas na mura ko nang ma realize na nalasing ako nang makita ko ang walang laman na bote ng red wine sa coffee table. Kinapa ko kung saan ang cellphone ko. I turned off the alarm.
Naliliyo pa rin ako pero pinilit ko na bumangon at mag shower. Uminom ako ng gamut para sa hang over. Nilinis ko ang sala at nag ayos pagpasok. On the way na ako kakain. Maaga pa naman kaya habang kumakain ay nagawa ko'ng I check na ang cellphone ko. Napamura ako ulit nang makita na tumawag si Ram sa akin kagabi at sinagot ko iyon.
Nagmamadali ako'ng nag type ng message.
I'm sorry last night. Kung ano man ang nasabi ko, I was just a bit drunk. Papasok na ako. I miss you so damn much.
Ayoko syang tawagan. Baka may ginagawa sya kaya hihintayin ko na lang ang tawag nya. Hindi ko rin pati matandaan kung ano man ang nasabi ko sa kanya. I groaned at pinilit na ubusin ang inorder ko'ng agahan bago dumiretso sa office.
Halos every five minutes ay chinicheck ko ang cellphone ko kung may reply na si Ram pero wala. Naka silent rin kasi ang phone ko kaya ayoko na mapalampas kung sakaling tumatawag sya. I am getting frustrated every minute.
Kung hindi pa ako sinundo nila Will at Beks sa cubicle ko ay hindi ko pa mapapansin na lunch na.
Wala ako sa mood. Gutom ako pero wala ako'ng gana kumain. Kinuha ko ang bag ko at ini lock ang laptop bago tumayo at sumama sa kanila.
Only to be shocked when I saw a familiar face palabas sa elevator.
Si Ram.